"Ok ka lang ba?" nag-aalala naman na tanong ni Kimberly sa akin, hindi ko na iyon pinansin at basta na lang naglakad na tila ba walang patutunguhan.

"Why did you do this?" hindi ko namalayan na lumabas iyon sa bibig, hindi ko naman kasi akalain na, iyon ang gagawin nito para lumayo sa akin, hindi ko naisip na hilingin dito ang bagay na iyon.

Sa sobrang pagkatuliro ay nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko.

"Hello?" sinabi ko sa kabilang linya.

"Good morning po, ito po ba si Chase Montevista?" narinig kong tanong naman nito.

"O...opo, sino po sila?" balik tanong ko naman.

"Mga pulis po kami sa Pasay, may nakuha kaming footage kung saan pinagtangkaan kidnapin ang kapatid ninyo." sa narinig ay para naman akong nagising, agad kong kinuha ang impormasyon na kailangan ko, matapos non ay nagmamadali na akong naglakad palabas, ngunit bago ko pa man magawang makaalis ng campus ay may isang tao naman na sumalubong sa akin, taong pinakahuli kong gustong makita.

"Where do you think you're going?" tanong naman ni Anthony sa akin, base sa puwest nito ay mukhang hinihintay talaga ako nito.

"It's none of your damn business, wala akong oras sayo, may kailangan akong puntahan." sagot ko naman dito, sa totoo lang gustong-gusto ko nang bangasan ang mukha nito, kung hindi lang ako nagmamadali.

"Well I guess, you haven't heard the rumor today yet?" na sinundan naman nito nang nakakalokong tawa, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa sinabi nito, inisip ko na lang na tungkol sa pagdrop out ang sinabi nito, pero hindi ko pa din maalis sa dibdib ko ang kakaibang kaba.

"I don't have time for this." balewala kong sinabi dito, mabuti na lang at hindi na ako pinigilan nito dahil kung hindi ay baka nabigwasan ko na talaga ito.

Sakto naman na may nakatambay na taxi paglabas ko, kaya naman agad akong nagpahatid sa naturang presinto.

"Ako po si Chase.... Chase Montevista, may tumawag po sa akin tungkol sa video ng failed kidnapping sa kapatid ko." sinabi ko naman sa pulis na naroroon, ilang sandali lang ay may lumapit sa akin na isa pang pulis at ayon dito ay siya ang tumawag sa akin.

"Thank you for coming Mr. Montevista." salubong nito sa akin, ginaya naman ako nito sa maliit na opisina kung saan naroon ang computer sa presintong iyon.

"Walang anuman po, totoo po bang may video na kayo sa nangyari?" excited kong tanong dito, may gusto kasi akong malaman.

"Oo hijo, may gusto din sana kaming itanong sayo." sagot naman nito, hindi din nagtagal at plinay na nito ang naturang video.

Ilang sandali lang ay nakita ko ang sarili sa video, kasama ko pa si Kenjie doon, hinayaan ko itong mag-isa sa CR ng tumawag si Bruce para ipaalam sa akin na nasend na nito ang email para sa thesis namin, sandali lang akong tumalikod para kausapin ito, kitang kita sa video ang paglabas ng kung sinuman na lalaki na buhat buhat ang walang malay kong kapatid, ayon sa kapatid ko ay mga pinaamoy na kung ano dito kaya nawalan siya ng malay, hindi na nahagip ng camera ang pagtangay ng kung sinuman lalaking iyon sa kapatid ko.

"May video pa po ba kayo sa sumunod na nangyari?" tanong ko dito.

"Wala na hijo, sa lugar kasi kung saan nabugbog ang mga kidnappers ay walang CCTV kaya hindi kami nakakuha ng video, pero meron kaming isang video ang nakuha at gusto sana namin, itanong kung kilala mo ba ang taong iyon." sagot nito sa akin, agad naman nitong hinanap ang isang video, at sa nakita ko ay nahigit ko naman ang paghinga ko nang makilala ko ang taong buhat-buhat ang wala pa ding malay kong kapatid.

My Rival My Lover (BoyxBoy)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें