SEVENTY☆KYLIE

2.8K 82 0
                                    

       Nagmamadali akong umuwi.Tinawagan ako ni dad na hinahanap daw ako ni mommy.Agad akong umakyat sa kwarto nila mommy at saka ko sya tinawag.Pakiramdam ko,bawat oras na lumilipas,pahina na sya ng pahina.Nilapitan ko sya at hinawakan sa kamay.
"Mom,andito na ko.Wag ka ng mag alala,hindi na ko aalis._Ako
"Teresita,Andito na ang anak mo,gising na._Dad.
Kinakabahan ako sa itsura nya,bakit parang hindi na sya kumikibo.Saka ko napansin na malamig na ang kamay nya.
"Dad!Si mommy,bakit ayaw nya magsalita?Bakit ayaw nyang dumilat?_Ako
Umiyak lang si dad.Hanggang sa nilapitan nya ako at niyakap.
"Anak,wala na ang mommy mo.Iniwan na nya tayo ng tuluyan. _Dad
Bigla akong nanlambot.Bakit ambilis?Bakit hindi nya ko inantay? "No dad!Lets call the ambulance,Mga doktor,tumawag tayo dad.Gigising pa si mom!_Ako.
"Anak,kakagaling lang dito ng company doctor natin.Inaayos na nya ang mga dapat ayusin.May ambulance ng naka antabay sa likod para kunin ang mommy mo.Sundin natin ang mommy nak,Ayaw nyang may ibang maka alam ng pagpanaw nya. Saka natin ipapa alam sa lahat kapag na CREMATE na sya._Dad
"Pero daddy,hindi ba natin pwedeng dalhin si mom sa hospital? Mabubuhay pa sya,gagaling pa sya!_Ako
"Anak kumalma ka.Tatagan mo ang loob mo.Mahalagang mapagbigyan natin ang huling mga habilin ng mommy mo para sa ikakapanatag ng kaluluwa nya.Tanggapin natin ng maluwag na hanggang dito na lang ang lahat.Para din hindi na sya nahihirapan._Dad
Isang malakas na iyak ang hindi ko mapigilang ibulalas.Maya maya pa,Isinakay na si mommy sa ambulance.Nakasunod naman ako sakay ng kotse.Magdamag kaming naka bantay kay mommy habang on going pa ang cremation.After naming marecieve yung ashes nya saka pa lang namin pina alam ni dad sa mga kamag anak at kaibigan ang pagkawala ni mommy.
Isang araw pagkatapos ng wake,nagpasya kaming ilagak ang mga abo nya sa Columbary.Puno man ng pagluluksa at kalungkutan,kailangan naming ituloy ang buhay.Bumalik ako sa Japan para tapusin ang kontrata ko.Hindi na muna ako uuwi ng Pinas ng dalawang buwan.Hindi na din muna ako magparamdam sa lahat.Gusto ko munang mapag isa.Gusto ko munang hanapin ang sarili ko.
Isang araw bago ang pagkawala ni mommy,hindi ko sinasadyang marinig sa kanilang dalawa ang pag uusap tungkol sa akin.Sariwa pa sa alaala ko ang sinabi ni mommy...Na hindi sya ang totoo kong ina.Nabigla sila ng makita nila akong luhaang pumasok sa pinto ng kwarto nila.
I ask dad kung totoo ba,Pero hindi na sya kumibo pagtapos nun.Hanggang ngayon,malabo pa din sa akin ang totoong pagkatao ko.Umalis ako sa Pilipinas ng hindi kami nag kikibuan ng daddy.

"Kylie,ilang araw ka ng tinatawagan ni Ken...Bakit di mo daw sya kinakausap?_Mikee.
"Busy ako.Madami akong commitments na nakabinbin,pakisabi na lang na tatawagan ko sya kapag maluwag na ang sked ko._Ako.Napilitan akong sagutin ang tawag ni Mikee dahil may tinatanong sya tungkol sa negosyo namin.
"Kylie,Naiintindihan ka naming lahat.Basta lagi mong tandaan andito lang kami ha._Mikee.
"Alam ko yun Mikee,Wag kayong mag alala okey lang ako.Nagpapaka busy lang muna ako sa trabaho para makalimot pero wag kayong mag alala sa akin.Okey lang ako._Ako
Pagkababa ko ng fone,umiyak na naman ako ng umiyak.Mahirap makalimot lalo pa at mag isa lang ako dito sa Japan.Pero mas okey ng ganito,mas madali makarecover kapag wala kang nakikitang kakilala.
Madalas tinatawagan ako ni dad,Pero hindi ko din sya kinakausap.Inaantay ko syang magsabi sa akin kung sino ang tunay kong ina.Pero ayaw nyang ipaalam sa akin.
Naalala ko si Gabb.Madami syang source.Pwede kong ipahanap sa kanya ang background ng mother ko.
"Teka lang Kylie,seryoso kaba dyan?Baka naman kaya ayaw ng dad mo ipa alam syo kasi baka may masaktan lang?_Gabb
"Sa palagay mo ba,hindi ako nasasaktan ngayon?The hell i care,basta ang mahalaga malaman ko kung sinong ina ang nagawang abandonahin ang sarili nyang anak!_Ako
"Well,titignan ko ang magagawa ko.Basta Kylie ha,wag tayong padalos dalos,Kung talagang ayaw ng dad mo ipaalam ang totoong identity ng nanay mo may MATINDING DAHILAN SYA dun para itago._Gabb
"Kahit anu pa ang dahilan,ang mahalaga malaman ko kung ano at sino sya.Hindi ako magiging buo hanggat di ko nalalaman ang pinang galingan ko._Ako
"Kylie,Just relax.Wag kang masyadong magpadala sa emosyon mo. Intindihin mo din ang tatay mo.Kung nasaktan ka sa pagkawala ng mommy mo,mas higit sya.At kung mya mga bagay syang kailangang ibaon kasabay ng pagpanaw ng mommy mo,hindi ba dapat mo ding isa alang alang yun?_Gabb
"Gusto kong malaman ang totoo.Bakit kailangan pang itago?Bago mamatay si mom,pinagtapat nya sa akin na hindi ko sya tunay na ina.hanggang dun lang.Hindi nya sinabi ang detalye.Pero si dad, alam nya pero ayaw nyang sabihin.Thats unfair!_Ako
"Dahil may dahilan.Kylie,Wag ka namang ganyan sa daddy mo.Higit kanino pa man,Ang dad mo lang ang natitira sayo ngayon,kung nasa gitna ka ng pagluluksa ganun din sya,kaya dapat lang na Unawain mo sya._Gabb
"I dont know gabb.Ang sakit sakit kasi eh!Nilihim na nga nila ang pagkakasakit ni mommy,tapos pati ang totoo kong ina inililihim pa din.Wala na bang katapusan to?Anu pang di ko alam sa buhay ko ngayon?_Ako.Napahagulgol na lang ako after naming mag usap ni Gabb.
Isang tapik ang nagpahinto ng pag iyak ko.Unti unti akong tumingala para tignan ang taong nasa likod ko.
"Ken?_Ako.Sabay yakap sa kanya ng mahigpit.Lalo akong napa iyak.
"Sweety,tahan na.Andito na ko.Sasamahan kita.Wag ka ng umiyak._Ken.sabay pahid ng mga luha ko
"Ken,Salamat at pinuntahan moko.Akala ko kaya kong mag isa.Pero hindi pala.Sobrang bigat sa dibdib Ken.Sobrang hirap._Ako
"Kaya nga ko nagpunta dito,para samahan ka.Para damayan ka. Normal lang makaramdam ng ganyan sweety,Hindi ka tao kapag hindi ka nasasaktan.Alam kong masakit,pero eventually magiging okey din ang lahat sweety._Ken
"Ken,hindi si mommy ang totoo kong ina.Ayaw sabihin ni dad kung sino,kaya lalo akong nasasaktan._Ako
Saglit syang natigilan.Pero agad ding ngumiti sa akin.Hinaplos nya ako sa mukha tapos hinalikan sa nuo.
"Sweety...Saka na natin yan pag usapan okey?You need to rest. Look at you,ang haggard ng itsura mo.Hindi ka pa ata kumakain!_Ken
"Sweety,Dito ka lang sa tabi ko ha.Gusto ko munang maidlip. Ilang araw na kong walang magandang tulog mula ng pagdating ko dito._AKO
"Dont worry sweety,Dito lang ako sa tabi mo.Babantayan kita.Hindi ako aalis hanggat hindi ka pa okey._Ken
Napangiti naman ako.Namiss ko pala talaga si Ken.Ilang araw kaming hindi nakapag usap.Ngayong kasama ko na sya,hindi na ko mag iisa.Saka ko naramdamang inaantok na pala ko talaga.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon