EIGHTY FIVE *KYLIE

2.5K 73 0
                                    


                         Tatlong araw na akong nasa loob lang ng condo ko.Tatlong araw na din akong di iniiwanan ni Ken.Alam ko may trabaho sya pero ayaw nyang umuwi sa kanila.Para ko syang all around maid at yaya na din at the same time dahil lahat ng pag aasikaso hanggang sa pagluluto,sya ang gumagawa.Hindi pa din kami nag kikibuan.From time to time,tinatawagan lang ako ng mga manager ng mga resort ko para magreport.Sa main office naman,si Lheen ang pinamamahala ko.Yung mga need pirmahan, naka pending lang muna.Kailangan ko pa kasi silang ireview bago ko sila pirmahan.Naririnig ko din si Ken na tumatawag sa mga kasamahan nyang teacher at mga prof para makibalita.Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ulit ang class nya sa Doctoral nya,Mahihirapan syang makahabol dun kapag nagkataon.Haaaist.Dahil sa akin,kaya naaabala si Ken sa mga commitments at trabaho nya.Kailangan ko na talagang mag decide.Kailangan ko na talagang magpunta ng Palawan sa lalong madaling panahon.
"Sweety,Pwede mo ba kong samahan kila Aling Shiela?_AKO.
Napahinto naman si Ken sa paghuhugas ng pinggan at lumingon sa akin.
"What did you say?Pupunta ka na ng Palawan?_KEN
"Yes.Kailangan ko ng harapin si Aling Shiela.Kailangan na nyang malaman ang totoo._AKO.
"Pero papano kung hindi ka nya paniwalaan?Or papano kung idemanda nya ang daddy mo,makukulong sya._KEN
"Haaaist.Wala akong magagawa kung yun ang magiging pasya nya.Hindi ko sya masisisi.Kahit ako man,Yun din ang unang una kong gustong mangyari sa kanya nuong marinig ko ang totoo._AKO
"Pero Sweety,He's still your dad.Balewala na lang ba lahat ng Pagmamahal at Pag aalaga nya sayo?_KEN
"Ewan ko.Sa ngayon punong puno pa ako ng galit sa puso.Pero gaya nga ng sabi mo,hindi ko dapat yun samahan ng poot at paghihiganti.Sa ngayon,ang tanging magagawa ko lang ay kausapin si Aling Shiela at sya ang hahayaan kong magpasya sa gusto nyang gawin kay daddy._AKO.
"Well,Kung yan ang gusto mo.Sasamahan kita sa Palawan.Dumaan muna tayo sa bahay para makapag dala ako ng damit ko at saka makapagpaalam na din kila Inang._KEN
Tumango lang ako at saka tinawagan ko ang secretary ko na magpabook ng flight papunta ng Palawan.This time,wala akong magagamit na private plane dahil kay daddy yun.Nagsimula na akong maghanda ng mga dadalhin ko papuntang Palawan.
Si Ken naman ay naligo na at nagbihis para makadiretso na kami ng bahay nila.
"Iha!Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo.Hindi ka na ba nahihilo?_Inang.Nagmano ako bago pa ako sumagot sa tanong nya.Tumango naman si Ken sa akin at ngumiti bilang senyales na wag akong mag alala at di nya sinabi ang totoo kila Inang.
"Opo Inang,Okey na po ako.Magpapasama lang po ako kay Ken dahil nagkaroon ng kaunting problema sa pinarerenovate kong resort dun sa Palawan._AKO
"Nasabi nga ni Ken.Mabuti na din yung may kasama ka.Baka mamaya may mangyari pa sayo duon._Inang
"Ate Kylie,sila ate Verna at Boss Mj ba di nyo kasama?_Kian
"Hindi Kian eh,Sandali lang kasi kami duon.Business trip lang.  Hayaan mo,kapag naayos na yung pinagagawa kong hotel duon isasama ko kayo nila Inang._AKO
"Talaga ate Kylie,Isasama ko din yung girlfriend ko ha?_Kian
"Kylie lets go na,baka gabihin pa tayo sa byahe.Kian,ikaw na bahala kay Inang ha.Inang aalis na po kami._Ken sabay halik sa Inang nya kaya nagkiss na din ako.
"Are you sure kaya mo ng harapin si Aling Shiela sweety?_Ken
"Ewan,di ko alam.Bahala na kapag andun na ko.I need to do this, para na din sa ikapapanatag naming lahat._AKO.
Tumingin sa akin si Ken at saka ako ginawaran ng halik sa labi.
Namiss ko ng sobra yung mga halik na yun.Napapikit ako at huminga ng malalim.Thanks to Ken,sa kanya ako humuhugot ng lakas.Without her by my side,hindi ko na alam kung anung mga maaaring nagawa ko nung mga panahong muhing muhi pa ako kay dad.
Sa hotel na kami dumiretso pagkagaling namin sa Airport.Sinundo kami ng sasakyan ng hotel.Nagustuhan ko naman ang itsura ng hotel ngayon kaysa nung unang nabili ko ito.Parang mas nagmukha syang first class hotel ngayon kaysa nuon.Nagpahinga lang kami saglit ni Ken at saka nag shower.Pinasundo ko na lang sila Aling Shiela at Shiera sa kanila at dito na sa hotel muna mag stay.Maya maya lang,nagdoorbell na sa pinto yung manager para sabihing nasa kabilang kwarto na daw yung mag ina.
"Sweetheart,Are you sure handa kanang makipag usap?_Ken
Isang akbay ang iginawad nya sa akin sabay kabig sa ulo ko at hinalikan.Napayakap tuloy ako sa kanya.
"Yes Sweety,Im okey.Alam ko hindi ganun kadali pero andyan ka naman para saluhin ako hindi ba?_AKO.
Isang tango at ngiti naman ang isinagot sa akin ni Ken.Lumabas na kami ng room at dumiretso sa isang Extension room na may
mini pool at mini bar sa loob.Pinasadya ko ito para may exclusive kaming tambayan kapag andito kami sa hotel.Nadatnan namin ni Ken na nag uusap sila Aling Shiela at Shiera sa sofa habang nag aantay sa amin.Nang makita nila kami ni Ken na papalapit, nakatitig lang silang parehas sa akin.
"Kamusta na po Aling Shiela,Shiera?_Ken.
"Ma-mabuti naman kami ken,ikaw kamusta naman,magaling kana talaga?_Shiera
"Opo naman.Okey na okey na ko.Mabuti naman at pinaunlakan nyo ang imbitasyon namin,salamat po Aling Shiela sa pag punta._Ken
"Walang anuman Kendra.Natutuwa nga ako at naimbitahan nyo kami dito.At nakita ulit namin kayo._Aling Shiela na sa akin lang naman nakatitig.
"Ahh,Aling Shiela maiiwan po muna namin kayo ni Kylie dito para makapag usap kayo.Shiera,dun na muna tayo sa resturant, order tayo ng food._KEN.
Hindi naman ako nagsasalita mula pa kanina.Nag iisip ako ng sasabihin ko.Tahimik ang paligid after na maiwan lang kami ni Aling Shiera dito sa loob.Isang malalim na buntong hininga muna ang ginawa ko at saka ako nagsimulang magsalita.
"Aling Shiela.May gusto po sana..._AKO Naputol ang pagsasalita ko ng bigla syang nagsalita.
"Nanay.Nanay Shiela ang itawag mo sa akin anak..._Aling Shiela
"Yun nga po ang gusto ko sanang sabihin sa inyo...Na ako po yung
_AKO.Naputol na naman ang sasabihin ko dahil muli na naman syang nagsalita.
"Alam ko na ang lahat anak.Naipaliwanag na sa akin ni Gabb at ng daddy mo.Bago pa masabi sayo ni Alex,nagkausap na kami.Humingi na din sya ng patawad sa nagawa nya._Aling Shiela
"Pero kung alam nyo na,bakit hindi nyo ko pinuntahan?Bakit hindi nyo ko kinuha kay daddy?_AKO
"Sinabihan ako ni Alex na hayaan na muna kita dahil mas mahirap para sayo na tanggapin na lang ng ganun ang lahat.Pinalipas ko na muna yung galit na nararamdaman mo.Baka kasi kapag nagkausap tayo,Baka imbis na kumalma ka,mas lalo ka pang magwala sa galit at sama ng loob.Sa totoo lang anak,gustong gusto na kitang puntahan...Pero mas pinili kong paghilumin na muna sakit dyan sa puso mo bago tayo makapag usap._Aling Shiela
"Kung magdedemanda kayo kay daddy,susuportahan ko kayo. Kung kailangan nyang managot sa kasalanan nya,hindi ko kayo pipigilan._AKO
Isang ngiti ang iginawad ni Aling Shiela sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit.Sabay naming di napigilan ang pagluha habang magkayakap.May bahagyang ginhawa akong naramdaman sa bahagi ng puso ko,parang isang nakabaong tinik ang biglang nawala after kong mayakap si Aling Shiela.
"Hindi ako magdedemanda sa daddy mo anak,Sapat na sa aking makita na napalaki ka nya ng maayos at matagumpay,anak.
Ngayong nalaman ko na buhay ka,Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para mabuhay pa ng mas matagal.Gusto pa kitang makasama ng matagal na panahon kasama ng kapatid mo na si Shiera_Aling Shiela.
Tumango tango naman ako habang umiiyak.Ang sarap pala sa pakiramdam na kasama mo na yung tunay mong Ina.

Yay!Iba talaga kapag nanay natin ang kayakap noh?Para tayong hinihele na may kasamang tender loving care.hehehe😉

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDWhere stories live. Discover now