Chapter [64]

7K 199 5
                                    

Chapter [64] - Limousine

Hindi ako makahinga ng maayos nang malaman ko na patay na ang pinsan ko na siyang Leader na pinakamalakas na grupo kung saan si Alexis nabibilang.

Si Alex naman ay natigilan at napayuko, "I'm sorry."

Tumayo ako't hinawakan ang balikat ni Alex. "I know the rules of being a gangster and the first rule is 'Don't fall inlove in a gangster too' hayaan mo na si Alexis kaysa na pilitin mo na girlfriend mo siya kung hindi naman tunay ang nararamdamn mo sa kanya," sabi ko at nilagpasan na siya.

Hinahayaan ko lang na dumaan ng dumaan ang luha ko sa pisngi ko at tumigil ako sa harap ng pinto sa unit at maliit na awang palang ang nagawa ko nang maalala ko ang mukha ko kaya pinunasan ko ang mukha ko at tuluyan ng binuksan ang pinto.

"Stellaaaa~ Nakabalik ka naaaaa~ Anong nangyari sayooooo? Umiyak ka ba?" nilapitan na ako ni James at tinitigan ang mata ko.

"Tsk. Tsk. Tsk. Sino'ng umaway sayo? Sapakin natin," sabi nito at pinatunog ang mga daliri niya pero imbis na sumagot ay nilagpasan ko lang ito at hindi na ako lumingon pa at nagmadaling pumasok sa kwarto at tinakpan ang mukha ko ng unan at doon na pinakawalan ang mga luha ko.

Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang message sa akin ni Arthur.

From: Arthur

Can't sleep. Are u still awake? I love you.

Hindi ko nagawang ngumiti sa message ni Arthur dahil nangunguna ang lungkot ko at bigla na namang bumuhos ang luha ko sa mga mata at napatingin sa reflection ko sa nakapatay na phone na hawak ko ng biglang nabuhay ito na nagpaupo sa akin.

Arthur calling...

[Accept] [Ignore]

Sinagot ko ito at inantay na magsalita si Arthur.

[Hello, Stella? Are you there?]

"Y-yeah. I'm there over the pader."

I heard his chuckle. [I miss you. Love you!]

"I love you too."

[What did you say?]

Nilabanan ko na 'wag ipahalata na naiiyak ako. "I love you too. Mr. Arthur Dela Cruz and I miss you too."

[Pwede ba kitang makita?]

"Kailan at saan?"

[Ngayon na. Here in rooftop]

Napatayo ako sa sinabi ni Arthur sa kabilang linya at rinig ko ang ingay ng helicopter.

"Wait for me." I said.

[Don't end the call, please]

"Sure."

Inayos ko ang mukha ko sa salamin at lumapit sa pinto pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay natulala ako.

Ngumiti siya at ibinaba ang hawak niyang phone at itinago sa suot niyang jacket at nilapitan ako pero imbis na lapitan ko siya ay napaatras ako na alam kong ipinagtaka niya.

"May problema ba, Stella?" tanong ni Arthur sa akin kaya napaangat ako ng tingin. "Umiyak ka ba? Sinong nagpaiyak sayo?" tanong ulit sa akin ni Arthur pero hindi ko pa rin sinasagot.

"I'm sorry." Ang tanging nasabi ko at nagsimula na namang tumulo ang luha ko ng hawakan ni Arthur ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang daliri nito at lumapit.

"Don't say sorry. Just answer my question. Why are you crying, baby?" Tanong niya at hinalikan ako sa noo kaya mabilis na niyakap ko siya at niyakap niya naman ako pabalik.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon