Claimed 16

12.8K 313 30
                                    

3 Months Later..


"C!!" Namimilipit sa sakit na tawag nya sa kanyang magaling na asawa.


"Tangina, C! Nasan ka ba?!" Di na nya mapigilang hindi makapagmura dahil sa sakit na nararamdaman nya. Nandito sya ngayon sa loob ng kwarto at kani kanina lang ay lumabas si Chase.


"CHASE ALEXANDER----"


"Andito na ako.. Fuck! Bat andaming tubig?" Nanlalaki ang mga mata nito habang natatarantang lumalapit kay Victoria. Pumutok na kasi ang tubigan nito. And any minute ay manganganak na ito. Gusto na nga nyang umire dahil sa sakit na nararamdaman nya!


"Bring me to the hospital.. Manganganak na ako." Mahina nyang saad na halos pabulong na lang.


"Jesus!" Medyo natataranta pa rin nitong sambit habang dahan dahan syang binubuhat.


"Stay calm, C." Bulong nya rito bago unti unting nawawalan sya ng malay..


"Fuck!" Mas lalo nyang binilisan ang paglalakad palabas ng bahay nong mapansing lumuluwag na ang kapit ni Victoria sa kanyang leeg. Napapansin nya ring unti unti ng pumipikit ang mga mata nito..


"Don't close your eyes!" Naiiyak na nyang sabi bago ipasok ito sa sasakyan at agad na pinaandar ito.


"L-Let me sleep for awhile. Nanghihina ako, C." Right after she uttered those words ay nawalan na ito ng malay. Halos paliparin naman ni Chase ang sasakyan habang ang kanang kamay nya ay nakahawak kay Victoria at ang isa ay nasa manebela.


"Goddammit!" Kinakabahan nyang sambit. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya sa puntong ito. Natatakot sya sa kalagayan ng kanyang asawa.


"Please Baby stay still. I'm here." Pagkatapos ay tsaka nya hinalikan ang kamay nito. Ilang sandali pa ay nakarating din sila sa St. Lukes Hospital at agad na dinala sa emergency room si Victoria.

Pagkapasok ay agad itong kinabitan ng oxygen at sinuri ng doktor ang pulse rate at blood pressure nito..


"Doc please do everything. I can't loose my wife." Pagmamakaawa nya sa doktor. Ngumiti naman ito sa kanya bago tinapik ang kanyang balikat.


"Don't worry nasa mabuti naman syang kalagayan. Hihintayin na lang natin ang kanyang paggising para masimulan ang delivery. Titignan pa natin kung kaya ba nya ang normal delivery or kakailanganin nya ang caesarian operation." Nakahinga naman sya ng maluwag sa sinabi nito.



"Thanks Doc." Pagkatapos ay nilapitan nya ito at hinalikan sa noo.


"I'm here Baby.." Bulong nya rito bago inayos ang buhok at pagkakahiga nito. Pagkatapos ay kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang mommy nya at ang mama ng kanyang asawa. Sinabi nyang ilang sandali ngayon ay manganganak na ito.


Nandito na nga pala sila sa Pilipinas. 5 days after their wedding sa London ay bumalik sila dito kasi mas gusto raw ng asawa nya na dito ipanganak ang magiging baby nila. Sumama na rin ang mama ni Victoria at tsaka na ito babalik ng London pag nakapanganak na raw ang anak nya. May sariling bahay nga pala sila dito sa Manila. Isa sa mga properties ng Fortalejo. Sing laki din ng kanilang mansyon sa Villa ang bahay na tinitirhan nila ni Victoria ngayon. So far ay maayos naman ang pagsasama nila pagkatapos ng kasal at mas nagiging maalaga na si Chase sa kanyang asawa dahil gusto nyang maayos ang pagbubuntis nito.


"C-C.." Agad naman nyang naibaba ang tawag nong marinig ang boses ng kanyang asawa.


"W-Water.." Saad nito kaya mabilis pa sa alas kwatrong kumuha sya ng disposable na baso na nasa itaas ng water despenser at nilagyan iyon ng tubig.


"Dahan dahan lang." Aniya nong medyo inaangat ni Victoria ang kanyang katawan.


"C.. Masakit.." At kasunod non ang pagbubos ng mga luha nito. Kaya sa kaba ay agad nyang tinawag ang nurse na nagbabantay kanina kay Victoria at ipapasabi sa doktor na manganganak na ang asawa nya.


"Sshh. I'm here baby. Wag ka ng umiyak please." Pagkatapos ay hinalikan nya ang noo nito bago punasan ang mga luha nitong panay sa pag-agos.


"Mrs. Fortalejo?" Pareho silang napatingin sa doktor na kapapasok lang.


"We will bring you to the delivery room."  Naramdaman nya ang paghigpit ng hawak ni Victoria sa kanyang kamay bago ito tumango.



--------------------



1 hour later...


"Congratulations Mr and Mrs. It's a baby girl." Kasabay non ang pag-iyak ng sanggol na nasa kamay nito. Di makapaniwalang lumapit si Chase sa doktor at hinawakan ang munting anghel na tumatangis sa harapan nya.


"Shhh Princess. Papa is here." Naiiyak na lumapit sya kay Victoria na ngayon ay nanghihina pa pero bakas sa mga mata nito ang saya. Normal delivery lang kaya masaya si Victoria dahil hindi sya magkakapeklat sa tyan. Subalit halos mamatay naman sya sa sakit ng nararamdaman nya kanina habang umiire.


"Kamukha mo." Mahina nitong sambit bago ngumiti. Dahan dahan nyang inilapag ang sanggol sa tabi nito bago hagkan ang noo ni Victoria at punasan ang pawis nito.


"We love you baby." Ramdam ni Chase ang pagmamahal ng kanyang asawa sa kanilang munting anghel. Ang ipinagdadasal nya lang ay sana mapalaki nila ito ng mabuti at maging huwarang magulang sila para rito.


"Let's call her Cheska Andreia." Napangiti naman sya sa pangalang binanggit ng kanyang asawa. Hindi na sya tututol doon kasi ito ang mas may karapatang pangalanan ang anak nila dahil ito ang nagluwal nito.


"Cheska Andreia Imperial Fortalejo.." saad nya bago hagkan ang kanyang mag-ina.


------------------


"Tapos na ang visiting hours. Umuwi na nga kayo!" Natatawa syang pinagmamasdan si Chase habang pinipilit nitong kunin si Cheska sa kamay ni Samuel..


"Pare naman ang damot damot mo!" Panloloko naman nito.


"Syrup oh! Nabwibwiset na ako sa kanila. Iniipit nila ang Baby Cheska natin." Halos humagalpak ng tawa ang mga kaibigan nito at maging sya ay ganun rin.


"Tara na Psych. Baka magtransform patong lokong to." Pagkatapos ay tumayo si Samuel na karga karga pa rin ang bata at lumapit sa kanya.


"Heto na ang Baby nyo. Ang damot naman kasi nyang bakulaw na yan." Natawa na lang sya sa sinabi nito bago inabot ang bata.


"Eh mas bakulaw ka. Naiipit na ang Baby namin sa laki ng kamay mo." Simangot na saad ng asawa nya kaya sinita nya ito sa tingin.


"Advice ko lang Vicky, huwag mong ipapabantay palagi yan kay Chase baka mahawaan ng kapangitan." Pang-aalaska naman ni Psych.


"Lumayas na nga kayo. Mga bwiset nato!" Tumatawang lumabas naman ang dalawa pero bago yon ay may pahabol pa si Samuel..


"Gawin mo nga yang tigang vicky. 1 month no sex, masaya yon." Sabay kindat nito kay Chase bago tuluyan ng umalis. Kaya ang mukha ng asawa nya di na maipinta kaya tawang tawa na lang sya.


"Humarap ka nga sa salamin C. Para kang ewan." Ngumisi naman ito bago lumapit sa kanya at pinaulanan sya ng halik sa pisngi.


"Yuck C anuba!" Kunyari ay pinandidirian nya ito.


"Sus kunyari pa to. Gusto mo lang ata sa lips eh." Natatawang pinaghahampas naman nya ito.


"Ang ingay mo natutulog si Cheska." Sita nya. Ngumiti naman ito bago pinagmasdan ang kanilang munting anghel...


"She's like an angel. God knows how happy I am. Thank you V, I will always love you." Then he erased the gap between them..





~Hello guys. Baka matatagalan pa ang susunod na update dahil internship na namin next week. And sa mga nagtatanong kung kailan ako mag-uupdate ng The Sadistic Billionaire, tsaka na po pag natapos ko na itong kay Chase. And for more infos or questions just visit my page sa fb. Just search WatashiwaRu Wattpad Author. Thanks guys! L❤ve L❤ts~

-RuRu

Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon