Claimed 10

13.5K 301 78
                                    


Note: May part na SPG so please be open minded. Bawal po sa mga pabebe. 😂😄



7:30am London, England


Kinabukasan ay maaga syang nagising. It's not her usual wake up hour actually. Nagising lang sya dahil pinaglalaruan ng kanyang pusa ang kanyang buhok. It was 7:30 am nong matapos syang maligo at magbihis.

"Morning Ma." Sabay halik nya sa pisngi nito.

"Ang aga mo atang nagising ngayon anak. Do you have any appointment?" Umiling naman sya bago nagsalin ng fresh milk sa kanyang hawak na tasa.

"I think I'm free today. Mamamasyal po ba tayo?" Ito naman ang umiling.

"May meeting kami buong araw. How about tomorrow? Isama narin natin si Chase. Darating yon ngayon hindi ba?" Hindi naman agad sya nakapagreact sa sinabi nito. Pag-gising nya kaninang umaga ay napuno ang inbox at messenger nya ng mensahe mula kay Chase. Ayaw nya munang kausapin ito kaya hindi nalang sya muna nagreply. Nangunot naman ang noo ng mama nya. Mukhang nababasa nito ang reaksyon ng kanyang mukha.

"Nag-away ba kayo?" Diretsahan nitong tanong.

"Hindi naman po sa-" Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang may nagdoor bell.

"Ako na po ang titingin mama." Pagkatapos ay nagtungo na sya sa labas para buksan ang gate ngunit..

"Syrup.." Nagdadalawang isip na ngiti nito sa kanya. Gusto nya itong yakapin ng mahigpit dahil namiss nya ito pero naaalala nya parin ang naging usapan nila kagabi.

"Come in." Seryoso nyang saad bago tuluyan nang tumalikod pero napahinto sya noong maramdamang may yumakap sa kanyang likod.

"I'm sorry." Ramdam nya ang sinsiridad sa boses nito kaya napapikit nalang sya ng mariin.

"What happened before will never gonna happen again. I love you and you know that." Hindi na nya napigilan ang sarili nya. Agad syang humarap dito at yumakap ng mahigpit.

"I'm sorry din for doubting you, C." Naiiyak na nyang sambit. Humiwalay naman ito sa yakap at hinawakan ang kanyang mukha. Kitang kita nya ang pagmamahal mula sa mga mata nito.

"I understand. I betrayed you once but it doesn't mean na uulitin ko ulit iyon sayo. Alam mo namang kahit ganun ang ugali ni Savannah ay hindi ko sya maaaring burahin sa buhay ko diba? I still owe her for saving my life before." She felt bitter at that moment. Naiisip na naman nya na kung sana ay nailigtas nya rin ito noon. Na kung sana ay sya nalang ang nandon sa panahong kailangan sya nito. At naiintindihan naman nya ang sitwasyon na kahit ayaw ni Chase kay Sab ay wala itong choice kundi pakisamahan parin ito. Masakit pero iyon ang katotohanan.

"If I could just turn back---" Pinutol naman ng mga halik nito ang kanyang sasabihin. She can't deny the fact na mahal na mahal nya talaga ito. She may not be ready for a big commitment for now but deep in her heart ay hindi nya makakaya kung mawawala si Chase sa buhay nya.

"Huwag na natin pag-usapan ang mga nangyari noon ok? What's important is, mahal kita at mahal mo ako." Nakokornihan man sya sa side nito ni Chase ay tumango nalang sya bilang pagsang-ayon. Ayaw nyang sirain ang moment nato.

"Baka gusto nyong pumasok dito sa loob. Nilalanggam na yang mga halaman ko dyan." Pareho naman silang napatingin kay Mrs. Imperial. Abot tenga ang ngiti nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Hi tita." Sabay kindat pa nito sa mama nya.

"Ay sus! Mula noon hanggang ngayon Chase ka parin talaga. Halika nga dito Hijo, kukurutin kita."

Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon