fortysix ☆KYLIE

2.8K 85 0
                                    

                "Anung problema nun?Bakit naka bandage ung kamay nya?_Ako.Nagkatinginan naman sila MJ at VM.Kadarating ko lang sa bar nila AYA.Sinabihan nya ako na andito nga daw sa bar ung tatlo at mukhang may problema si Ken.
"We really dont know,basta ang sabi lang ni Charry sa amin.May narinig syang kausap si Ken sa fone tapos pagkababa ng fone basta nalang sinuntok ni KEN ung pader._MJ
"Mukhang mabigat ang problema ni Ken ah.Pero sino naman kaya ung kausap nya sa fone para magkaganun sya ng reaksyon?_VM
"Alam nyo,imposibleng magkwento si Ken ng ganun ganun lang. For sure,hindi lang basta bastang tao yung kausap nya.Maybe,its something personal na ayaw na nya kayong lahat mag alala pa kaya sinasarili na lang nya._Aya
"Baka naman about sa work nya? Or baka about sa sindikato nung boyfriend ni trish na drug lord nga ba yun?_VM
"Imposible naman.Na settled na un.Saka nangako na si Trish na di na sya guguluhin at idadamay sa problema si Ken kung sakali.
_Rhaine
"Uu nga naman.Hindi na sya gagambalain pa ni trish for sure.
"Hindi pa naman nagsasabi si Ken ng problema.But anyways, Hindi kaya about Kylie naman ang problema nya?_MJ na napatingin sa akin
"About me?Wala naman akong alam na may isyu kami maliban sa pag iwas nya sa akin._Ako
Tumango tango lang si MJ at uminum ng beer.Kahit ako,clueless sa pagkakaganun ni Ken.Bigla tuloy akong nabahala.Parang may problema talaga,pero ano nga ba?May kinalaman ba sa akin?
Maya maya pa,kanya kanya na kaming paalam kay aya at rhaine. Hindi muna ako umuwi.Gusto ko munang mapag isa.Para kasing may mali.Para kasing pakiramdam ko,may problema si Ken na kasangkot ako.Pero wala akong idea kung anu man yun...
Sa mansyon ako tumuloy instead na sa condo ko.Gusto ko din kamustahin sila mom and dad.Ilang araw na din nila akong tinatawagan na bisitahin ko sila pero may mga meeting akong di ko mahindian.

"Iha!Salamat naman at binisita mo kami ng daddy mo! Magtatampo na talaga sana ako eh!_Mom na yumakap sa akin
"Hahahha,mommy naman.di ako makahinga sa higpit ng yakap mo.Miss ko na din kayo ni dad._Ako
"Ay pasensya na anak,sobrang namiss lang talaga kita.Halika,nasa opisina ang daddy mo.Puntahan natin.tyak na matutuwa ying makita ka._Mom.Na akap akap pa din ako habang naglalakad kami papunta sa opisina ni dad.
Madalas kasi si dad sa opisina nya  kapag andito sa bahay.May isang room sya dito sa bahay na nagsisilbing opisina nya.Kapag may mga kausap sya at mga documents nakailangang pag aralan,sa opisina sya madalas tumatambay.

"Sinabihan ko na kayo hindi ba?Wag na wag nyo lalayuan ng tingin ang lesbianang yun?Nasalisihan na naman kayo? Sayang lang ang binabayad ko sa inyo!_Dad.Nagkatinginan naman kami ni mom.Bihira kasi naming marinig na may kaaway o kinagalitan si dad.Alam namin na mabait sya sa mga kasosyo nya maging sa mga tauhan nya.
"Alex?Anung problema,parang may kaaway ka yata?_Mom. Hindi na kasi kami kumatok sa pinto pagkadinig namin na parang may sinisigawan sya sa telepono
"Hah? Kanina pa ba kayo andyan mag ina?_Dad.Na parang namutla pagkakita sa amin
"Actually dad,kakarating ko lang.Akala kasi namin ni mom may kaaway ka dito sa loob kaya bigla kaming pumasok.Is there anything wrong dad?_Ako
"Wala naman iha!May tao lang akong sinita dahil sa maling documents na pinapirmahan sa akin.Kaya napataas ang boses ko.Wala kayong dapat na ipag alala._Dad
"Naku naman alex,Akala ko kung ano na.Bigla tuloy nanikip ang dibdib ko.Tayo na sa kusinang sabay sabay kumain._Mom
"Mom!Relax..si dad paba?Alam naman nating super cool ni dad at pasensyosong tao yan diba.For sure,he is okey,diba daddy?_Ako.Sa totoo lang,medyo nanibago din ako kay dad.Hindi ko na lang pinahalata kay mom.Pagkabalik nya from the states,nalaman namin na mahina ang puso nya,bawal syang kabahan at matakot.Kaya siguro palage din kalma si dad para di maapektuhan si mommy.Ganun na din ang ginagawa ko.Kahit na until now,masama pa din ang loob ko kay mommy,hindi ko na lang pinapakita.Baka kasi ako pa ang maging dahilan ng paglala ng sakit nya.Hindi ko man sya mapapatawad ng tuluyan agad,atis naman..Maging sibil manlang kami sa isat isa okey na muna yun.
"Iha,Kamusta naman ang business trip mo sa Boracay?Balita ko,may mga foreign investors na gustong mag invest sa hotel mo. May gusto daw mag tayo dun ng yatch rental?_Dad
"Talaga ba anak?Naku,mas dadami ang magpupuntang mayayamang businessman sa hotel mo nyan pag nagkataon._Mom
"Hindi pa naman kami nag kakapirmahan ng kontrata dad. Para kasing gusto ko munang pag usapan namin yun ng mga lawyers ko.I need to check muna the security of the area.Kapag mayayamang VIP'S kasi ang involve,medyo risky sa mga kawatan yun.Alam nyo na.Dapat may lagay sa mga police para makasigurado sa seguridad ng hotel._Ako
"Well,Ikaw ang bahala iha,May tiwala ako sa kakayahan mo anak.Mas magaling ka pa ngang businesswoman sa akin eh!Kahit ang mga kasosyo ko,sinasabi sa akin na talo mo ako lalo na sa mga diskarte at lakas ng PR._Dad
"Hahaha,hindi naman dad.Magaling kapa din sa akin.Idol nga kita eh!Matalino na,gwapo pa.Kaya naman madaming nag titiwala sayo sa negosyo._Ako
"Kayong dalawa talaga,ang gagaling nyo magbolahan mag ama!hahaha.Pero sa totoo lang,pareho kayong magaling.Kaya naman nakakaproud kayong dalawa._Mommy
...Nagkatingin naman kami ni dad at nagkatawanan nalang. Paminsan minsan,hinahanap ko din ung mga tawanan naming ganito.Sa makalawa,nasa abroad na naman sila ni mom.Mas matagal pa sila sa ibang bansa kaysa dito sa bahay.
"Iha,syanga pala.Si General Jacob pala,may binatang anak.Gusto nya sanang ipakilala sayo ang anak nya.Kakagaling lang nun sa states, May kumpanya syang itinayo dito sa maynila,isang Computer software.About gaming daw at mga animation ang ginagawa ng kumpanya nya._Dad
"Oh,thats interesting dad.Hayaan mo,i che check ko ang sked ko.Kung may bakante ako,sasabihan ko kayo._Ako.Sa totoo lang,alam ko naman na gusto lang ni dad na ireto na naman ako sa isa sa mga kasosyo nya.Ilang anak na ba ng kabusiness nya ang pilit nyang pinapa date sa akin,pero hindi ako interesado.
"Iha,wag ka naman masyadong magfocus sa kakatrabaho.Bigyan mo din ang sarili mo ng time para mag relax at mag enjoy. Makipag date ka.Madami dyang nagpapahiwatig ng interes sayo pero parang di ka interesado sa kanila._Mommy
"Wala naman kasi sa kanila ang gusto ko mom.Kahit ung mga pinakikilala mo sa akin na anak ng mga amiga mo,Puro kayabangan lang naman ang alam,sa lahat ng ayoko ung mga puro hangin ang ulo._Ako
"At sino naman ang gusto mo makasama,Mga lesbian?_Dad
Nagulat naman ako sa sinabi ni dad.Kahit si mom,napatingin din sa kanya
"Lesbian?What do you mean Alex,Lesbian ang gusto ni Kylie?_Mom
"Bakit di ang anak mo ang tanungin mo._Dad sabay tingin sa akin
"Iha,totoo ba ang sabi ng dad mo?Lesbian ang gusto mo?Kaya ba lahat ng inirereto namin ng daddy mo,hindi mo pinapansin?_Mom
"Mom,wala naman masama makipag kaibigan sa kanila._Ako
"Alex,kaibigan lang naman pala.I dont see anything wrong with that.Maliban lang kung makikipag relasyon sya,ibang usapan na yun._Mommy
"Wala ngang masama sa pakikipag kaibigan sa kanila.Pero ang hindi ko magugustuhan kahit na kailan..Ay ang MAKIPAG RELASYON ang anak mo sa kapwa nya babae!_Dad. Tumayo na sya at umakyat sa kwarto nila.Naiwan naman kami na nakatulala ni mom sa mesa.
"Its okey anak,ako na bahala sa daddy mo.Magpahinga ka na din. Dont worry.Basta anak,kung may gusto ka ikwento sa akin,handa ako makinig.Maiintindihan kita._Mommy.tapos sinundan nya na si dad sa kwarto nila.
Bigla akong kinabahan.Naalala ko si KEN.May kausap daw sya sa fone bago nya suntukin yung pader ng school nila.Wag naman sanang tama ang hinala ko...

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDWhere stories live. Discover now