3

8.7K 121 4
                                    

©pinaykimchii

"I'll give you three months to stay here in the house, Sam... just three months. And you need to leave this house when the time is come!"

Nakaupo si Samara sa kanilang malawak na gazebo habang pinag mamasdan ang liwanag na nagmumula sa buwan. Pilit niyang isinasantabi ang mga sinabi ng kanyang kapatid kanina. Aminado siyang nasaktan at nadissapoint sa kagustuhan ng kanyang kapatid. Pero wala naman siyang magagawa. Hindi na siya parte pa ng pamilyang binalikan niya. She's an outsider. An outcast. Masakit pero natuto siyang magtago ng kanyang nararamdaman. Hindi niya ipinakita dito na nasaktan siya at nalulungkot sa kagustuhan ni Jack.

"Sa loob ng tatlong buwan? Matapos nun' saan mo ako balak patirahin? Itatapon niyo ulit ako sa probinsya, ganoon ba?" Malamig na sabi niya sakanyang kapatid.

"Hindi ko alam! Basta kailangan mong umalis dito sa loob ng tatlong buwan. Wala kang gagalawin dito kung hindi ang kwarto mo lang!" Tumaas ang tono ng kanyang kapatid.

"Jack, this is my house too." Halos pabulong na sambit ni Samara. Hindi niya gusto ang sinabi ni Jack na kailangan niyang umalis sa bahay sa loob ng tatlong buwan.

"Yeah but not anymore." Dahilan nito kung kaya't naikuyom ni Samara ang kanyang dalawang kamao.

Pinipigilan niya ang sariling sumbatan ang kapatid. Pinipilit niyang huwag umiyak at mag-makaawang huwag itong paalisin ng bahay. Pinipigilan niya ang sariling magalit at mag-wala. Dahil kung gagawin man niya ang lahat ng iyon ay siguradong talo parin siya sa huli.

Kaya pinanatili niyang blanko at malamig ang kanyang eskpresyon.

"Sabi mo nga kanina, all you need is your bed. Then, I give it you. But please, Sam. Hanggang doon ka lang! Three months and you need to it leave this house." Ani ng kanyang kapatid. "No foods, no drinks, no money. Just your bed! And be careful with your actions, there's a lot of cctv's here in the mansion. Mama and Papa has a lot of eyes and ears here." Patuloy pa nito.

"Alam nilang bumalik ako?" Tanong niya sa kapatid.

Tinitigan ni Jack ang kanyang kapatid pagkatapos ay bumuntong hininga. "Yeah. Sam, please. Sundin mo ako, and if you obey my rules. I am the one who kick you out of this house."

Ngumiti ng pilit si Samara ng maalala niya ang sinabi ng kanyang kapatid kanina. Bakit parang napakalupit ng tadhana sakanya? Wala na ba siyang karapatan sa lahat ng bagay? Wala na ba siyang karapatan mag desisyon? Oo at hindi siya mabait na bata noon at pero tama pa ba itong nararanasan niyang hirap? Sa kamay pa talaga ng kanyang sariling pamilya. She has no friends. She's alone with her life. Wala siyang kakampi. Kahit sarili niyang pamilya, hindi niya maasahan dahil sila pa itong humihigit pababa sakanya.

Ipinikit niya ang mata at inilapat ang katawan sa mahogany chair sa may gazebo. Nadidinig niya mula sa kinauupuan niya ang ingay na nag-mumula sa loob ng bahay, nasa loob parin ng bahay ang mga kaibigan ng kanyang kapatid.

Bigla niyang naalala ang mayabang na lalaking naka-encounter niya kanina kusina. Tila nakakaramdam na naman siya ng inis para doon sa lalaking matangkad at maputi. Mukhang bakla dahil sa kaputian kung hindi lang mukhang bad boy na chinito. Nakakabwisit din para sakanya ang pananalita ng lalaki. Masyadong presko! Ayaw niya sa ganung lalaki. Kung maka-ngisi akala mo siya ang may ari ng buong mundo. Ang yabang sobra!

"Hindi mo ba alam na masama para sa isang babaeng tulad mo ang nakaupo sa gitna ng dilim."

Speaking of the devil.

Umismid siya sa lalaking nag salita.

"Whoah! You made a face, huh? Poker face ka kanina pero ngayon? Iniismiran mo na ako!" Humahangang sabi nito kay Samara.

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now