"Welcome back Master Chase." sabay-sabay na bati sa akin ng mga tauhan na nandoon, pinigilan kong ipakita na naguguluhan ako sa mga nangyayari lalo na't kasunod ko lang ang mga schoolmates ko.

"Handa na po ang merienda Master Chase." salubong naman sa akin ng mayordoma nang mansion na iyon.

"Si...sige, pakisamahan na lang ang mga kasama ko, magpapalit lang ako ng damit." utos ko dito na sinagot lang naman nito nang pagyuko, agad naman nitong inasikaso ang mga "bisita ko".

Agad naman akong sinamahan ng isa sa mga kasambahay doon, dinala ako nito sa second floor kung saan sumalubong sa akin ang mga nasa fourteen na kuwarto, dinala ako nito sa pinakadulong bahagi kung saan ang supposed to be kuwarto ko.

Sinabi kong hindi na ako mamamangha sa makikita ko, pero hindi ko din nagawa nang tuluyan tumambad sa akin ang malaki at magarbong kuwarto, doble nang laki ng kuwarto nito ang buong bahay namin, agad akong dumiretso sa isang nakasaradong pinto at nalaman kong iyon pala ang walk in closet, iba't ibang mga damit ang naroroon, mula sa mga pang formal na okasyon, casual wears, at mga sapatos, at lahat ay branded, sinubukan kong isukat ang ilan sa mga iyon at ang nakakapagtaka ay kasya sa akin ang mga iyon.

I decided to take a quick shower at matapos noon ay kung ano na lang ang kinuha ko at agad iyong sinuot.

Naabutan ko naman na masayang nagkukuwentuhan ang mga schoolmates ko, maliban kay Anthony na hindi maipinta ang mukha, mas lalong lumukot ang mukha nito nang makita ako.

"Dude your place is awesome." malapad na ngiting salubong sa akin ni Bruce, sabay nguso kay Anthony.

"Hindi naman." matipid kong sagot dito, ayoko na kasing dagdagan sana ang kasinungalingan na ito.

"Anong hindi? Ang laki at ang ganda kaya ng bahay ninyo Chase." narinig ko naman na sinabi ni Zonia, kita ko ang pagbalik ng interest nito sa akin, pinigilan ko na lang ang sarili kong kausapin ito.

Nakahanda na ang mga merienda na hinanda ng cook para sa grupo namin, iba't ibang klase iyon, mula sa mga pasta, kakanin at kung anu-ano pa, kaya naman tuwang tuwa ang mga kasama ko, hindi naman ako nakakain ng maayos ng mga oras na iyon, ang gusto ko na lang ay ang matapos ang lahat ng ito.

Inabot din ng halos isang oras ang pagstay nila sa bahay namin, kaya naman nakahinga ako ng maluwang nang magpaalam na ang mga ito.

"Thank you talaga sa pagtanggap sa amin, your place is awesome." nakangiting sinabi ng isa sa mga ito.

"Walang anuman, any...time welcome kayo." napipilitan kong sinabi sa mga ito.

"Maraming salamat talaga, and Anthony.... wala ka bang sasabihin kay Chase?" sarcastic naman na tanong ni Bruce sa walang kangiti-ngiting si Anthony.

"Ang ganda ng bahay mo." napipilitan naman nitong sinabi, ngunit hindi kuntento si Bruce sa sinabi nito.

"And?" muli nitong tanong.

"And I'm sorry kung tinawag kitang sinungaling." iyon lang at nauna na itong dumiretsong bumalik sa kotse nito.

"Hindi mo na sana ginawa iyon." bulong ko naman kay Bruce nang maiwan na kami nito.

"Sus hayaan mo siya, imagine siniraan ka niya sa buong school, tignan lang natin kung sino ang mapapahiya bukas. Pero bakit ngayon lang ako nakarating sa bahay ninyo dito?" nagtatampo naman nitong tanong.

"Eh.... kasi...." hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin, lalo na't pano ko ba siya aayain dito, eh hindi ko naman ito bahay.

"Hayaan mo na, sige kita na lang tayo bukas." nakangiti naman nitong sinabi, magkakaconvo ang mga ito sa pag-alis sa mansion, nang makasiguradong nakaalis na sila ay muli kong hinanap ang matandang lalaking sumundo sa akin sa school.

"Puwede ninyo ba akong dalhin sa bahay nila?" tanong ko dito, na sinagot lang nito ng marahan na pagtango.

Matapos makapagpalit sa suot ko kanina at naayos ko ang mga gamit ko ay agad na akong dumiretso sa naghihintay na sasakyan, this time it's a brand new BMW ang sinakyan kong kotse.

Inabot din ng isang oras nang makarating kami sa bahay ni Dexter sa Dasma Village, ngunit ayon sa naabutan naming kasambahay doon ay wala doon si Dexter.

"I'm sorry Master Chase, pero hindi po namin alam kung saan naroon si Master Dexter." hinging paumanhin nito sa akin.

"Ok lang po, puwede niyo ba akong ihatid sa sakayan ng bus, mukhang alam ko kung nasan siya ngayon." pakiusap ko naman dito.

Agad naman ako nitong hinatid sa sakayan na papuntang Tagaytay, malakas ang kutob ko na doon ito nagpunta.

"Wait for me Dexter." sa loob loob ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan ko, nakatingin ako doon pero wala doon ang isip ko.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon