Claimed 12

13K 315 47
                                    


Kinabukasan ay maaga syang nagising dahil sumasakit na naman ang ulo nya. Agad syang dumiretso sa banyo kasi naduduwal na naman sya.


"Shit!” Napahawak na lang sya sa kanyang tiyan habang nagsusuka pa rin. Ang bigat ng pakiramdam nya ngayon. Siguro ay kakausapin na lang nya muna ang manager nila na hindi na muna sya makakasali sa photoshoot nila ngayon. Gusto nyang umuwi na ng Pinas pero mukhang nilalagnat sya kaya ipagpapabukas na lang muna nya. She will stay here muna hanggang sa maging maayos na sya ulit.


“Ate Vicky? Ayos lang po ba kayo?” Narinig nya ang pagkatok ni Kricia sa pintuan ng banyo. Naghugas muna sya ng kamay bago tinignan ang mukha sa salamin. She looks pale at mukhang may namumuo ng eyebags sa ilalim ng kanyang mata.


“Oh My God ate.. Bat po ang putla nyo?” Nginitian nya na lang ito ng malungkot bago nagsalita.


“Hindi mabuti ang pakiramdam ko.”


“Magpacheck na lang po muna kayo.” Nag-aalala nitong sambit.


“Maybe later. Can you tell the manager na hindi muna ako makakasali ngayon dahil masama ang pakiramdam ko?” Nagdadalawang isip na tinanguan naman sya nito.


“Nagugutom po ba kayo? Gusto nyong ikuha ko kayo ng pagkain?”


“Huwag na.. I’m not hungry. Madududwal lang ako.”


“Ehh ano po kasi.. P-Paano po yong baby sa loob ng tyan nyo? Kailangan nyo pong kumain para sa kanya.” Napapikit na lang sya ng mariin. Ito na nga ba ang ikinakatakot nya. Darating talaga sa puntong magkakaganito sya.


“Fine.” Ngumiti naman ito bago nagpaalam sa kanya. Pagkaalis nito ay muli naman syang napahawak sa kanyang tiyan. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya ngayon. Paano nya to sasabihin kay Chase at sa parents nya? Hindi pa ba maaga para mabuntis na sya? Paano ang trabaho nya?


++++++++


“Pare saan ka pupunta? Malapit na yong flight na tin ohh.” Kinunutan naman nya ng noo si Samuel. Bakit ba namromorblema ito sa flight nila eh kung tutuusin sa Fortalejo Airlines sila sasakay.


“I have to see Victoria first. Titignan ko kung ayos lang sya.” Nakita naman nyang napailing ang kaibigan sa sinabi nya. Kahit naman masama ang loob nya sa nakita nya kahapon ay mas uunahin nya pa rin ang kapakanan ng girlfriend nya. She loves Victoria to the point na handa syang magbulag bulagan sa mga nakikita o naririnig nya. Ngunit ang tanging kalaban nya lang sa pagmamahal nya ay ang trabaho nito. Matagal na nya itong gusting pakasalan. He promised when they were young na pakakasalan nya si Victoria pag na sa tamang gulang na sila. Ngayon na okey na sana ang lahat ay ito naman ang hindi dahil mas inuuna nito ang trabaho kaysa relasyon nila. Busy rin naman sya sa kanyang trabaho lalo na sa dami ng business na hinahawakan nya pero ni minsan ay hindi nya nakakalimutang bigyan ng oras si Victoria.


“Pakasalan mo na kasi para wala ng kawala.” Natatawang sabi ni Samuel.


“I don’t want to be rejected pare. Alam mo naman yon, ayaw nya pa.” Lumapit naman ito sa kanya at tinapik tapik ang balikat nya.


“Patience is a virtue Chase.” Natawa naman sya don.


“I know.” Pagkatapos ay nag-paalam na sya rito.


Pagdating nya sa location ng Photoshoot nila Victoria ay nagtataka sya kung bakit wala doon ang girlfriend. He saw Nicholas Adam pero iba ang kapares nito. Yong ibang models ay abala din sa mga ginagawa nila. Mabuti na lang ay nakita nya si Kricia na may kinakausap at sa tantya nya ay manager ito ng team ngayon. Naglakad na lang sya papuntang exit para abangan ang personal assistant ni Victoria at makaraan ang ilang sandali ay lumabas din ito. Hindi sya nito napansin kaya sya na mismo ang humapit sa kanang kamay nito.


Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now