5

7.7K 121 1
                                    

©pinaykimchii

Mag-iisang buwan na si Samara sa Celestine University. Mag-iisang buwan narin siyang kinukulit ng dalawang mayabang na lalaking nakilala niya, kaya halos lahat ng populasyon ng babae sa University ay kinaiinisan siya. Kulang nalang ay mag-rally pa ang mga ito para lang mapaalis siya sa University. Wala naman siyang magawa kung hindi ang umiwas lalo na't palagi siyang binibigyan ng masamang tingin ng kanyang kapatid. Parang lahat nalang ng tao na lumapit sakanya ay bawal. Parang wala siyang karapatan na lapitan ng kahit na sino. Pero, pabor naman sakanya iyon. Ayaw niya sa dalawang lalaki. Naiinis siya. Ang akala ng iba ay napaka-swerte niya dahil nilalapitan siya ng dalawang sikat at gwapong lalaki. Hindi nila alam na binu-bully na siya ng isa, at ang isa naman ay ginagamit siya sa pansarili nitong kasiyahan.

"Stay away from them, Samara! Lalo na kay Stan Garcia. He's not good for you." Isang beses na saad ng kapatid niya sakanya.

"Wala namang hindi mabuti sakin, Kuya. Lahat pinapalayo mo." Malamig na saad ni Samara sakanyang kapatid.

Kumunot ang noo ng kanyang kapatid at umiwas ng tingin. Napailing nalang si Samara. Bumuntong hininga naman si Jack.

"Just do what I say. Ako ng bahala kay Luke. Just stay away from them." Dagdag pa nito.

Malamig na tinitigan ni Samara ang kanyang kapatid. Tulad nito ay wala ka rin na mababasa sa mga mata ng kanyang kapatid. Magkapatid nga sila!

"Hindi mo na kailangan pang ipaulit-ulit sakin 'yan. Gagawin ko talaga." Aniya at naglakad na palabas ng bahay.

"Teka, saan ka pupunta? Eight pm, na." Pigil sakanya ng kanyang kapatid.

Napahinto si Samara sa paglalakad. Nakaramdam siya ng tuwa ng pigilan siya ng kanyang kapatid. Napaisip siya kung totoo bang kahit konti ay nag-aalala ito sakanya? Kung tama ang nasa isip niya, ay sobrang saya niya. Kahit na may lihim itong galit sa kapatid ay nangingibabaw parin ang pagnanasa niya na sana ay bumalik ito sa dati na malambing, nag-aalala at mapag-mahal na kapatid sakanya. Kahit na noon ay sobrang sakit siya sa ulo. Nangingibabaw parin para sakanya ang pangungulila.

Humarap siya at tinignan ang kapatid na ngayon ay seryosong nakatingin sakanya.

"Sa trabaho." Simpleng saad niya.

Kumunot ang noo ni Jack sa narinig. Hindi niya alam na meron pala itong trabaho. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Masyado ng gabi para sa trabaho. Damn! Babae parin ang kapatid niya.

"Trabaho? Eight in the evening?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango naman si Samara. Wala siyang choice. Kung hindi siya magta-trabaho, wala siyang gagastusin at ipangkakain. Hindi narin naman bago para sakanya ang magtrabaho kapag gabi. Noon sa probinsya, magdamag siyang kumakayod para lang may makain. Kaya kailangan niya rin iyong gawin ngayon.

"Aalis na ako." Walang emosyong saad ni Samara ng mapansin niyang wala ng balak magsalita pa ang kanyang kapatid.

Wala ng nagawa si Jack ng maglakad palabas ng bahay ang nakababatang kapatid. Sinundan niya nalang ito ng tingin. Gustuhin niya man itong tulungan ay hindi niya magawa. Wala siyang magawa para sa kanyang kapatid. He felt so helpless and useless.

Habang nilalakad naman ni Samara ang daan patungo sa Bar na pinagta-trabahuhan niya bilang isang waitress ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng gutom. Kanina pa siya hindi kumakain dahil sa sobrang dami na ginawa sa University, siya kasi ang napiling mag-report para sa araw na ito. Wala na rin siyang pera pambili ng pagkain dahil naubos na ang perang natira sakanya. Ubos na rin ang mga stock niyang pagkain. Kakasimula niya lang ng trabaho noong Lunes kaya wala pa siyang pera. Tanging left over foods lang ang kinakain niya sa loob ng apat na araw.

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now