EIGHTY*KEN

2.7K 70 0
                                    

         And now the truths revealed! Kaya pala ganun na lang ang pagkakahawig nila KYLIE at Aling Shiela.May posibilidad na si Kylie nga ang anak ni Aling Shiela.Pero papanong napunta yun kay Tita Tere?haaaist!Grabeh.Akala ko sa mga teleserye lang may ganun.Para lang akong nagbasa ng wattpad story na may ganung plot sa kwento.Parang hindi ko maisip na sa likod ng YAMAN at KARANGYAAN ng buhay nila Kylie,may nakatago palang misteryo.

"Tito,may gusto lang akong itanong.I hope you dont mind...Panong napunta kay Tita Tere ang bata?I mean si Kylie_Gabb.
"Nuong una,ang sabi sa akin ni Tere,inampon nya ang bata. Nagkataong sa mismong araw ng pagkakapanganak ni Shiela,Saka naman nagkaroon kami ng baby kaya hindi ko na naisipan munang hanapin si Shiela._Tito Alex
"Pero tito,hindi ba kayo naghinala na maaaring ang batang dala ni tita Tere ay ang anak nyo ni Alimg Shiela?_Ako
"Hindi ko yun naisip.Wala sa hinagap ko na magagawa yun ni Tere sa dati nyang matalik na kaibigan._Tito Alex
"Anu pong nangyari kay Aling Shiela,Hindi nyo na po ba sya pinahanap pa?_AKO
"Pinahanap.Umupa ako ng magagaling na private detective.Pero hindi ko alam na hinaharang yun ni Tere kaya wala akong nabalitaan pa tungkol kay Shiela at sa anak namin._tito Alex
"So anu po ba ang balak nyo ngayon tito?Since nahanap nyo na ang tunay ina ni Kylie,ipapaalam nyo na po ba sa kanila ang totoo?_Gabb
"Napag usapan na namin yan ng mga lawyers ko.Pero bago ko pasimulan ang imbestigasyon,gusto ko munang ipaalam kay Kylie ang lahat lahat._Tito Alex.
"Tito,anu naman po ang dahilan at pinatawag nyo kami ngayong dalawa ni Ken?Kami po ba ang balak nyong pagsabihin ni Ken sa nangyari?_Gabb
"Hindi.Hindi ganun.Ako ang magsasabi ng lahat kay Kylie.Pero gusto ko sanang kung anu't anu man ang kahantungan ng lahat ng toh,Kayo na ang bahala kay Kylie.Alam nyo na ang kahinaan ng anak ko,alam ko din na kayo lang ang pinagtitiwalaan nya.Kaya ang hiling ko lang,Maging balikat kayo ni Kylie sa oras ng kanyang kalungkutan.Lalong lalo kana Ken._Tito Alex
"Salamat sa tiwala tito.Asahan mo po ang pag suporta ko kay Kylie.At kung anu man po ang kalalabasan nito,Sana po ay maging maayos din ang lahat._Gabb
After naming mag usap.Nauna ng nagpaalam si Gabb.Mga ilang minuto pa,nagpasya na din akong magpaalam sana kanya.Pero pinaki usapan nya akong mag stay pa ng sandali.
"Hindi ko na sana gusto pang ipaaalam kay Gabb ang mga yun,Pero bukod sayo kay Gabb lang si Kylie nakakapag sabi ng nararamdaman nya._tito alex
"Naiintindihan ko po tito,wala kayong dapat ipag alala.Mabuting kaibigan po si Gabb._Ako.
"Anu't anu man,may mga bagay syang di na dapat pang malaman mula kay Tere.Bilang respeto ko na din sa pagkamatay nya.
Ngayon,mas nauunawaan mo kung bakit dumating sa point na nagawa akong iwan ni Teresita nuon at sumama sa isang Lesbian.After kong malaman na kinidnap nya ang sanggol mula kay Shiela,Gusto ko na syang iwanan.Pero nakiusap sya,Para na lang daw sa pangalan at reputasyon ng pamilya namin,at kay Kylie na din...Wag ko na lang daw ipaalam na pinakidnap nya si Kylie.Aalis na lang daw sya at magpapakalayo layo._Tito Alex
"Tito,Isang bagay lang po ang gumugulo sa isipan ko.Hindi po alam ni Aling Shiela na nawala ang anak nya?_AKO
"Pagka panganak ni Shiela,hindi nya alam na pinakuha ni Tere ang sanggol.Pag gising nya mula sa isang Lying In clinic nawala na lang ang anak namin._Tito Alex
"Thats exactly my point.Ni hindi ba sya naghinala na pwedeng kayo ang nagpakuha ng bata since nagbanta na nuon si Tita Tere na kayang kaya nyang kunin din ang anak nyo?_AKO
"Hindi ko na naisip yun nuon.Later on ko na lang nalaman mula sa source ko...May sanggol na namatay kasabay ng panganganak ni Kylie,May posibilidad daw na yun ang ipinakitang anak kay Shiela kaya ang buong akala nya,Totoong patay na ang anak namin_Tito Alex.
Nanlumo ako sa nalaman ko.Napaka hirap sa isang ina na malamang namatay ang anak nya,pero mas masakit malaman na buhay pala ito at nasa piling ng amang umabandona dati dito.
"Ngayon,sabihin mo sa akin...Papano ko sasabihin sa anak ko na ang totoong ina nya ay si Shiela.Papano ko ipapaliwanag sa kanya na ang kinilala nyang ina ang kumidnap sa kanya?At papano nya tatangapin na ang nasa likod ng lahat ng ito ay ang namayapang ina nya na nakita nyang nagdusa para malabanan ng sakit na pinagdaanan._Tito Alex.
"Tito,hindi ko din po alam ang mararamdaman...Tama po kayo, Mahirap na isisi pa ang lahat ng nangyari sa taong alam naman nating lahat kung papano nagdusa bago pa lagutan ng hininga..
Kung ako din po ang nasa sitwasyon nyo ngayon.Parang hindi ko din po alam kung papano ko sya ihahandle na walang masasaktan at walang maaapektuhang taong wala na ngayon sa atin._AKO
"Kaya nga hindi ko pa masabi sabi kay Kylie ang lahat.Madaming tao ang masasaktan.Madaming buhay ang pwedeng madamay at masira.Hindi pwedeng ganun na lang kasimple ang lahat.Kapag lumabas na ang katotohanan,hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ng mag ina sa paglilihim ko sa kanila ng lahat._Tito Alex
"Tito,Wag po kayong mag alala.Willing po akong sumuporta sa inyo.Kung anu po ang kalabasan ng lahat ng ito,Naniniwala po akong MAPAPATAWAD pa din kayo ni Kylie._AKO
"Sana nga.Sana nga mapatawad ako ng anak ko.Ang kawawa kong anak.Kung naging matapang lang ako nuon,hindi sana naging ganito ang kapalaran naming lahat._Tito Alex
"Tito,Kung anu man po ang nangyari nuon...Sigurado naman akong may mga dahilan.Lahat tayo,may pagkakataon pa para itama ang mali ng nakaraan.Mas okey po siguro na malaman na nila ang totoo para maging maayos na ang lahat._AKO
Tumango tango lang si Tito Alex at saka tumingin sa malayo.
After naming mag usap,muli akong nagpaalam na.Naalala ko si Kylie,tiyak na hinahanap na ako nun ngayon.Habang nasa kotse ako,Saka pa lang nag sink in sa utak ko ang lahat ng narinig ko kanina.Sa nakikita ko, unti unti ng nagkakaroon ng kasagutan ang lahat ng tanong.Hindi magtatagal,magkakaroon na ang chance para maibalik ang mga panahong nawala.At para sa dalawang taong pinagkaitan ng pagkakataong maging isang pamilya,hindi pa huli ang lahat.
Ngayon ko napatunayang ang tadhana na mismo ang magdadala sayo para maging maligaya.Sana,sa huli...Mangibabaw pa din ang PAGPAPATAWAD.

"KENDRA!San ka nanggaling ha?_Kylie.Nagulat ako na pagbaba ko sa kotse,si Kylie ang sasalubong sa akin.
"Hah?..Dyan lang sa ka faculty ko.May itinanong lang ako sa Araling ituturo ko bukas._AKO
"Hoi Kendra,ako nga wag mong pinaglololoko.Sabado bukas,anung Aralin yang sinasabi mo?At saka kelan kapa nag tanong ng ituturo mo sa co teacher mo?_Kylie.
"Sweety naman.Nakipag kwentuhan lang ako.Masama ba yun?
At saka gabi na bakit andito kapa?_AKO
"Birthday lang naman kasi ni Rhian.Kanina kapa naming hinahanap at inaantay dito sa inyo,bakit di ka makontak ha?_Kylie
"Ganun ba,hindi ko alam na na off ko pala tong fone ko.Pasensya na.Sila MJ ba kasama mo?Tara na sa loob sweety,dun na tayo mag usap._Ako
"Pumasok ka na.Dito na lang ako mag aantay.Nahihiya ako kay Rhian,naubos na ang oras kaka antay sayo._Kylie
"Haaaist.Pasensya na talaga.Sige papasok na muna ako.Wait mo na lang kami dyan._AKO.Pumasok ako sa loob ng bahay at nagmano kay Inang.At saka kami lahat lumabas at sumakay na sa knya kanya naming sasakyan.Sa kotse ni Kylie na lang ako sumakay, Para na din makapag usap kami habang nasa byahe.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon