SPECIAL. CHAPTER

5.7K 143 35
                                    

Limang buwan ang nakakalipas matapos ang tuluyang pagkagising ni Chase mula sa pagka-Coma nya ay muling bumalik sa dati ang lahat. Nakabalik na sya sa trabaho at maayos na rin ang physical at mental conditions nya. Hindi nya akalaing mahigit isang taon syang na Comatose. At malaki ang pasasalamat nya kay Victoria at sa pamilya nya dahil hindi sya nito sinukuan. Sobrang saya nya dahil binigyan sya ng Panginoon ng isa pang pagkakataon para mabuhay. Para makasama ang pamilya nya hanggang sa pagtanda..


"C, punta ba tayo ng Villa tomorrow?" Victoria asked him out of nowhere. Mukhang galing ito sa kusina. Alas dyes kwarenta ng umaga na kasi. Mukhang nagluto ito ng pananghalian. Sabado ngayon kaya wala din syang work sa office. He wants to have dinner with his wife later kaya nagpabooked sya kagabi sa isang Italian Restaurant sa Makati.


"Oo Syrup para maasar ko na naman si Leon. Nasa Villa daw kasi sila ni Levi magmula kahapon." Natatawang sagot nya dito bago nya ito kintalan ng halik sa noo at yakapin ng mahigpit. Ewan, magmula nong magising sya sa pagkakacoma ay mas lalo syang naging clingy dito. Kaya minsan nabubwiset na si Victoria sa kasweetan nya. Pero ganun siguro talaga, pag nasa bingit ka na ng kamatayan, parang gusto mo paggising mo ay hinding hindi mo sasayangin bawat oras kasama ang mga mahal mo sa buhay.


Tumugon naman sa kanya ng isa ring mahigpit na yakap ang asawa. Ngunit nagulat sya nong biglang umalog ang likuran nito kaya humiwalay sya sa yakap para makita ang mukha ni Victoria.


"Wait, are you crying?" Takang tanong nya rito. While sobbing ay agad namang pinunasan ni Victoria ang mga luha nya.


"Bigla ko lang kasi naalala yong mga panahong na comatosed ka." Saad sa kanya ni Victoria. Mamula mula pa ang mga mata at ilong nito. Napangiti naman sya bago yakapin ulit ang asawa.


"Kalimutan mo na yon Ok? Ilang times na ba kitang nakikitang umiiyak out of nowhere. I promise V, hinding hindi kita iiwan. Nandito lang ako." Narinig nyang mas lalo namang lumakas ang iyak ng asawa. Kaya hinagod hagod na lang nya ang likuran nito habang pinapatahan. Lately talaga ay hindi nya maintindihan ang moods nito.


" I just can't forget it. But I'm so happy na araw araw kitang nayayakap C. I love you." At pagkatapos ay mabilis sya nitong hinalikan sa labi kaya napapangiti na lang sya sa ginawa ni Victoria.


"Gusto mo lang pala ako halikan sa lips, nagdadrama ka pa. Syrup naman, 24/7 available yang lips ko para sayoooo." Pang-aasar nya dito kaya ayon, nagmukhang tigre na naman ang asawa nya kaya hindi nya mapigilang hindi matawa. Kaya mahal na mahal nya ito.


"Whatever Chase! Tara na nga mag early lunch na tayo habang mainit pa yong tinolang niluto ko." Saad nito bago bumaba ng hagdan. Natatawang napapailing na lang sya kay Victoria. Bat ba napakamoody ng mga babae?


Pagkababa ni Victoria sa kusina ay agad nyang inihanda sa mesa ang kakainin nilang pananghalian. Weekend ngayon kaya sya ang nagluluto kasi day off ng katulong nila. Umuuwi kasi ito sa kanila tuwing sabado at linggo. Ang anak naman nyang si Cheska ay busy sa modeling nya pag weekend. Ewan nya ba sa batang iyon, napakaworkaholic. Pero sabagay, dati ay ganyan din naman sya kaya hindi nya masisisi ang anak. Ang kambal naman nilang anak ay may Ballet class pag sabado. Hinatid ni Chase ang mga ito kanina sa studio kung saan sila nagba-ballet class. At mamayang hapon ay susunduin na lang nilang mag-asawa ang kambal.


"Syruuuup." Pang-aasar na tawag sa kanya ni Chase kaya sinamaan nya ito ng tingin..


"Ayan ka na naman sa kakasyrup mo. Gawin kitang syrup dyan eh." Asar na saad nya na syang ikinatawa naman ng mapang-asar nyang asawa.


"Ito naman si sweetcakes di na mabiro!" Sabay sundot sundot pa nito sa tagiliran nya kaya mas dumoble ang asar nya dito.


"Isa C! Makakatikim ka talaga sa akin." Pikon paring banta nya kay Chase. Pero tatawa tawa lang itong kumuha ng malamig na tubig sa ref.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now