24

6.5K 97 0
                                    

©pinaykimchii

(Luke)

Shit!

Ang laki mong tanga, Luke! Hindi ka lang isang gwapong lalaki, kung hindi isang lalaking sobrang tanga pa!

Napapikit ako ng maalala ko na naman ang nangyari noong itinakas ko si Samara sa bahay nila noong nakaraang linggo. Shit lang! Naalala ko na naman kung gaano ako katanga. Masyado kasi akong nagpadala sa emosyon ko, hindi ko tuloy napigilan.

Ito tuloy ang napala ko. Ang layuan niya!

"Sam!"

Agad akong napadilat ng marinig ko si Shawn na isinigaw ang pangalan ng babaeng isang linggo na akong nilalayuan. Ang babaeng gustong-gusto ko.

"Bakit ganun? Hindi niya na naman ba ako nakita o talagang nilalayuan niya tayo?" Nagtatakang tanong ni Shawn.

I bit my lip. Shit! This is my entire fault. Pati tuloy ang barkada nilalayuan niya. Hindi ko naman masabi sakanila ang dahilan at baka masuntok nila akong lahat, malamang pati ni Gilinsky. Ayokong mangyari iyon, ang gwapo ko para lang magkaroon ng bangas sa mukha.

"Where is G? Isa pa 'yun. Palagi nalang missing in action. Gaano ba kagulo sa mansion nila ngayon?" Tanong ni Carter at sumulyap pa kay Cameron na hawak ang cellphone.

Cameron just shrug his shoulder ng sikuhin siya ni Taylor na katabi niya lang.

"Yung totoo? Walang may nakaka-alam?" Kunot noong tanong ulit ni Carter.

"Just stop questioning us! Wala kaming alam." Nakasimangot na saad ni Grayson habang nakapangalumbaba.

"Itong si childhood friend ng magkapatid, wala ding alam." Singit ni Taylor.

"Nagpapakahirap pa kayo, ayan si Luke o! Tanungin niyo, umattend ng party 'yan." Ani ni Aaron at inginuso pa ako ng gago.

Shit! Nananahimik na nga ako dito e.

Umayos ako ng upo at kinunotan ko sila ng noo. Relax lang, Luke! Huwag kang magpaapekto sa mga usisero mong mga kaibigan.

"Wala akong alam. Nagpapakahirap kayo, si Madison ang tanungin niyo tungkol sa magkapatid." Simpleng sagot ko sabay iwas ng tingin.

"She's busy, dude." Sagot ni Cameron habang busy parin sa cellphone niya.

Tumayo si Nash at nag-unat. "Bakit ba kasi masyado kayong madaming tanong tungkol sa magkapatid?" Tanong niya at tinignan kame.

Nagkibit balikat si Shawn. "Curious lang, hindi kasi nagsasasama si Gilinsky satin ngayon, si Sam naman, naiwas. So baka may something."

"So nosy..." Iling ni Nash.

"Gago ka, Nash! Pag nalaman talaga namin kung bakit, hindi namin sasabihin sayo!" Sabi ni Carter.

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now