31

7.4K 123 18
                                    

©pinaykimchii

(Samara)

"Nanay, gising!!!"

Nagising ako ng punong-puno ng pawis ang buong mukha ko. Napatingin ako sa batang gumising sakin at ganun nalang ang sayang naramdaman ko ng makita ko siya sa aking gilid.

Thank god his safe!

"Nay, binangungot ka na naman po ba?" Nag aalalang tanong niya sakin.

Tumango ako at niyakap ko siya ng mahigpit. "Huwag ka ng mag-alala sakin, ayos lang si nanay. Kita mo, gising si nanay." Pag papagaan ko ng loob sakanya.

Humiwalay siya ng yakap sakin at ngumuso. Napangiti ako! Ang cute cute niya kapag ginagawa niya ang bagay na iyon.

"E kasi naman po 'nay, gabi-gabi nalang kayong dinadalaw ng masamang panaginip tska po kapag umaga. Nag-aalala po ako sainyo, tayong dalawa na nga lang ang magkasama e." Mahaba niyang paliwanag.

Pabiro 'din akong ngumuso tulad niya.

"Tayong dalawa? Nako, magtatampo si Tita Michaela mo niyan, sige ka." Pabiro kong sabi.

Mas lalong tumulis ang nguso niya sa sinabi ko. "Nanay naman, Tito Michael po. Hindi Tita!"

Tumawa ako at bumangon na sa higaan. Tinulungan naman niya akong bumangon at inabot ang salamin ko sa mata. Sinuot ko naman ito at iginiya ko na siya sa kusina para kumain ng almusal.

"Nay, huwag na po kayong mag-abalang magluto. Binili ko po iyan kanina sa tindahan." Masaya niyang sabi at umupo na sa plastic na upuan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Saan ka kumuha ng pambili?" Tanong ko at tinabihan siya sa upuan.

Ngumuso ulit siya at napakamot sa ulo. "Sorry nanay, gusto ko lang naman po na tumulong sayo, nakisabay po ako kay Mang Berting na manguha ng kangkong sa aplaya at nagbenta po kame sa bangketa kanina." May kinuha siya sa bulsa niya. "Ito po oh, may sukli pa po." At may inabot siya saking bente pesos.

I sigh at inabot muli sakanya ang pera. "Iyo 'yan, itabi mo 'yan."

Nalungkot siya sa ginawa ko. "Hindi ka po ba masaya, 'nay?"

Ngumiti ako. "Anak, hindi mo kailangan gawin ito. Hindi kita pinaglaban para magtrabaho ka lang sa gulang mong iyan, bata ka pa. Ang dapat para sayo ay nag-aaral. Kaya nga nalaban si nanay ay dahil sayo diba? Tska may konting pera pa ako, hindi mo kailangan magtinda ng kangkong para satin dalawa. Ako dapat ang bahala sa lahat."

My Outcast WifeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu