7

7.2K 115 1
                                    

©pinaykimchii

(Samara)

It's been week simula ng magising ako sa Clinic. Ang huling naalala ko pa noon bago ako mawalan ng malay, mukha ng kapatid ko ang nakita ko. Pero ng magising ako sa Clinic, wala naman siya doon at ang sabi ng nurse na nagbabantay ay mga classmates ko daw ang nagdala sakin doon pati ng mga pagkain. Pero malakas ang kutob ko na kapatid ko iyon. O nag-hahaluscinate lamang ako dahil sa gutom ko? Pero hindi e. Ang Kuya Jack ko iyon, alam ko.

"Hi?"

Napaangat ako ng tingin sa babaeng mala-anghel ang mukha. She's sweetly smiled at me. My brother's long time girlfriend.

"Madison." I whisper.

"Hello, Sammy." Masayang sabi niya at umupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko. Hindi dahil sa pagtabi niya sakin sa bench, kung hindi dahil tinawag niya akong "Sammy". Close ba kami? E, ngayon nga lang kami nagkaharap ng ganitong kalapit e. At tsaka si Kuya Jack ko lang ang kadalasan na tumatawag sakin ng "Sammy".

"Hindi tayo close." Malamig kong tugon.

Bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi kami close. Hindi sa ayoko sakanya, ayoko lang na mapalapit ako o siya man sa akin. Dahil alam kong hindi magiging permanente ang mga taong nakapaligid sakin.

She chuckle. "I know, Sammy. Kaya nga I'm here to get close with you."

I stare at her blankly. "Huwag mo ng pagurin ang sarili mo, hindi ako makikipag-close sayo kahit na girlfriend ka pa ng kapatid ko."

She pout. Nagpapa-cute ba ito sakin? Kasi kung oo, effective. Talagang may taste ang kapatid ko pagdating sa babae.

"At tska huwag mo akong tawagin na Sammy. Hindi ikaw si Jack." Dagdag ko pa.

Imbis na mainis. Ngumiti pa siya na lalong nagpa kunot ng noo ko. "C'mon. Stop being a stone heart, Sam. I'm here to be get close with you. Please?"

Tumayo ako at inis na hinarap ang girlfriend ng kapatid ko. "Ayoko."

Tumayo din siya. Talagang iniinis ako ng babaeng ito e. Kung hindi lang ito girlfriend ng kapatid ko malamang na naitulak ko na ito. Masyadong papansin!

"You are kind, I know! Please, stop hiding your true emotions and identity. I am here. Jack's there for you. We'll help you to all the bullies. Hayaan mo lang ako, kami na protektahan ka." She said sincerely.

I maintain my annoyed face.

"I don't need your protection. Kaya ko kahit mag-isa lang ako, nabuhay nga ako ng mahabang taon na mag-isa ako e." Tumawa ako ng pagak. "Teka, e ano ba ang alam mo? Wala! Sarilinin mo nalang iyang sinasabi mong protection."

"But-" I cut her off.

I grimace. "Bullies? Sa pagkaka-alam ko, mga kaibigan mo at kaibigan ng kapatid ko ang mga nang-bubully sakin." Then I turn my back.

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now