Claimed 20: EPILOGUE

22.6K 441 85
                                    


Bawat sakripisyo ay may hangganan at bawat kwento ay may katapusan.


Sa pagdaan ng mga panahon, nasusubok nito ang tatag ng isang relasyon. Kung gaano kadalisay ang pagmamahalan sa panahon ng kaginhawaan o kasarinlan.


May mga bagay na hindi natin hawak. May mga pangyayaring hindi natin inaasahan na maaari pa lang dumating sa ating buhay. Dito nasusukat kung gaano katibay ang pundasyon ng isang pamilya at relasyon. Masakit pero kailangan mong tanggapin kahit mag-iiwan ito ng marka sa iyong puso..



"Nay, kumain na po kayo. Ilang araw na po kayong ganyan." Tinignan nya lang ito gamit ang blangkong ekspresyon.


"Please Nay kahit para na lang po sa amin ng mga kambal. I can't afford to see you every day like this mom. Baka kung mapano na po kayo. Kahapon sinabihan ako ni manang na umiiyak daw ho kayo at ayaw galawin ang pagkain." Napabuntong hininga na lang sya bago matamlay na ngumiti kay Cheska.


"Aalis na muna ako. Dadalawin ko ang papa mo." Pilit na pagpapalakas nya ng tono ng kanyang boses. Ayaw nyang magbreak down na naman sa harap ng kanyang panganay dahil alam nyang pagod ito sa trabaho.


"Samahan na kita Nay." Her daughter insisted but she refused. Napansin nya kasing medyo inaantok pa ito at parang pagod na pagod. Buong araw kasi itong abala sa kompanya.


"You better get some sleep anak. I'll be fine." Nalulungkot na tinanguan na lang sya nito bago niyakap.


"Basta Nay, nandito lang po kami palagi. Wag nyo po yang kakalimutan. I love you." Pigil ang luhang hinarap nya ang kanyang anak at pinagmasdan ang napakaamo nitong mukha.


"Ang laki talaga ng pinagmanahan mo sa papa mo." Saad nya subalit kalakip noon ang kirot sa kanyang puso. Ngumiti naman sa kanya ang kanyang panganay bago nagsalita.


"Kayo po talaga nay. Mas kamukha kaya kita sabi ni tatay. Sige na po,  di ba aalis pa po kayo? Ako na ang bahala kay Mandy at Sandy." Napangiti naman sya nong banggitin nito ang kambal. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas? Anim na taon na magmula nong ipanganak nya ang kambal at isang taon na rin ang nakakalipas magmula ang insidenting bumulagta sa kanilang buhay.


"Huwag mo na silang paglaruin pagdating nila sa school. Let them sleep early ok?" Nagpaalam na ulit sya kay Cheska bago pumanhik sa itaas para magbihis. Pagkapasok nya sa loob ay ang malaking portrait agad nila ni Chase ang bumungad sa kanya. Kuha ito nong araw ng kasal nila. Sa di kadahilanan ay napaluha na naman sya. Muli na namang naglakbay sa kanyang ala ala ang mga nangyari noon.



F.L.A.S.H.B.A.C.K



Gabi noon mga alas syete y media. Nakatanggap sya ng tawag mula sa di kilalang numero habang abala sya sa pagpapakain sa kambal.


"Hello? Sino po ito?" Sagot nya sa kanyang telepono. Mga sampung sigundo bago may nagsalita sa kabilang linya.


"Ito po ba si Mrs. Victoria Fortalejo?" Hindi nya maintindihan pero sa puntong iyon ay sumibol ang kaba sa kanyang dibdib.


"Ako nga ito. Bakit?" Narinig nyang  huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita.


"Puntahan nyo na lang po ang asawa ninyo dito sa St. Anne Hospital." Halos manlambot sya sa kanyang narinig. Eksakto rin na dumating si Cheska mula sa restaurant nito.


"Oh My God nay! Are you okey?" Hindi na nya namalayan na nakahawak na pala ito sa kanya bilang suporta. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha nito.


Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon