14

7K 105 0
                                    

©pinaykimchii

"Why are you hiding huh, Luke?"

Napatingin siya sakanyang Uncle Jacob na kakapasok lang sakanyang kwarto. Tamad na binalik niya ang paningin sa hawak niyang folder.

"I'm not hiding, uncle." Tamad na sabi niya dito.

Tumawa si Jacob sa sinabi ng kanyang pamangkin at tinapik ito sa balikat. Umupo pa ito sa ibabaw ng kama at nakadekwatrong nakaharap kay Luke.

"Tch! Kilala kita, anak ka ng kapatid ko. Tska huwag mo akong pagsisinungalingan, you are hiding from almost a week na!" Saad ni Jacob sa pamangkin.

Luke heaved a sigh at kumunot ang noo. Hindi niya alam ang gagawin. At mas lalong hindi niya alam kung mag-oopen ba ito sakanyang Uncle Jacob. Maski siya ay naguguluhan. And yes, he's hiding from almost a week! He broke his own cellphone and off his tablet and laptop. Ayaw niya ng distraction lalo na't naguguluhan siya. Ni hindi na siya nalabas ng kwarto niya at maghapon lang nakatingin sa folder na hawak. He didn't know what to do right now. He's in chaos!

"Nalilito ako, uncle." Naiiling na sabi niya sakanyang uncle at inilapag sa coffee table ang hawak na folder.

Tinaasan siya ng kilay ni Jacob at kinuha ang folder na inilapag niya sa coffee table. Binuksan niya ito at ngumisi. Tinignan niya ang pamangkin.

"She's pretty." Turan niya dito at binuklat pa ang laman ng folder. "Are you investigating her? What for?" Tanong sakanya.

Naging seryoso ang mukha ni Luke sa tinanong sakanya ni Jacob.

"Simply because I hate her. I hate her to the point na pinaimbestigahan ko siya para panlaban sakanya." Ngumiti ito na parang hindi makapaniwala sa nagawa. "Uncle, she's different to all the girls that I've met. She's incredibly annoying at the same time pretty. She even called me pangit at gago. Really? Infront of my face, Uncle! Everyone can't do that to me. Hell! I'm not Luke Jasper Lim, for nothing." Aniya sa tonong hindi makapaniwala at naiinis.

Ngumisi sakanya si Jacob. "Hulaan ko, na-offend ka sa sinabi niya? Kaya galit ka sakanya at gusto mong maghiganti. Am I right?"

Tumango si Luke. "Pero nang makita ko siyang nakatali at kinakawawa ng lintik na Satan na iyon, I got mad! Biglang parang gusto ko nalang pumatay dahil sa ginawa nila sakanya. Pero bakit ganun, Uncle? She's so brave and tough! Kahit na hindi niya na kaya, ayaw niyang magpatulong kahit kanino. She always said, she was okay even if she's not! Nakakainis! She's so cold and aloof!"

Mataman lang na nakikinig si Jacob sa saloobin ng kanyang pamangkin.

"May parte sa utak ko na nagsasabing kailangan ko siyang protektahan, pero may isa 'ding parte na nagsasabing ituloy ko ang paghihiganti ko sakanya." Umiling si Luke at napatungo hawak ang dalawang kamay na nakapatong sa ulo nito. "Nalilito ako, Uncle. Hindi ko alam kung poprotektahan ko ba siya o tamang mag stick nalang ako sa una kong plano sakanya."

"I think, nakita mo na ang babaeng hinahanap ng mga magulang mo para sayo. Ang babaeng katapat mo. Siya iyon, walang duda!" Saad ni Jacob.

"Damn! Why her?!" Mura ni Luke sakanyang sarili.

"You're not that bad. Break your so called heartless image! Huwag kang gumaya sa ama mong sinaktan ang mommy mo noon pero nagsisi in the end. Kamukha mo lang si Lee but you are not him! And please, stop idolizing me, mas marami ka pa yatang babae na naikama kaysa sakin." Napangiti si Luke sa huling sinabi ng kanyang uncle. He's right! Sumobra ang pagiging babaero niya kaysa sakanyang uncle.

My Outcast WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang