Fortythree☆KEN

2.9K 90 0
                                    

  

    Alam ko naman na mahina sa inuman si Kylie,Ramdam ko din na may tama na sya pero pilit pa din nyang nilalabanan.Haaaist!  Lalapitan ko na sana sya pero bigla akong pinigilan ni Charry.
" Ken,parang lasing na yata ako.Di ko na ata kaya magdrive pauwi._Charry
"Wag ka mag alala ate Charry,ihahatid ka naman ni Ate Kendra eh!_Miggy
"Naku,nakakahiya naman kay Ken._Charry
"Okey lang,ihahatid na kita.Para makabalik din ako agad._Ako
"Sige,mauuna na ko guys ha...Pasensya na kayo madali kasi ako malasing talaga.hahahah_Charry.Pagtayo nya sa mesa,medyo nahihilo na talaga sya kaya bigla syang napakapit sa braso ko. Napatingin naman ako agad kay Kylie na masama ang tingin kay Charry.
"Bilisan mo budz,aantayin ka namin ha!Dito lang kami,babantayan namin si Kylie para sayo.hahaha_MJ.
"Ang ibig sabihin ni MJ,Aantayin ka  namin nila Kylie dito.Kaya dalian mo._Mikee
"Kuya sama na ko,para may kasama ka pabalik._Kian.
"Sige,paalam muna tayo kay Inang._Ako sabay tayo at bulong kay VM na bantayan si Kylie.Tumango naman si VM at saka kami umalis na agad at sumakay sa kotse ni Charry.
"Salamat sa paghatid Ken ha,pati sayo Kian.Ingat sa pag uwi.Kita na lang tayo sa Monday._Charry.Tumango naman ako at saka kami dali daling bumalik na sa bahay.Nag aalala ko kay Kylie,kilala ko sya pag nalalasing,iba iba ang sinasabi nun.haaaist.Bakit ba kasi pinipilit mag inum,di naman kaya.

Nagtaxi na lang kami ni Kian pauwi kaya mas mabilis kaming nakauwi sa bahay.Tumawag kasi sila MJ na nauna na daw silang umuwi dahil biglang nahilo si Rhian.Sila VM at mikee naman,hinatid si inang at Kylie sa bahay.Hindi pa kasi tapos ang inuman sa bahay nila Mickey pero dahil lasing na si Kylie,minabuti ni Inang na sa bahay na muna daw si Kylie tumuloy.
"Budz,mauna na kami.Kaw na bahala muna kay Kylie ha...Ung kotse nya,eto na yung susi.Ayaw paawat kanina sa inuman eh, kung anu anu nga sinasabi,kaya dinala nalang namin dito sa inyo._VM
"Salamat budz.Sige ako na maghahatid sa kanya.Salamat din pala sa paghatid kay inang ha._Ako
"Walang problema Ken,sige na.Asikasuhin mo na si Kylie dun baka kung anu anu na kinukwento nun sa inang mo ikaw din. _Mikee.
"Hahahha.Uu nga!Lagot ka kay Kylie,malamang magsumbong yun sa inang mo.Kanina nga panay na ang hugot nung hinatid mo si Charry.Buti pa daw si Charry,hinahatid mo.Sya daw never mong hinatid sa bahay nila.hahaha_VM
"Sige na,papasok na ko.Baka nga magkwento pa ng magkwento un kay Inang.Nakakahiya._ako

"Alam nyo po,inggit na inggit nga ko sa Charry na yun.Anytime nakakapunta sya dito,pinagluluto nyo pa.Samantalang ako,Never akong ininvite dito ni Ken._Kylie.Nadatnan ko sila ni inang sa sala na nag uusap
"Pwede ka din namang pumasyal dito anytime anak. Ayan tamang tama,narito na si Ken,sya na ang bahala muna sayo para makapag init ako ng tubig at para makapagkape ka._Inang
"Sige po inang,ako na po ang bahala dito._Ako
"Ken?Mabuti naman at umuwi kapa? Akala ko dun kana titira sa Charry na yun eh.Nakainum lang ng kaunti,grabe kana sa pag aalala._Kylie
"Uuwi talaga ako dahil bahay ko to.Bakit ba kasi ang hilig mo uminum tapos di mo naman kaya?_Ako
"Kaya ko naman!Di ako kagaya nung babae na yun na di pahatid hatid pa.Magda drive pa nga ako.Teka asan na ba ung susi ko._Kylie na biglang tumayo tapos bigla din namang bumagsak. Buti na lang nasalo ko agad.
"Hay umupo ka nga lang.Ang tigas kasi ng ulo mo,sinabi na sayo na wag kang maglasing tapos gaganyan ganyan ka._Ako
"Hindi ako lasing.Kaya ko pa.Gusto ko nga sabayan si Charry sa pag inum para magkasukatan kami.Sino ba ang mas malakas sa amin uminum,Sino ba ang mas gusto mo sa amin?At bakit moko iniiwasan?Dahil ba di ako kagaya ni Charry na  teacher din gaya mo kaya ayaw mo sa akin?_Kylie
"Haaaist!Lasing ka lang,kung anu anu yang sinasabi mo.Walang kinalaman dito si Charry okey.Wag mo syang awayin.Hindi tama yun._Ako
"Di ko naman aawayin.Tatapatan ko lang.Baka sakali,pag natalo ko sya kahit sa pagandahan manlang,O kaya naman sa patalinuhan,baka mas pansinin mo na ko kaysa sa kanya._Kylie
"Pwede bang hinaan mo naman yang boses mo,naririnig ka ni Inang at ng mga kapatid ko._Ako.Eksakto namang palabas si Inang na may dalang kape.
"Anak,ipainum mo muna ito kay Kylie ng mahimasmasan man lang.Aba,mahirap pala malasing yan anoh,kung anu anu sinasabi._Inang
"Oo nga ate,kanina kaya sa bahay nila Kuya Mickey...Ang daming kwento ni ate Kylie.Lahat ng tao dun sa kanya nakatingin.
Ngayon lang kasi sila nakakita ng lasing na modelo.hehehehe
_Miggy
"Sinong lasing?Im not drunk.Im just sad.Si Ken kasi,palage na lang akong binabalewala._Kylie.
Hiyang hiya naman ako kay inang at mga kapatid ko sa sinasabi ni Kylie.Pinainum ko sya ng kape para mahimasmasan.
"Anak,ang mabuti pa.Bukas mo na ihatid si Kylie sa kanila.Patulugin mo na muna dito sa atin.Kawawa naman kung iiwanan mo na lang basta yan sa condo nya.Wala dun mag aasikaso sa kanya._Inang
"Oo nga ate,saka gabi na din.Mahirap na mag maneho ng kotse lalo pa at nakainum kayo pareho.Pahigain mo na lang yan sa kwarto mo._Miggy
"Opo inang,Ako na po ang bahala dito.
At kayo namang dalawa,gustong gusto nyo lang andito si Kylie eh!Magsipasok na kayo sa mga kwarto nyo._Ako.
"Syanga.Mabuti pa at magpahinga na tayo.Maghahating gabi na. Magsisimba  pa tayo bukas ng maaga.Kendra,asikasuhin mo mabuti yang kaibigan mo,para di sumasama ang loob sa yo._Inang
"Opo inang.Papasok na din kami sa kwarto._Ako.Kinarga ko na lang si Kylie kahit na nabibigatan ako sa kanya.Nakatulog na kasi pagkatapos kong mapainum ng kape.Sa kwarto ko na lang pupunasan ng maligamgam na tubig para sya mapreskuhan.
Pagkahiga ko sa kanya sa kama.Inalis ko ang sapatos nya at saka ko sya pinunasan.Gusto ko sana syang palitan ng damit pero baka kung anu ang isipin nya kaya hindi na lang.Naglatag din ako ng kumot sa baba ng kama at duon ako nahiga.
Iniwasan kong tabihan sya at tignan habang natutulog.Baka kasi di ko na naman mapigilan ang sarili ko.Kahit gusto ko sya,Kailangan kong umiwas.Kahit alam kong nasasaktan ko na sya,kailangan kong maging manhid.Para din sa kanya tong ginagawa ko.Para sa maganda at masagana nyang buhay.
Sa mga panahong gustong gusto ko na syang mahalin ulit,At kahit na alam kong durog na durog na sya sa kakaselos sa ibang mga babaeng nauugnay sa akin,Hindi ko pa din magawang yakapin sya at suyuin..Alam ko,may mga matang nakasunod sa akin.Para sa pamilya ko at para sa ikabubuti ng lahat.Handa akong magsakripisyo.Hindi na baleng sa isip at puso ko na lang sya mahalin,ang mahalaga.NASA TAHIMIK NA BUHAY kaming lahat.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें