Chapter 38 - Komplikado

1.8K 59 4
                                    

Draft - May 01, 2017


Chapter 38

Jillian

"Galit pa ba sa akin?" tanong ko kay Trina habang naka upo kami dito sa café nila habang iniinom ang mainit nilang kape.

Nung isang araw kasi ay inamin ko na sa kanila na nasa pangagalaga ko si Elijah at hindi naging maganda ang naging pag tanggap ni Sab duon. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun ang naging reaksyon niya. Pero ipinaliwanag ko sa kanila kung bakit koi yon ginawa. Una, dahil yun ang gusto ni Elijah at pangalawa, para sa seguridad nilang lahat dahil hindi pa alam kung kung sino ba talaga ang nag tatangka sa buhay niya.

"Malamang.. halos hindi na nga natutulog yun para lang hanapin si Eli. Yun pala nasayo lang." sagot ni Trina "Wrong timing naman kasi." saka sinimulang lantakan ang cake sa harap niya.

"Alam ko naman eh.. kaso ayaw din naman ni Elijah na ipasabi noong una at nirespeto ko iyon. Isa pa, para din iyon sa security niya at ninyo. Hindi natin alam kung sino ang gustong pumatay sa kanya." Ulit na paliwanag ko da kanya kahit na nabanggit ko na iyon sa kanila.

"Naiintindihan kita pero sana naiintindihan mo din si Sab dahil mahal niya yung batang yun."

"I know." I said as I sip on my cup. "And Elijah love her too. I think that kid is also thinking about your security."

Tumango ito "Just give Sab some time. She'll come around, isa pa, naka usapa naman din siya ni Oli for sure makikinig yun dun."

Tumango na lang ako.

Una dahil pareho naman kami ng inniisip na gawin at pangalawa dahil sa pag banggit niya sa pangalan ni Oli.

Just hearing her name give chills to my system.

"Maiba tayo, kamusta yung unang pag uusap ninyo?" I know she's referring to Oli.

"Ayos lang naman." Sagot ko dito

Dahil ang totoo habang kausap ko si Oli nung nakaraang linggo halo halong emosyon ang naramdaman ko.

Pero isa lang ang sigurado ko, naiingit ako kay EJ.

I've heard from Trina na hindi pala naging sila ni Oli ng dahil sa nalaman nito ang koneksyon nito sa father ni Oli.

I know how much Oli got is hurting because of her father pero nakaka inggit na may puwang pa din ito sa puso ni Oli. Na kahit ilang taon ang lumipas si EJ pa din at kahit nasa harap niya ako si EJ pa din ang iniisip niya.

Pero wala naman akong karapatan eh, kaibigan niya lang ako at hanggang duon na lang ako.

"Sigurado bang ayos lang?" I heard Trina asked.

"oo naman." Mabilis kong sagot dito "may rason ba para hindi?"

"Of course meron." Sagot nito "she is your first love."

Mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya dahil sa sinabi niya

"pwede ba Trina manahimik ka baka may makarinig sayo."

"bakit totoo naman ah." Sabi nito ng tinanggal ko ang kamay ko at bumalik sa pag kakaupo

"yes, totoo pero hindi mo na dapat sinasabi iyon. Una dahil tanggap ko na at naka move on na ako at pangalawa may iniingatan akong reputasyon."

"Asus. May pa ganyan ganyan..."

"Hello, ayos lang ba kayo dito?" agad akong napatingin sa may kaliwa ni Trina.

Ang there she is my first love and my first heartbreak.

"yeah, ayos lang naman." I answered saka mabilis na inalis ang tingin sa kanya.

Hindi ko siya pwedeng tignan ng matagal dahil baka hindi kayanin ng puso ko.

Hindi siya pwedeng umasa sa isang bagay na kahit kalian hindi magiging kanya.

"Pwede ba akong sumali dito?" I heard her ask kaya napatingin ako sa kanya

"Wow Oli ah.. may ganyang pa effect ka na ngayon..." sagot ni Trina "others lang?"

"Oo nga naman, Oli. Para ka namang iba dyan." Dugtong ko na din para atleast maging at ease siya na andito ako.

Natawa naman ito sa amin ni Trina. Somehow, I am happy to see her smile at sana lagi ko siyang makitang naka ngiti.

Sana ngumiti siya ng dahil sa akin.

Oli

"tanggap ko na at naka move on na ako...."

"tanggap ko na at naka move on na ako...."

"tanggap ko na at naka move on na ako...."

Paulit ulit iyon sa utak ko na parang isang sirang plaka.

Hindi ko man narinig kung ano ang pinag usapan nila ay alam kong tungkol iyon sa akin.

Naka move on na siya.

I should be happy dahil pwede na kaming bumalik sa dati pero hindi ko maintindihan kung bakit katiting hindi ko iyon mahanap puso ko. hindi ako makaramdam ng kahit anong saya ng marinig ko iyon bagkus ay nakaradam ako ng lungkot.

Hindi ko maipaliwag kung bakit ako na iinis, hindi ko alam kung bakit kanina habang may lantarang lumalandi sa kanya gusto ko na lang siyang itago sa office at huwag na siyang palabasin duon.

Gusto kong maging tulad ng dati ang lahat. Yung akin lang ang atensyon niya at yung sa akin lang siya naka tingin.

Pero bakit hindi ganun ang ngyayari?

Bakit parang naging mas komplikado ng bumalik siyang naka move on na siya?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

bibilisan ko yung pace  ng story after ng chapter na to.

sinasabay ko kasi siya dun sa isang story ko na "Ang Dyosa at ang Beast" if may time kayo basahin ninyo :D 

Yung first few chapters kasi laging tungkol kay Jill... :D 

hahahaha

anyway, keep smiling everyone! :D 

ilashu! :D 

Choosing YouWhere stories live. Discover now