17-

6.8K 100 7
                                    

©pinaykimchii

"Hey!"

Umirap si Samara ng makita niya ang nakakainis na mukha ni Luke na mayroong hawak na puting lobo.

Nakaupo ito sa bleachers habang nagbabasa ng libro.

Ilang linggo narin ang nakalipas ng simula siyang suyuin nito. Hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ni Luke. She have no idea at all! Gusto nitong makipag-kaibigan pero ayaw niya. Ayaw niyang sumugal. Ayaw niyang ipagkatiwala ang sarili sa iba. Alam niya na ang mangyayari. Pero parang gusto niya nalang bumigay at tanggapin ang pakikipag-kaibigan ng lalaki. After all, kaibigan din naman ito ng kapatid niya. She and her Kuya are okay. Although, hindi gaanong nag-uusap pero okay silang dalawa. Sila lang ni Luke ang hindi.

Mukha kasing hindi sincere!

"Uyy, friends na tayo!" Kulbit sakanya ni Luke.

Gusto niyang matawa sa mga pinapakita nitong childish acts pero pinipigilan niya. He's cute!

"Yu-huuu! Friends na tayo ok? Balloons, o for you.." Ani nito at inilahad ang puting lobo.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Are you serious, Luke? O, pinagti-tripan mo lang ako?"

Itinaas nito ang kanang kamay. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Ngumiwi si Samara at umiling. "Oo."

Mukha itong na-offend sa sinabi nito at humawak sa dibdib na akala mo nasaktan sa sinabi niya. "Ouch! I'm serious, Sam. Then sorry na nga sa lahat ng masakit na sinabi ko sayo noon. I mean it!"

Napalabi si Samara at sinara ang binabasang libro. Kinuha nito ang puting lobo sa kamay ni Luke.

"Sige." Pagpayag niya at ikinatuwa ng baliw na lalaki. Nagtatalon ito at nagsisisigaw.

"Yes! Yes! Friends na kami!!" Sigaw nito sa tuwa.

Napailing nalang si Samara sa inasta ni Luke, mabuti at walang tao sa gymnasium ngayon dahil kakatapos lang ng practice dito. Kung nagkataon na maraming tao ngayon, nakakahiya ang ginagawa ni Luke. Kilala pa naman ito bilang isang playboy at seryosong lalaki not a jolly one. Nakakahiya talaga!

--

One week later...

Naglalakad si Luke at Samara sa hallway habang nakaakbay si Luke kay Sam. All eyes on them! Ang alam ng iba, si Samara ang new flavor of the month ni Luke pero they don't give any damn! Wala silang pakialam sa iniisip ng ibang tao lalo na si Luke. Ang mahalaga ay magkaibigan sila at wala silang tinatago. As long na napapasaya ni Luke ang bago niyang kaibigan, he's happy too.

"Nagyaya sila Jack na mag-inuman sa bahay niyo. Baka doon kami mamaya." Ani ni Luke.

"Ginawa niyo ng club ang bahay. Ayaw niyo sa totoong club?" Tanong nito.

"Sanay na kami sa bahay niyo e, maingay sa totoong club at demanding ang mga girls." Tumatawang saad ni Luke.

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now