FIFTY NINE☆KYLIE

2.9K 74 2
                                    

     Halos isang buwan na bago ako nabisita nila mommy and daddy dito sa Japan.So far,okey naman ang modeling career ko dito.Idagdag mo pa ang mga parokyanong naaakit bumili ng mga damit na imino model ko.Eksaktong patapos na ang event ng dumating sila dad dito sa isang mall kung saan nakatayo ang boutique shop na kasosyo kami.Nagpaaalam ako saglit kina Mikee at Rhian na sasamahan sila dad and mom  na maglakad lakad muna after ko makapag palit ng damit.
"Iha,Congrats!Naku,ang dami mo din palang fans dito sa Japan.
_Mommy.Bumeso ako sa kanya pero mahigpit na yakap ang palage nyang pasalubong sa akin pag nagkikita kami.
"Iha,pasensya na at now lang kami nakabisita ng mommy mo. Alam mo naman,kagagaling lang namin sa Thailand._Daddy
"Ayos lang po yun dad,importante andito na kayo_Ako.humalik ako kay dad at yumakap.
"Iha,Kamusta naman ang palakad nila dito,hindi kaba nila pinahihirapan?_Mommy
"Okey sila dito mom,mababait at mga professional sila kausap.At saka on time sila palage._AKO
"Ganun ba,sabagay totoo naman yan.May branch din tayo dito sa japan,ang kaso sa Okinawa pa yun iha.2 hours by plane pa bago ka makarating sa "Shane Paradise".Kapag kami ng mommy mo ang bumibisita dun,nagdadala na kami ng ka business deal para dun na din sila mag stay.May 20 bedrooms tayo duon na pinaparentahan sa mga bakasyunista._Dad
"Ganun ba dad.Siguro kapag nagka time kami ng mga kasosyo ko pupuntahan namin yun._AKO
"Naku iha,sana nga.Magugustuhan nyo dun,napaka peaceful at saka sariwa ang mga seafoods nila duon._Mommy
"Syanga pala anak,kamusta naman ang pag bisita sayo ni Gabb?Nag enjoy ba kayo sa pag stay nya dito?_Dad
"Si ga-gabb dad?_Ako.Bigla akong kinabahan sa pag banggit nya kay gabb.
"Ay oo nga anak!Ang sabi ni gabb bago sya pumunta ng Cambodia,dadaan muna sya dito hindi ba?_Mom
"Ha!ah-eh yes mom! Nagkita nga kami dito.Sa ti-tingin ko naman nag enjoy sya._Ako.Nauutal pa ko sa pagsasalita,baka naman mahalata pa ako na hindi naman talaga kami nagkita ni Gabb mula pa nung umalis ako sa Pinas.
"Mabuti naman iha.Syanga pala,regarding dun sa proposal ni MR. Akihiro na makisosyo sa yatch rental sa Subic resort mo,napag isipan mo na ba?Malaki din ang madadagdag na kita mo duon sa resort kung sakali._Dad
"Dad,diba nag usap na tayo about dun?Ang sabi ko hindi ko na itutuloy.Saka nagpunta ba kayo dito para lang sa negosyo na naman?Akala ko pa naman bininisita nyo ko talaga?_AKO.Iniwasan ko pag usapan ang tungkol duon kasi hindi yatch ang business na ipinasok ko duon kundi ung jetski business nila MJ at Ken.
"Iha,wag mo na lang intindihin masyado yang dad mo,puro negosyo lang kasi ang nasa isip nyan.hahaha..mabuti pa samahan moko sa mga masasarap na kainan dito sa Tokyo halika._Mom sabay hila sa akin palabas ng event venue.
Sumunod naman agad sa amin si dad na napansin kong bahagyang namayat ata ngayon.
Alam ko naman na hindi sanay sila mom and dad sa pamamasyal ng malayo kaya nag pasya akong yayain na silang sa hotel na kami magdinner.Mas malaki ang venue at mas mahal ang mga pagkain nila dito kumpara sa restaurant na kinainan namin nuon nila Ken nung andito pa sila.Madaming pagkaing inorder si dad.Kumain na muna kami bago ko simulan ang totoong pakay ko sa pag didinner naming tatlo ngayon.
"Dad,Mom.Mabuti na din po at nandito kayo para makausap._AKO Habang nasa hotel kami para mag dinner.
"Tungkol saan ba yan iha? Mukhang seryoso ata ang pag uusapan natin ah!_Mom
"Tungkol sana sa wedding,mommy,daddy,Ayokong magpakasal kay gabb._AKO
"Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang pag usapan yan?_Dad.
Halatang umiiwas si dad pag usapan ang tungkol duon
"Pero iha!Hindi pwedeng hindi yun matuloy!Nakapangako na kami kay General Romulo.At isa pa,anu na lang ang mararamdaman ni gabb kapag di mo itinuloy ang kasal nyo?_Mom
"This is Nonsense Kylie!!Hindi pwede ang gusto mong mangyari!
_Dad.Mahina pero madiin ang pagkakasabi nya.
"Pero dad,Alam nating pare pareho na hindi namin gusto ni gabb ang isat isa!_Ako
"Wala akong pakialam kung gusto nyo o hindi ang isat isa.Ang mahalaga,makasal kayong dalawa!
At sino ang gusto mo,yung tomboy na yun?Isang hampaslupa at ambisyosang tibo na gustong maging mayamang kapareho natin kaya dikit ng dikit sayo!_Dad.Napalakas na ang boses nya kaya nagtinginan ang ibang kumakain dun sa hotel.
"Hindi ganun si Ken dad!Mabuti syang tao.Hindi sya mapagsamantala gaya ng inaakala nyo._Ako
"Daddy,iha...Hinaan nyo naman ang boses nyo.Nakatingin sa ating ang mga kumakain._Mom
"Mabuti pang bumalik na lang tayo sa room natin Teresita,nawala na ako ng gana sa pagkain._Dad
"Pero dad,we need to talk.Hindi ako magpapakasal kay gabb. Mas maaga sa napagkasunduan ang pag uwi ko sa Pinas,pero hindi para magpakasal kundi para sabihin sa lahat na walang kasalang magaganap!_Ako
"Wag ng matigas ang ulo mo Kylie!Minsan lang ako humingi sayo ng pabor,Wag mo akong ipahiya sa lahat!Itatakda ang kasal nyo sa ayaw at gusto mo!Wag mo kong sinusubukan Kylie,baka malaman mo kung anu talaga ang kulay ko!_Dad
"Im sorry dad,mom. Pero this time Puso ko ang masusunod.At tama ka dad,hindi na nga kita kilala,hindi kana yung daddy na minahal at nirespeto ko sa mahabang panahon.Binago kana ng tuluyan ng kayamanan mo!._AKO.sabay labas na sa restaurant.
Pagdating ko sa labas,Biglang nanginig ang mga tuhod ko.Napaupo na lang ako sa isang sulok at nag iiyak.This is the first time na nasagot ko si dad ng ganun.
Hindi ko naman sana sya sasagutin kundi lang sa sinabi nya about kay Ken.All this time pala,alam nya yung tungkol sa amin.Ang tanga ko lang at di ko agad naisip na di nya yun malalaman.With his connection,baka nga matagal nya na din kaming pinasusundan.
Nagpasya akong bumalik sa apartment namin.Dire diretso ako sa kwarto ko kahit na tinatawag ako ni Mikee at Rhian para kumain.Isang katok ang narinig ko buhat sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Kylie? Are you okey? May problema ba?_Mikee na halatang nag aalala sa akin ang boses.
"Ayos lang ako mikee,medyo masakit lang ang ulo ko.Itutulog ko lang to at okey na ko._Ako.
"Sige kylie,goodnyt.Basta kapag gusto mo magshare,andito lang kami ni Rhian ha._Mikee
Hindi na ko sumagot.Pumikit na lang ako.Obvious naman kasi na may problema ako,bukod sa maga ang mata ko sa pag iyak,hindi talaga ako magaling magtago ng problema.Hindi kagaya ni Ken.
Naalala ko si Ken.Hindi kaya sya kinausap ni dad nuon pa? Bigla akong kinabahan.Baka kung anung gawin ni dad kay Ken.Parang eksena sa teleserye,hindi ko naisip na pati sa totoong buhay mangyayari ito sa amin ni Ken.Kung kelan okey na kami,saka naman nagkakaganito.Hindi ba talaga pwedeng masaya lang? Hindi ba pwedeng wala na lang kontrabida?Namalayan ko na lang na napapahagulhol na naman ako.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon