Chapter 41 - Officially Mine

2.1K 73 42
                                    

Draft - May 14, 2017


Chapter 41 - Officially Mine

Jillian

It's been a week since the day I admitted to her that I still love her. Pinilit kong lunurin ang sarili ko sa trabaho just to put her out of my mind. hindi ko kasi alam kung paano ko siya papakitunguhan pag katapos ng ngyari. Hindi ko alam, hindi dahil hindi ko tanggap na hindi niya ako mahal though masakit sa akin iyon pero mas hindi ko kayang kung mawawala siya sa akin dahil lang sa nararamdaman ko.

I know she loves EJ at wala akong laban sa taong mahal niya kahit na wala pa ito dito.

" Ms. Jillian," rinig kong sabi ng secretary ko kaya napa angat ako ng tingin sa direksyon ng pinto.

" What is it, Hannah?" I asked as I signal her to come in.

" Someone is looking for you, Ms. Jillian. However, she does not have any appointment but she's insisting to see you."

Napakunot noo naman ako. Sino naman kayang makulit na nilalang ang nasa labas ng office ko at gusto akong makita ng ganitong oras kung kelan malapit ng matapos ang office hours?

"Who is it?"

"Olivia Valderma. " Hannah said " She said her name is Olivia Valderma"

Sandali akong natigilan ng marinig ko ang pangalan ng taong gustong kumausap sa akin.

"Miss Jillian?"

"Hmmm.. yes, sorry." Sabi ko dahil natulala ata ako " Let her in, Hannah. "

Tumango naman ito saka mabilis na lumabas.

Ilang sandali lang ay muli itong kumatok and this time when she open the door ay may kasunod na ito.

I try to act cool kaya mabilis akong tumayo sa swivel chair ko at nag lakad papunta sa may sofa dito sa office.

" Hi Oli!" bati ko dito " Come in. Do want something to drink or eat? Tea, coffee, or juice perhaps? " I know am too welcoming pero what can I do at saka normal lang naman na mag alok ng inumim at makakain pag may bisita.

Umiling ito "I'm good. Thank you."

Tumango naman ako dito sabay lingon kay Hannah.

"You may leave us, Hannah Thank you." sabi ko dito at mabilis naman itong umalis. " Have a seat please." Sabi ko kay Oli sabay upo sa katapat nitong upuan. " What brings you here? "

"Gusto lang sana kitang i-invite personally na mag dinner." Ramdam ko ang pag kabalisa sa boses nito " we need to talk."

I am not stupid not to know the reason kung ano ang pag uusapan namin. The way she looked at me kanina I knew what she's up to.

Ayoko sanang mag assume pero I need to take one step ahead. Kailangan ko ng bumuo ng mga sagot sa possible niyang mga tanong at mag ready sa kung ano ang sasabihin niya.

Isa pa, ayoko na ring maramdaman yung ma reject ulit niya.

" If this is about me admitting that I still love you. Please, kalimutan mo na yun. Don't stress yourself about it."

Inalis nito ang tingin sa akin at ibinaling ito sa sahig.

At dahil sa ginawa niya alam kong tama ako sa iniisip ko kung para saan ang dinner namin.

"Yes, I love you but you do not have responsibility towards my feelings. I fully understand my place. " saka umayo sa kinauupuan ko pero hindi ko pa din inalis ang tingin sa kanya habang patuloy ko pa ding kinokontrol ang emosyong nag babantang mangibabaw sa pagkatao ko. sinabi ko nang ayoko na ulit maramdaman na ma reject pero sa ginagawa niya ay nasasaktan ako dahil paulit ulit kong sinasabi sa kanya kung ano lang ako sa buhay niya. "I am your friend. That's what I am and that's what I will only be." Saka pilit ngumiti kahit na hindi ito naka tingin. Para kung sakali mang tumingin siya handa ang sarili ko sa pag papanggap at pag tatago ng nararamdaman ko.

Choosing YouWhere stories live. Discover now