Chapter 48 - Under the Rain

1.7K 68 2
                                    

Draft - May 31, 2017


Chapter 48 - Under the Rain

Jillian

" Alam mo bang ang laking gulo ang pinasok mo?" rinig kong sabi ni Trina kay Sab habang naka upo kami dito sa loob ng office ni Oli.

At kahit na gusto kong lambingin ang girlfriend ko ngayon ay hindi ko magawa dahil seryoso ang pinag uusapan naming apat.

Sab is in relationship with Yanna kahit na meron pa itong boyfriend.

Hindi ko alam kung bakit pumayag si Sab sa ganitong set up. Pero isa lang alam ko mahal ni Sab si Yanna kaya hindi ko siya masisisi sa desisyon niya.

Pero tama kasi si Trina, malaking gulo ang pinasok ni Sab.

" I love her." Well I expect that answer from her.

" Andun na tayo, mahal mo siya at sabihin na natin na mahal ka din niya. Pero Sab naman! Alam mo namang in relationship pa yung tao. Meron kayong nasasagasaan."

Nakita kong lumingon si Sab sa direksyon namin speficially kay Oli as if asking for some help. Dahil nag aala-dragon na ang isa sa kaibigan namin.

" Alam mo ba tong pinapasok mo?" tanong ni Oli sa bestfriend niya.

Kita kong tumango si Sab sa tanong na iyon ni Oli. "I tried so hard to move on from her. Pinilit ko ang sarili kong kalimutan siya. Pinilit ko ang puso ko na ibaling sa iba pero kahit anong gawin ko siya pa din ang mahal ko."

When I heard what Sab said ay bigla akong napatingin kay Oli.

Ramdam ko ang kabang bumabalot sa puso ko. ang takot na unti-unting kumakain sa pagkatao ko. yun insecurity na kumakatok sa puso ko.

Ganun din kaya si Oli kay EJ?

Suddenly, bigla kong na alala yung tanong ni Trina sa akin.

Paano kung bumalik si EJ?

I was so sure of my answer that day. That I will fight for Oli kahit anong mang yari dahil akin siya.

Pero ngayon, parang biglang nag iba ang lahat.

Pakiramdam ko naduduwag ako.

" Let her be, Trina." Rinig kong sabi ni Oli.

At mas lalo akong natakot dahil sa naging sagot nito.

Let her be..

Let her be..

Let her be..

Let her be..

Yun din ba ang gusto niyang gawin ko pag dumating ang pagkakataong bumalik si EJ sa buhay niya? ang pakawalan ko siya?

Hindi mawala ang lahat ng iyon sa utak ko buong mag hapon. At dahil duon ay wala akong nagawang maayos sa office. Kaya bago pa man ako makagawa na pag sisihan ko at maka apekto sa kompanya ay inutusan ko ang secretary ko na i-cancel lahat ng meeting ko at hindi ako tatanggap ng kahit sinong bisita sa office ko.

I spent my whole afternoon staring the four corners of my office.

I need the silence but it comes with my thoughts and it is destroying me.

I decided na pumunta muna sa rooftop at mag pahangin. I think I need fresh air para kahit papaano ay may relax ang utak ko.

Nakapikit lang ang mga mata ko habang dinadamdam ang hanging umahalik sa mukha ko. Ramdam ko ang paghinga ko at ang pintig ng puso ko. para itong musikang sumasabay sa hangin.

Choosing YouWhere stories live. Discover now