43

11.5K 150 13
                                    

©pinaykimchii

(Samara)

Nakabaluktot akong humiga sa papag habang piping umiiyak. Naalala ko na naman ang mga kahayupang ginawa sakin noon nila Stan at ng mga kaibigan niya ng gabing kinidnap nila ako. Ang mga ala-alang pilit kong ibinabaon sa lupa at pilit kong kinakalimutan! Sana mabagok nalang ako at magka-amnesia ng sa 'gayon ay makalimutan ko nalang lahat ng masasakit na nangyari sakin noon.

Napadaing ako ng bigla nalang may humila sa aking buhok. Mukha ni Luke ang tumambad sakin. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya. Halatang lasing na lasing siya! Galit na galit ang mukha niya. Takot agad ang rumehistro sa aking mukha! Hindi si Luke itong kaharap ko ngayon, isa itong demonyo na handa akong patayin anumang oras.

"Bitch I fucking want you! I want to fuck you really hard!" Gigil na bulong niya sa aking tenga habang mariing nakahawak sa aking buhok.

Napapikit ako sa sakit ng ginagawa niya sakin at ayoko sa binabalak niyang gawin. Umiling ako at mas lalong umapaw ang luha sa aking mga mata.

"P-please, ayoko... W-wag ngayon.." Natatakot kong sabi sakanya.

Mas lalong nag-alab ang mga mata niya sa aking sinabi. "At kailan pa ha?! Kung ayaw mo pwes, ako gusto ko!"

Pilit niya akong hinahalikan sa leeg at bibig pero iniiwas ko ang mga ito. Ayoko talaga! Pero patuloy lamang siya sakanyang ginagawa habang iwas naman ako ng iwas sakanya. Ayoko namang sumigaw dahil nasa itaas lang aking anak at nasa balkonahe lamang sila Taylor. Ayokong gumawa ng gulo!

"Oh such a whore!" Iritang saad niya ng sikmurahan niya ako.

Nanghina ako sa ginawa niya kaya napaluhod ako sa sahig. Naging malaya siyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin sa aking katawan habang namimilipit ako sa sakit gawa ng pagkakasuntok niya sa aking tiyan.

"Tama na please...." Pagmamaka-awa ko sakanya.

Pero tila bingi siya sa pagmamaka-awa ko at sinimulan niyang sirain ang kapapalit ko lang na damit. Nataranta ako sa ginawa niyang pagsira sa aking damit hinubad niya rin pati ang pang-ibaba ko. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at  takpan ang hubad kong katawan. Namaluktot muli ako habang umiiyak ng maramdaman kong tumigil siya sa kanyang ginagawa.

"A-ano yan?" Tila boses na nagtataka at nandidiring tanong niya sakin.

Marahil ay nakita niya na ang matagal ko ng tinatago mula sa aking likod.

Patuloy parin ako sa pag-iyak. "T-tama na, parang awa mo na... Tigilan mo na ako, a-ayoko na..... Pagod na pagod na ako.... Tama na pleasee.." Paulit-ulit kong pakiusap sakanya.

Narinig ko ang mga pagkatok sa aking pintuan. Boses ni Kuya Jack ang una kong narinig!

Tinakpan ni Luke ng kumot ang aking hubad na katawan tila nawala ang lasing sakanyang pagkatao. Itatayo niya sana ako pero takot ang rumehistro saking mukha at agad na lumayo sakanya, takot ako na baka ulitin niya ang kanyang ginawa sakin kanina lamang.

"Huwag mo akong lapitan parang awa mo na." Takot na takot kong saad.

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now