Claimed 11

12.5K 304 69
                                    


“Can we take a break first?” Biglang sabi nya doon sa kanilang producer. Kanina pa kasi sya napapagod at mukhang bumabaliktad na naman ang sikmura nya.



“Fine. 60 minutes break everyone.” Sabay palakpak pa nito bilang senyales. Nakahinga naman sya ng maluwag bago bumalik sa silid nya kasama ang kanyang personal assistant. Pagkapasok nya ay agad syang dumiretso sa kama at humiga. Napahilot hilot naman sya sa kanyang ulo. Kanina pa sumasakit iyon simula ng photoshoot nila.



“Ayos ka lang po ba ate?” Nag-aalalang tanong sa kanya ni Kricia.



“Yah. Medyo bumabaliktad na naman ang sikmura ko. Noong nakaraang linggo pa akong ganito.” Sabay ngiti nya ng pilit. Mahigit isang buwan na pala ang nakakalipas magmula nong bumisita sya sa London, sila ni Chase. At ngayon ay balik trabaho na naman sya. Nandito sila ngayon sa Macau para sa kanilang photoshoot. Napag-usapan na nila ito ni Chase noon kaya wala ng problema kahit alam nyang medyo napipilitan lang ang nobyo nya. Busy rin kasi yon ngayon sa pagmamanage ng mga kompanya nila at oo nga pala, sa susunod na buwan na ang opening ng kanilang Liquors company. Natutuwa sya para kay Chase pati na rin sa mga kaibigan nito.



“Gusto nyo po bang bilhan ko kayo ng gamot sa baba?”



“Uhm. Paracetamol lang ayos na.” Tumango naman ito sa kanya bago nagpaalam at lumabas. Ilang sandali namang pagkaalis ni Kricia ay hindi na nya nakayanan ang kanyang nararamdaman. Agad syang tumakbo sa may lababo at doon nagsuka.



“Shit..” Nandidiri nyang sambit habang inaabot ang face towel. Muli na naman syang namilipit sa sakit nang hindi na naman nya makayanang hindi masuka.


“Oh My God! A-Ano pong nangyayari?” Natatarantang lapit sa kanya ni Kricia at agad itong kumuha ng tubig para ipa inom sa kanya.



“Puking is what I really hate the most.” Mahina nyang sabi pagkatapos inumin ang tubig.


“But It feels better now.” Sabay hinga nya ng malalim. Medyo maayos na ang pakiramdam nya ngayon kaysa kanina. Siguro ay nadadala lang sya sa mga kinakain nya at stress kaya nagsusuka sya ng ganito nitong nakaraang araw. Gusto sana nyang tawagan si Chase pero ayaw nyang makaabala dito. Nasa Pinas ito at sya ay nandito sa Macau. Baka pag nalaman nitong nagkakaganito sya ay baka lumipad agad ito patungong Macau which is ayaw nya kasi alam nyang busy ito.



“Ipaghahanda ko na lang po kayo ng sopas.” Mukhang natakam naman sya sa sinab nito.



“Sa kama lang ako.” Pagkatapos ay iniwan na nya ito doon. Hihintayin na lang nya ang hihahanda nitong sopas para sa kanya bago bumalik sa set.



Makaraan ang dalawampung minuto ay natapos din ng kanyang assistant ang paghahanda ng sopas at masayang ginising naman sya nito.



“Ate Vicky, kain na po kayo.” Tinanguan naman nya ito bago marahang umupo at sumandal sa headboard ng kama. Inabot naman nito sa kanya ang tray na pinaglagyan ng bowl na may sopas. Susubo na sana sya nang may bigla syang naamoy mula doon.



“I don’t like the smell.” Nakangiwi nyang saad na pinagtakahan naman ni Kricia.



“Huh? Di ba po paborito nyo ang garlic?” Napakunot naman ang noo nya doon.



“The smell makes me wanna puke again.” Pagkatapos ay inabot na nalang nya ang bowl dito.


“Bread and butter will do.” Nagtatakang tinanguan na lang sya nito bago umalis. Hindi na rin nya naiintindihan ang kanyang sarili nitong mga nakaraang araw. She doesn’t like butter pero ngayon ay mukhang nagugustuhan na nya ito. Kahapon naman ay bigla na lang syang nagcraved ng chocolates which is unsual para sa kanya.



Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now