12. Drill on Isla Cordia

Start from the beginning
                                    

Napatiim ang bagang ko sa sinabi nito. Does he know?

I am now in a serious situation. Iniipit ako nina Perceta at Martina sa gitna nila at ngayon nama'y napi-pressure ako kay Basilio. Is my past really worthy of all these troubles?

...

Tahimik na binabagtas ko ang daan pauwi. Kasabay ko ngayon si Basilio na tahimik lang rin na palingon-lingon sa direksyon ko. Hindi ko alam kung ano bang kailangan niya sakin pero naiilang na ako sa mga tinging ibinibigay niya kanina pa.

Napayuko ako habang naglalakad. Ano bang meron ngayon sa lugar na 'to? Mag-iisang linggo palang magmula noong lumipat kami rito ni mama Josefa pero parang ang bawat araw dito ay nagmumukha ng linggo sa dami ng mga kaganapan.

"Anong iniisip mo, Demetria?"

Napalingon ako kay Basilio at napabuntong hininga. Diretso lang ang tingin nito sa akin habang patuloy na naglalakad. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip na para bang napakaimportante para rito ng naiisip ko o di kaya'y importante ako rito.

Napailing-iling nalang ako sa sariling naiisip. Marahil ay pagod na ako't kung anu-ano na itong pumapasok sa utak ko.

"Isla Cordia..." dinig kong bulong ni Basilio. "Narinig kong nabanggit mo kanina ang Isla Cordia habang natutulog ka."

"May napanaginipan lang ako."

"May naalala naman ako nung nabanggit mo 'yon."

Agad akong napatingin kay Basilio na ngayon pala'y nakatingin parin sa'kin habang may mapait na ngiti sa labi.

Napangiti narin ako ng mapait dahil sa sinabi niya. At tila isang hologram, animo'y sumulpot sa mata ko ang nangyari noon sa Isla Cordia.

Mag-iisang linggo na kami sa Isla Cordia. Araw-araw, maaga kaming pinapagising at pinagja-jogging buong maghapon papaikot sa isla.

"Move, move, move!" dinig kong sigaw nung isang bantay samin nung makitang bumabagal na sa pagtakbo ang nasa unahan.

Laking pasasalamat ko pa't isa akong runner noon sa iskwelahan kaya nama'y hindi ako mabilis mahapo.

"Everyone, check your alignment!" pasigaw na sabi ng sinasabing commander namin na nasa unahan. Agad naman kaming sumunod dito tsaka sumigaw rin ng pakanta. "check your alignment!"

Tuloy-tuloy lang kami at kahit hapong-hapo na ay hindi naman namin makayang makapagpahinga dahil sa mga bantay.

"Stop!"

Tuwang-tuwa na napahigit ako ng mga malalalim na hininga para makabawi ng hangin sa baga. Pagod na pagod na 'ko pero ayaw kong magkamali ng sabi rito. Dahil sa isang linggong pamamalagi ko rito, halos nakita ko na kung papaanong pagsasaktan ng mga nagbabantay rito ang mga kasamahan kong nagtatapang-tapangan at maraming mga katanungan.

"Unang pulutong, humanda na!"

Napatingin ako sa harap at halos manlumo ako nung makita ang unang pulutong ng mga kasamahan ko na nakadapa sa lupa dahil may gagapangin kaming putikan mula rito. Ang masaklap lang ay hindi lang basta-basta lambat ang tila humaharang sa taas ng katawan namin kapag gumapang kami, dahil sa katawan ng lambat ay marami pang mga tinik na tiyak kong susugat sa katawan namin.

"Gapang na!" at sa senyales nitong iyon ay nagpatiuna ng gumapang ang mga nasa unang pulutong. Hindi naman na ako nagtaka pa nung makarinig ako ng mga palahaw ng sakit mula sa kanila.

"Sunod na pulutong, humanda na!"

Napadapa narin ako, kasama ako sa pangalawang pulutong kaya't kinakabahang napatingin ako sa unahan kong mangiwi-ngiwi habang gumagapang. Pero may napansin ako mula rito...

Medyo malalim rin pala ang kumunoy at putik sa lupa, at kung tatantiyahin ko ang katawan ko mula roon, tiyak na kaya kong palubugin roon ang katawan ko.

Kumabog ang dibdib ko sa isang tyansa. May plano na ako. Sana lang ay gumana.

"Gapang na!"

Agad akong gumapang sa putikan at halos mapangiwi ako sa amoy ng putik at sa hapdi ng likuran kong nasugatan na ng mga tusok-tusok mula sa lambat.

Pero tinuloy ko ang paggapang ng katawan ko papasok roon, at sa sandaling nakapasok na ng tuluyan ang katawan ko, ay agad kong nilubog ang buong katawan ko sa pinakaputikan. Nakapikit na pinigilan ko ang paghinga ko at pagkatapos ay pagapang na animo'y lumalangoy narin sa putik ang katawan ko. Masasabi kong epektibo rin naman ang naging plano ko dahil sa tuwing humihinga lang ako papaangat, doon ko lang nararamdaman ang pagkakatusok ng likuran ko sa lambat.

Tinuloy-tuloy ko lang ito hanggang sa makaabot ako hanggang dulo.

Nagmamadaling napagapang pa ako palabas sa lupa nung makitang tila iyon na ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buhay ko. Ngunit bago pa man ako makatayo mula sa pagkakagapang ko, nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril patungo roon sa lugar na pinagmulan ko.

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagkabog ng puso ko at ang biglaang panlalamig ng katawan ko. At nung lingunin ko naman ang direksyon ng mga pinaputukan ng mga nagbabantay sa amin, napatulo nalang ang mga luha sa mata ko nung makitang may halos limang mga kabataan ang nakahandusay sa lupa na wala ng buhay dahil sa nagtangka silang tumakas at tumakbo papalayo mula rito.

"Makinig kayong lahat! Wala pang nakakatakas sa lugar na to ng buhay. Kaya naman kung may plano kayong tumakas mula sa'min, alam niyo na ang kahahantungan niyo!" dinig ko pang sigaw ni commander bago muling nagsenyas sa amin na ipagpatuloy na ang drill.

"Muntik na akong sumama n'on sa kanila."

Napakurap-kurap ako ng mata nung marinig kong may sinabi si Basilio.

"A-ano?"

"Nakita ko sila non. Muntik narin ako nong sumama sa kanila kaso nadala ako ng takot kaya hindi ako tumuloy." malungkot na sabi nito tsaka muling tumingin sa daan. Ngunit kahit na umiwas pa ito ng tingin, hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng mga mata nito.

I am a Huntres (HIATUS!)Where stories live. Discover now