33

7.1K 111 7
                                    

©pinaykimchii

(Samara)

Luke keeps on glaring at me and my tears can't stop flowing at my eyes. It hurts to see that the man of your life is fuming mad at you.

"Will you fucking stop crying?!" Sigaw niya at sinipa ang trash bin sa gilid niya.

Nagulat ako sa ginawa niya. He's mad like ape! Nakakatakot siya kapag ganito ang kanyang ipinapakita.

"Luke...." Banggit ko sa pangalan niya.

Nanlilisik niya akong tinignan. Tila nagtitimpi na saktan ako. Napapikit ako! Kung maaari ayoko siyang tignan, hindi ko kaya!

"Stop calling my name, you whore!" Galit na sambit niya habang dinuro ako.

Umiling ako habang patuloy parin ang pag-iyak. Wala akong masabi. Para akong tinatakasan ng lakas at napuputulan ng dila kapag si Luke na ang aking kaharap! Kung puwede lang, ayoko ng balikan ang nangyari noon pero habang nakikita ko sila Luke, sila Mama ay hindi ko maiwasan na makalimutan ang nangyari dahil pinapa-alala nila ito sakin! Kaya lang, wala akong lakas na sabihin sakanila ang totoo. Natatakot ako para sa sarili ko at para sa mga taong mahal ko.

"Oh you fucking whore! Stop pretending and stop crying!" Sigaw niya muli.

"Hindi ako nagpe-pretend, Luke. Kilala mo ako! Hindi ako ganoong klase ng tao, akala ko ikaw ang unang makakaintindi sakin, akala ko ikaw ang unang taong magpo-protekta sakin, nagkamali yata ako kasi sinasaktan mo ako! Akala ko ba, mahal mo ako? Bakit biglang ganito?!" Mula sa pag-iyak, nailabas ko din ang mga hinanakit ko sakanya. Nagkaroon ako ng lakas na sabihin sakanya ang lahat ng 'yan.

Humakbang siya palapit sakin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sobrang sakit! Mas masakit ito kumpara sa ginawa kanina ni kuya.

"Really, huh?! Don't you dare put the blame on me! Yes, mahal kita. Minahal kita pero ginago mo ako! Sa araw ng kasal natin, sa araw ng sana ay maligayang araw ko! Putangina, Samara ginago niyo ako ni Stan! Sa tingin mo ba talaga, maiintindihan kita kung may sex video kayo?! Tangina, Samara sex video iyon! SEX VIDEO NG KABABUYAN NIYONG DALAWA!!" Galit na sabi niya.

"Hindi 'yun totoo!" Malakas na hikbi ko.

Itinulak niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig sa tabi ng trash bin na natumba dahil sa pagsipa niya.

"Fuck you! Huwag na huwag mong itatanggi ang bagay na nakita ng dalawang mata ko! Ikaw 'yun at si Stan!" Kitang-kita ko ang sakit na nagmumula sa mga mata ni Luke. Pero agad din iyong nawala at napalitan ng malamig na ekspresyon.

Wala akong masabi kung hindi umiyak muli. What can I say? Totoo ang video!

"Tapos ang lakas ng loob mong ipaako ang bata sa sinapupunan mo! Ang bunga ng kababuyan niyo!" Matigas na sambit niya.

Para akong sinaksak ng kutsilyo sa puso dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang malungkot na mukha ni Lucas habang hinihimas niya ang gupit na larawan ng isang masayang pamilya mula sa lumang libro. Ang Lucas ko!

"Anak mo siya..." Mahinang usal ko.

Tumawa siya ng pagak. "Sana nga dahil kung totoo man iyon, kukunin ko siya sayo!"

Takot ang bumalatay sa mukha ko. Hindi mangyayari iyon! Hindi ko ibibigay ang anak ko. Siya nalang ang meron ako.

"Sana huli na natin itong pagkikita! Dapat nga hindi kana nagpakita pa, sinira mo ang engagement party namin ng babaeng pinaka-mamahal ko, ang babaeng pakakasalan ko sa lalong madaling panahon!" Aniya.

Pumikit ako dahil sa sakit ng sinabi niya. May mahal na siyang iba. Hindi na ako. May pumalit na sa pwesto ko mula sa puso niya. Masakit, sobrang sakit!

Bigla niya nalang akong hinagisan ng pera. Sumikip ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Hindi pa ba tapos ang sakit? Baka kasi hindi ko na kayanin pa.

"'Yan ang pera! Huwag kanang magpapakita samin." Malamig na saad niya.

I remember my son. I remember my promise to him. Kahit masakit, pikit mata kong pinulot ang perang itinapon niya sakin, uunahin ko pa ba ang pride ko kung may anak akong umaasa sakin?

"Tsk! What a pathetic whore!" Aniya at umalis na sa harapan ko.

I cried my heart out.

--
Hi silent readers ❤

My Outcast WifeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ