Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan

Start from the beginning
                                    

"Sana ay magtagumpay sila sa kung anong misyon ang binigay sa kanila ng kataas-taaasang langit." Sambit ni Panabon na pinagdasal ang tagumpay ni Mira.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Habang nagluluwal ng sanggol si Amihan sa kanyang silid kasama ang mga dama at punong babaylan, ang lahat ay nasa labas lamang nito at naghihintay.

Kanina pa di mapakali si Ybrahim sa kanyang kinatatayuan, nag-aalala siya para sa reyna at sa magiging anak nila.
Naisip niya na napakahirap pala ng nagiging lagay ng mga ama at asawa sa mga ganitong sitwasyon.

"Ako'y nasasabik na sa pagdating ng aking hadia." Nakangiting sabi ni Danaya kay Alena.
"Ganoon ka din ba?" Tanong nito kay Alena na kanina pa nakatingin kay Ybrahim.
"Alena?"
"Ah oo Danaya nasasabik na din ako." Sambit ni Alena, at muli ay tiningan niya muli si Ybrahim na nag-aalala.

Ilang sandali lamang ay nakarinig na sila ng pag-uha ng isang sanggol at kasabay nito ay ang pagbagsak ng nyebe sa labas ng bintana ng Lireo.
"Nyebe ba ang aking nakikita?" Tanong ni Aquil na napatingin sa bintana.
"Kataka-taka na kasabay ng pagsilang ng anak ni Amihan ay ang muling pagbagsak ng nyebe sa Encantadia." Sambit ni Imaw.

"Siyang tunay Imaw... Ngayon lang ako nakakita ng nyebe." Sambit ni Danaya.
"Tama ka dahil ang huling pagbagsak ng nyebe ay noonh ipinanganak ang inyong inang si Mine-a." Sambit ni Imaw.
"Kaya ba Mine-a ang ngalan ni Ina?" Tanong ni Alena.
"Siyang tunay mga Sang'gre." Sagot ni Imaw. Napatango naman ang dalawang Sang'gre ng muli ay nakarinig sila ng pag-iyak ng sanggol at kasabay nito ay ang pagbukas ng pintuan ng silid.

"Halina maaari na tayong makapasok ." Nakangiting sabi ni Ybrahim ma agad nilang ginawa di na nila napansin ang pagliwanag ng buwan. Mas maliwanag kesa sa mga nagdaang gabi.

Nagulat ang lahat ng pagpasok nila ay dalawang sanggol ang nasa tabi ng mahina-hinang si Amihan.
"Kambal ang iyong anak Amihan." Nakangiting sabi ni Danaya na agad na lumapit sa Hara at tiningnan ang mga hadia.
"Siyang tunay Danaya kaya siguro kulay puti ang simbulo ng paglalang na lumabas sa aking palad." Sambit ni Amihan

"Ngunit sila ay mga sanggol na lalaki" nagtatakang sabi ni Aquil sa lahat na ikinataka nila sapagkat laging babae lang ang nagiging anak ng Reyna ng Lireo kaya kataka-taka ang naganap na ito sa kanila.

"At hindi lamang iyon mayroon din silang mga marka sa likuran, marka ng araw at buwan?" Sambit ni Alena na tiningnan na din ang mga hadia.
"Ano ang ibig sabihin nito Imaw?" Tanong ni Danaya sa nakatatandang Adamyan. Napailing naman si Imaw sapagkat maging siya ay di niya maarok ang ibig sabihin nito.

Napangiti naman Ybrahim at walang pag-aalinlangan na nilapitan ang mga bagong silang na anak at kanyang binuhat ang isa sa mga sanggol na kulay puti ang buhok at hinaplos ang pisngi ng isa pang sanggol na itim ang buhok.

"Marahil dahil sila ay tigapagmana ng Sapiro at hindi ng Lireo." Sambit ni Ybrahim, napangiti siya ng tumingin sa kanya ang anak at ngumiti.
"Ano ang ibig mong sabihin Ybarro?" Tanong ni Alena nararamdaman na niya ang sagot ngunit nais niyang marinig pa rin iyon.
"Sapagkat si Ybrahim ang muling isinugo sa akin ni Emre para maging ama ng aking mga anak." Sambit ni Amihan wala naman ng dahilan para itago pa ito, malalaman at malalaman din naman nilang lahat.

"Kung ganoon ay ano ang ngalan ng inyong mga anak?" Tanong ni Danaya na kahit nagtataka ay natutuwa pa din para sa kapatid. Marahan namang tumayo si Amihan at kanyang kinarga ang isa pang sanggol na itim ang buhok.
"Ito si Lirios.... At iyan si Caspian." Nakangiting sambit ni Amihan. Napangiti naman si Ybrahim sa ngalan ng kanyang mga anak.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now