FIFTYONE *KEN

3.1K 88 0
                                    

            Aaminin ko,bigla akong natuwa ng malaman ko na dumating si Kylie dito sa condo ni MJ ngayon.Pero hindi ko inaasahan na kasama nya ang fiance nya para ihatid sya.
Nagpasya akong magpa alam na.Alam ko na maaring ikapahamak pa ni Kylie kapag nalaman ng daddy nya na nagkita kami ngayong gabi.Palabas na ako ng building ng magsalita si Gabb,na kasunod ko lang bumaba.

"Kung may mga gusto kang malaman o itanong,pwede moko kausapin._Gabb
"Wala naman dapat pag usapan._AKO
"Are you sure na wala kang gustong itanong sa akin?_Gabb
"Yeah,im sure of that. _AKO. Sabay sakay na sa kotse ko.
"Here's my card.Alam ko,one of this day kakailanganin mo yan. Lalo na kapag di mo na kaya._Gabb sabay sakay na din sa kotse nya.
Nakatingin lang ako sa card na inabot nya.Gusto ko sanang itapon na pero parang may pumipigil sa akin na gawin yun.
Inistart ko na ang kotse pagkatapos kong ilagay sa loob ng wallet ko ang calling card na bigay nya.

May padespida daw sila Kylie,mikee at rhian bago pumunta ng Japan.Ilang araw bago ang huling pagkikita namin ni Kylie sa condo ni MJ ng di sinasadya,ngayon na lang kami ulit magkikita.
Ayoko sanang umattend,pero anong pwede kong idahilan sa kanila lalo pa at eto sinusundo na ako nila MJ at VM.Isang selebrasyong alam kong magpapabago sa buhay ko.Napapikit na lang ako sa isiping ito na ang huli naming pagkikita ni Kylie sa loob ng anim na buwan.
"Dude okey lang yan.Magkikita din kayo ni Kylie.Para kasing aattend ka ng lamay sa itsura mo eh! Kami din naman iiwanan ng girlfriend,di lang ikaw!_VM
"Hahahahah.Oo nga naman Ken.Sa itsura mo,daig mo pa yung hindi na makikita pa si Kylie ng forever eh._MJ
"Ako na naman ang nakita nyo,masama nga kasi sabi ang pakiramdam ko.Kaya nga diba ayaw ko sana umattend sa party na toh!_AKO.Haist!Ganun ba talaga ako ka apektado?Ang hirap naman yata magpanggap na masaya tonight.
Tapos makakaharap ko pa ang daddy ni Kylie for sure.Anu na namang panlalait kaya ang maririnig ko sa kanya this time.
"Ken,look at Kylie.Pababa ng sasakyan nya.Pagkakataon mo na syang titigan ng palihim.Iiwan ka na muna namin dyan._MJ na bumaba na ng kotse nya papasok sa hotel.Sumabay na din si VM kaya ako na nga lang ang natira sa kotse.Di ko namalayan na nasa hotel na pala kami sa dami ng iniisip ko.
Pagbaba pa lang ni Kylie sa dilaw nyang kotse,madami ng tao ang nakakilala sa kanya.Panay naman ang kaway at ngiti nya sa mga ito.Napakaganda nya sa damit na suot nya.Isang dress na hapit at above the knee na kulay dilaw ang suot nya na lalong nagpalabas sa kaseksihan nya.
Isang hamak na guro sa Mababang Paaralan,maliit ang sweldo at bulok pa ang sasakyan...Kahit na sinong magulang,hindi gugustuhing ako ang makatuluyan.Habang lalong nagiging sikat at nakilala si Kylie sa fashion world at negosyo,mas lalo kong nararamdaman ang napakalaking agwat sa pagitan naming dalawa.Isang katok sa bintana ang nagpabalik sa akin sa realidad.Binaba ko ang salamin para kausapin ang kumatok.
"Boss,pasensya napo.Bawal po magtagal sa pag park ng sasakyan dito._Guard
"Sige Sir,pasensya na.Iaatras ko na lang._Ako.sabay paandar sa kotse ko palayo sa hotel.
Nagpasya akong di na lang tumuloy sa hotel.Para saan pa.Kahit naman makita ko sya o hindi,hindi pa din naman magbabago ang kapalaran.Mahirap pa din ako,at mayaman sya.Tama na ang pag iilusyon.Sa mga teleserye lang meron na ipaglalaban kunwari,pero sa realidad...Walang ganun.Ang bituin,hindi kailanman bababa sa lupa.Sa ELITE'S ako dumiretso.Gusto ko lang muna uminum.Baka sakaling mamanhid ako kahit sandali.
Baka sakaling kahit ilang minuto lang,mawala tong sakit na nararamdaman ko.
Pumasok ako sa bar at pumwesto sa pinaka sulok.Ayokong umupo sa VIP dahil lalo ko lang maiisip si Kylie pag dun ako pumwesto.Isang bote pa lang ang naiinum ko pero bakit panay na ang tulo ng luha sa mga mata ko?Napapikit na lang ako.Bakit ba ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon.Parang hindi ko na yata kaya.Isipin ko pa lang na tuluyang lumayo kay Kylie,parang nadudurog na ang puso ko.Alalahanin ko pa lang na pagtapos ng 6 na buwang di ko sya makikita,Ikakasal naman sya sa iba.Hindi ko namamalayang humahagulgol na pala ako sa pag iyak.Pero anu bang pakialam ko.Masakit talaga eh.Parang any moment sasabog na lang sa sakit tong dibdib ko. Isang panyo ang inabot sa akin mula sa harap ko.Dahil sa mga luha,hindi ko na napansin kung sino ang nag abot sa akin.Pagkatapos kong magpunas,saka pa lang ako humarap sa taong nag abot sa akin ng panyo.Nagulat naman ako sa kaharap ko.
"Anung ginagawa mo dito?Alam mo bang bawal ka dito?_AKO
"Sino naman nagsabi sayong bawal ako dito?Sa pagkaka alam ko, pag member ka ng club,anytime pwede ka pumasok._Gabb
"Para lang to sa mga lesbian at mga babae.Bawal pumasok ang mga lalaki dito.Saka isa pa,dapat andun ka sa party ng fiance mo hindi ba?_AKO
"Unang una,dahil mayaman at madami akong source kaya ko makapasok sa kahit na anung lugar kung gugustuhin ko. Pangalawa,porke ba despida party ng fiance kailangan anduon ako?_Gabb
"Okey then,Ako na lang ang aalis.Nakakahiya naman sayo.Mayaman ka nga pala,nakikipag usap ang mahirap na kagaya ko sayo._AKO.tatayo na sana ako pero pinigilan nya ko sa balikat.
"Mag uusap pa tayo.Like I said before,we need to talk.Sa ayaw mo at sa gusto._Gabb
"Pano mo naman naisip na gusto kita makausap? Dahil din ba sa source mo? O dahil din sa mayaman ka?_AKO.
"HINDI.Dahil tungkol sa inyo ni Kylie ang pag uusapan natin!_Gabb
"Wala ng dapat pag usapan.Hindi ba ikakasal na nga kayo? Nasayo na sya hindi ba?May nanalo na.So anu pang dahilan para mag usap?Para laitin mo din ako kagaya ng paghamak sa akin ng tatay nya?_AKO.Bigla na naman ako napaiyak dahil duon.
"Thats why im here.Tutulungan ko kayo ni KYLIE.If you want,sumunod ka sa Japan,ako ang bahala.Hindi kayo masusundan dun ng mga tauhan ng daddy nya.Ako ang bahala._Gabb
"Teka,ano toh?Bakit mo ba sinasabi lahat to sa akin?Hindi ba fiance mo ang sinasabi mong sasamahan ko sa Japan? At saka pano mo nalaman na pinasusundan ako ng tatay ni KYLIE?_AKO
"Kaya nga sabi ko sayo diba,have my source!General ang tatay ko. Madami akong bagay na alam,at kayang magawa na walang kahit sinong makaka alam basta ginusto ko._Gabb
"At sa palagay mo paniniwalaan kita?Malay ko ba kung padala ka dito ng tatay ni Kylie para pasakayin lang ako.Tapos sa huli,Para akong hayop na ipagtatabuyan at mamaliitin lang ng tatay nya.
_AKO
"Alam mo,teacher ka pa naman pero bakit ang baba ng self steam mo?hah! Kung ako si KYLIE,Aayawan talaga kita.Nakaka turn off naman yung tao na WALANG GINAGAWA PARA SA TAONG MAHAL NYA KUNDI UMIYAK AT UMINUM lang sa isang sulok!_Gabb
"Pwede ba!Hindi sa wala akong ginagawa.Ayaw ko lang hilahin pababa si KYLIE.Nasa rurok na sya ng tagumpay,ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagbagsak nya._AKO
"Bakit,sa tingin mo ba MASAYA SI KYLIE sa kabila ng mga bagay at kasikatang tinatamasa nya ngayon?Magpaka totoo ka nga! ALAM MO SA SARILI MO,IKAW ANG KALIGAYAHAN NI KYLIE. PERO DAHIL SA GINAGAWA MO,LALO MO SYANG PINAGKAKAITAN AT PINAGDADAMUTAN MAGING MASAYA.
_ Gabb.
Hanggang sa umuwi ako ng bahay.Hindi ko pa din maalis sa isipan ko lahat ng mga sinabi sa akin ni GABB.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя