Claimed 13

13.2K 338 40
                                    


3 weeks later..


"Anak, bumaba kana dyan." Nangunot lang ang kanyang noo bago inabot ang isang unan at pinangigilan iyon.


"Victoria, anak." This time ay ang kanyang ama na ang tumawag sa kanya at sa tono ng boses nito ay alam mong hindi kana makakareklamo.


"Sige po pa. Magbabanyo lang po ako." Pagkatapos ay tumayo na sya at pumasok sa banyo. Napatingin naman sya sa harap ng kanyang malaking salamin at nong mapako ang kanyang mga mata sa kanyang tiyan ay napangiti na lang sya. Tatlong linggo na ang nakakaraan magmula nong magkasagutan sila ni Chase at nong araw ding mismong iyon ay umuwi sya ng Maynila kahit masama ang pakiramdam nya. Ilang beses syang tinawagan ni Chase pero hindi nya iyon sinagot. Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa kanya. Kinabukasan din non ay pumunta si Chase sa kanyang penthouse para makipag-usap pero hindi nya ito pinagbuksan. She told him through messenger na she needs space dahil gusto nyang mag-isip isip. Nasasaktan pa kasi sya sa mga sinabi nito sa kanya. Nagpapasalamat naman sya dahil naiintindihan iyon ni Chase. Kung ang tungkol sa pagbubuntis nya ang itatanong nyo, pwes maayos naman pero wala syang balak munang sabihin kay Chase.


2 days after ay napagdesisyunan nyang bumalik sa London. Kaya ipinacancel nya lahat ng photoshoots nya. Wala na syang panahon sa mga bagay na yon. Kailangan nya munang mag-isip and London will help her. Dahil nandon ang kanyang mga magulang. Ilang araw nong makarating sya doon ay ipinagtapat nya sa kanyang mga magulang ang pagdadalang tao nya. Nong una ay natuwa ang mga ito subalit nong sinabi nyang nakipaghiwalay sya kay Chase ay nagulat ang mga ito. Sinabi nyang baka pagod na siguro sila sa isa't isa at wag na lang ipilit dahil nahihirapan na rin sya sa sitwasyon subalit ang kanyang ama ay hindi kombinsido. Nagalit ito dahil ayaw nyang nakikitang nasasaktan ang kanyang anak. Lalo na kay Chase.


Sa tatlong linggo nya dito sa London ay naging maayos naman ang lahat. Napapadalas at napapalakas na rin ang kanyang pagkain. Tumataba na nga sya! Nagiging mainitin din ang kanyang ulo at mapili sa pagkain. At ang isang bagay na kinakahiligan nya ngayon ay ang pagkalmot kalmot at pagkagat kagat ng unan. Naweweirdohan sya subalit gumagaan ang kanyang pakiramdam pag ginagawa nya ang mga bagay na yon.


Araw araw namang tumatawag at nagbibigay ng mensahe sa kanya si Chase pero hindi nya sinasagot o nirereplayan ang mga ito. Inaamin nyang miss na miss na nya ito at gusto na nyang makipagbati pero sa tuwing naiisip nya ang mga sinabi nito sa kanya ay nasasaktan lang sya.


Paglabas nya ng banyo ay naghanap sya ng panali sa buhok at itinali ang mga ito. Hindi pa maumbok ang kanyang tiyan pero natutuwa sya sa tuwing hinahaplos ito. Hindi sya makapaniwalang masaya pala sa pakiramdam kapag may dinadala kang munting anghel at balang araw ay masisilayan mo na rin ito. Wala pa syang pinagsabihan sa pagbubuntis nya maliban sa parents nya kaya ayos naman siguro iyon para iwas kritisismo. Mamaya na nya ipapasapubliko kung maayos na ang lahat.



"Vic hali kana dito." Rinig nyang sigaw ng kanyang mama mula sa baba. Kaya inayos na nya ang kanyang sarili bago lumabas. Ang sabi kasi ng papa nya ay mayron itong ipapakilala sa kanya. Ayaw man nya ay wala na syang magagawa pa.


"Ma, sino ba kasi yong ipapa----Holy shit!" Agad naman syang napakagat sa pang ibabang labi nya dahil sinamaan sya ng tingin ng kanyang ama.


"Ikaw?! Yong lalaking walang modo at hindi man lang nagpasalamat sa pagligtas ko sa aso mo!" Tinaasan nya ito ng kilay subalit ngumiti lang ito bago itinaas sa ere ang kanang kamay at nagsalita.


"My pleasure to meet you, V." Nangunot naman ang noo nya sa itinawag nito sa kanya. Only Chase can call her that!


"Don't call me V. Hindi tayo close." Nginisihan lang sya nito ng nakakaloka.


Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now