Chapter [66]

6.8K 190 6
                                    

Chapter [66] - Cloud

"Saan ka galing, Black?"

"Sa tabi-tabi," pag-sisinungaling ko at isinalpak nalang sa tenga ko ang earset at nakinig ng music at kinuha naman ni Violet ang isa at inilagay sa tenga niya at ihinilig ang ulo niya sa balikat ko dahil katabi ko siya at kaharap ko naman si Bry, Killer, Blood at Bubble at katabi naman namin ni Violet si Blue at Sky.

"Did Kuya Red know about what happened to Leader?" pagbasag ni Violet sa katahimikan.

"Yes, he already know it. Nakausap ko siya at nasa Canada siya ngayon at alam niya rin na papunta tayo doon," sagot ni Bryan at tinignan ako.

Ngumiti ako ng tipid at isinandal ang ulo ko sa bintana at pumikit.

"Matagal ko ng hinintay na ibigay sayo ang pagiging Leader ng grupo at masaya ako dahil nailigtas kita. Salamat, Black."

Mabilis na idinilat ko ang mata ko at tinignan ang mga kasama kong tulog naliban kay Bryan na nakatitig sa akin, hinawakan ko ang pisngi ko at naramdamn ko nalang na umiyak pala ako habang tulog.

"May sinabi ba sayo si Leader bago siya mawalan ng buhay?" seryosong tanong ni Bryan na ikinadilat ng mga mata ni Blood, Killer at Bubble at kusa nalang na nagising si Violet, Blue at Sky sa tabi ko kaya nag-iba ang atmosphere sa paligid.

Sinalubong ko naman ang mga titig ni X sa akin at napakagat ng labi. "Meron," sagot ko na ikinalingon ng lahat sa akin.

"Ano'ng meron, Kuya Bry?" tanong ni Violet pero hindi 'yun pinansin ni X at nakatingin lang sa akin na parang may-idudugtong ako.

"Meron siyang sinabi sa akin," sabi ko at napakuyom ng kamao.

"Anong sinabi niya sayo?" tanong ni Killer kaya napalingon ako sa kanya at siguro narinig niya ang tanong ni Bryan sa akin.

"Matagal ko ng hinintay na ibigay sayo ang pagiging Leader ng grupo at masaya ako dahil nailigtas kita. Salamat, Black." sabi ko na ikinagulat ni Blue at Sky habang sumeryoso naman ang iba.

"Hindi pa ako handa para maging Leader," sabi ko at napayuko.

"Lahat ng tao ay may kahinaan at sa araw na tanggap mo na ang lahat hindi ka namin hahayaang magpakita ng kung anong emosyon sa kung sino. Kahit kami. Malakas ka katulad ni Dark kaya karapat-dapat kang maging Leader, buhay man siya o hindi ay ibibigay pa rin niya sayo ang kanyang titulo," wika ni Blood kaya napaangat ako ng ulo at nakita ko ang tipid na ngiti sa labi ni X.

"Back to zero?" tanong ko at tumango naman sila kaya napangisi ako.

Nang makarating kami sa airport ay lahat kami ay nag-suot ng shade at mask nasa unahan namin si Mr. Cruz. Pagkapasok namin sa loob ay dinala niya kami sa isang mamahaling restaurant na kaunti lang ang mga tao at doon muna kumain. Umalis muna si Mr. Cruz at kakausapin si Lolo.

"I'm pretty sure na maraming gustong magpa-interview kay Alexis sa Canada," mahinang sabi ni Violet.

"Bakit naman?" tanong ko kaya kunot-noong tinignan ako ni Violet kahit na nakasuot ito ng shade.

"Anong bakit? Heiress ka ng Smith Company. Alam mo ba 'yun? Kaya maraming reporters ang nag-aabang sa paglanding ng plane na sasakyan natin mamaya," sabi ni Violet.

"Alam ko kaya nanganganib ang buhay ko dahil sa pagiging heiress. Maraming gustong makakuha ng perang pagmamay-ari ng Smith Company," sabi ko.

"Hindi na 'yan problema dahil kahit anong kahapamakan ay nalalagpasan. Remember our Leader protect the heiress of Smith Company," sabi ni Violet at kahit nakah-mask ito ay alam kong nakangiti ito.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon