Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas

Start from the beginning
                                    

"Mahal ko din kayo!" Nakangiting sabi ni Pao-pao na parang nagustuhan ang sinabi nilq dahil ngumiti ang kambal sa kanilang dalawa.

"Ngumiti sila Ate Amihan!" Tuwang sabi ni Pao-pao
"Oo nga mukang gusto ka nila Pao-pao." Nakangiting sabi ni Amihan sa batang ligaw saka niya marahang inilapag sa higaan ang kambal.

Habang nilalaro ni Pao-pao sila Caspian at Lirios ay nag-iba ang ihip ng hangin tila may binabadya ito. Agad na pinalapit ni Amihan ang dalawang dama sa kanila, saka siya tumayo at agad na inilabas ang brilyante ng hanggin at inintindi ang ibinubulong ng hangin sa kanya.

"Sapiro...." Agad siyang bumaling sa mga dama.
"Wag na wag kayong lalabas ng silid na ito...Pao-pao dito ka lamang kasama nila hah." Sambit niya kay Pao-pao at sa mga dama.

"Opo Ate Amihan." Sabi ni Pao-pao saka niya hinalikan sa noo ang mga anak niya. Hindi niya alam ngunit tila ayaw na niyang umalis sa piling ng mga ito ngunit kailangan malaman ni Ybrahim ang masamang nagaganap sa Sapiro.

Napahinga ng malalim si Amihan saka siya lumabas para hanapin sila Ybrahim at nakita niya ito na kasama sila Danaya, Imaw, Aquil at Muros.

"Ybrahim..." Pagtawag niya dito saka siya lumapit.
"Mahal kong Reyna.... Ano't humahangos ka?" Tanong ni Ybrahim kay Amihan.
"Ybrahim may ibinulong sa akin ang hangin may masamang nagaganap sa Sapiro." Sambit niya sa rehav na agad namang naalarma sa sinabi niya. Maging ang iba ay nag-alala.
"Ano.... Kailangan makabalik ba aki ng Sapiro." Sambit ni Ybrahim. Napatango naman si Amihan.
"Ano ang nagaganap?" Tanong ni Alena.
"Ang Sapiro may masamang nagaganap daw dito ayon kay Amihan." Sagot ni Danaya kay Alena.

"Wala ng panahon para magtalstasan pa tayo dito.... Ybrahim sasamahan kita... Muros sasama ka sa amin.... Danaya at Aquil pangalagaan niyo ang Lireo habang wala kami." Utos ni Amihan sa dalawa. Agad naman na lumapit si Muros kay Amihan.

"Masusunod Hara." Sagot ni Danaya.
"Kung gayon ay tayo na." Sabi ni Amihan saka kumapit kay Alena si Muros at si Ybrahim sa kanya at sika ay naglaho papunta sa Sapiro.

"Aquil... Doblehin mo ang higpit ng ng pagbabantay sa mga lagusan." Utos naman ni Danaya sa mashna.
"Masusunod Sang'gre Danaya." Pagsunod ni Aquil sa utos ni Danaya.
"Haay... Sana ay walang mangyaring masama sa dalawang kaharian na kanlungan ng mababait na diwata." Dalangin naman ni Imaw ng mapag-isa na ito sa bulwagan ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagmamadaling pumasok ang isa sa mga konseho sa loob ng silid tanggapan at agad nitong hinanap si Ilios, ang pantas.

"Ilios.... Nakaalis na ang Hara Amihan... Tanging sila Sang'gre Danaya at Mashna Aquil na lang ang natira dito sa Lireo." Sambit nito. Napatango naman si Ilios saka nito kinuha ang mangilan-ngilang pares ng damit ng mga hathor.
"Maghanda na kayo." Sambit ni Ilios sa mga napili niyang konseho na sasama sa kanya.

"Sigurado ka ba sa nais mong gawin Ilios?" Tanong sa kanya ni Caros, isa ding kasapi ng konseho.
"Oo....para ito sa kaligtasan ng Lireo at nating mga diwata.....narinig mo ang hula ni Rosa di dapat mangyari iyon.... Dapat mawala ang kambal." Sambit ni Ilios saka niya sinuot ang damit ng hathor.

Nanalangin siya kay Emre na gabayan siya sa kanyang gagawin sapagkat gagawin niya ito para sa kaligtasan ng Lireo at ng mga diwata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Walang gaanong naging suliranin sa pagpapalipad ng caracoa kaya naman iniwan saglit ni Wahid ang manibela nito at siya ay lumapit kay Lira na nakamasid lang sa mga ulap na kanilang tinatahak samantalang nagpapahinga naman sila Mira at Anthony.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now