23

6.5K 96 6
                                    

©pinaykimchii

(Samara)

Malakas na sampal ang naramdaman ko mula kay Mama. Walang tigil ang luha ko. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. I felt helpless! Hawak ako sa magkabilang braso ng dalawang tauhan ni Mama.

"You ruined our party!! Wala ka talagang kwentang bata ka! Mahirap ba intindihin ang mga sinabi ko kanina?!" Sigaw niya habang dinuduro-duro ako.

I cried hard.

"Punyeta! Huwag mo akong iyakan! Kasalanan mo na sinira mo ang party namin, you attention seeker!" Galit na galit na sabi niya at madiin na hinawakan ako sa pisngi.

"S-sorry, Mama.. H-hindi ko po sinasadya." Iyak ko.

Tumawa siya ng mapakla pero naroon parin ang bangis sa mukha ni Mama. Sinampal niyang muli ako.

"Don't call me Mama! Matagal ko ng kinalimutan na anak kita, you killer!" Parang kutsilyo ang sinabi niyang iyon sakin.

Napatungo ako sa sinabi niyang iyon. Ang sakit pala talaga na mismong magulang mo ang nagsabi saiyo na kinalimutan kana niya. She hates me! Galit na galit talaga sakin ang Mama ko. Hanggang ngayon ako parin ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kapatid ko.

"Para magtanda kang bata ka, bagay lang sayo ang makulong!" Mabagsik ang mga mata nito na nakatingin sakin.

Takot ang rumehistro sa mukha ko ng makita siyang nakatingin sa malaking aparador dito sa loob ng storage room. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kung ano man ang balak niya.

"M-mama, h-hindi ko na uulitin.. Huwag niyo lang akong ikulong diyan."

Pero imbis na pakinggan ako ay tila bingi siya. Pilit nalang akong kinakaladkad ng dalawang tauhan ni Mama papasok sa malaking aparador.

"Maawa po kayo! Huwag niyo akong ikulong..." Iyak ko habang pilit na kumakawala sa dalawang tauhan ni Mama.

Malakas na hampas ang ginawa ko sa madilim at mainit na aparador kung saan nila ako nagawang ikulong. "Mama! Buksan niyo 'to parang awa niyo na!! Pakawalan niyo na ako, hindi ko na uulitin!!" Malakas na sabi ko habang walang tigil sa pag-iyak.

"Sana naman at magtanda kanang babae ka! Makukulong ka diyan hangga't sa gusto ko!" Dinig kong sabi ni Mama hanggang sa marinig ko nalang ang pagbukas at pagsarado ng pintuan.

"Pakawalan niyo ako dito!!" Malakas na sigaw ko.

Diyos ko, palabasin niyo ako dito! Natatakot ako. Ayoko sa madilim. Ayoko sa aparador. Ayoko!! Tinakpan ko ang dalawang tainga ko gamit ang mga kamay ko. Pumikit ako at tahimik na umiiyak. Shit! Ayoko ng maalala ang nakakatakot na nangyari sakin noong bata pa ako.

My Outcast WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon