Claimed 3

19K 400 62
                                    


July 27, 2013 Singapore


Halimuyak ng mga rosas ang gumising kay Victoria mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Mapangiti sya nong tumambad sa kanyang harapan ang nakangiting si Chase..



“Good morning sleepy head.” Nakangising bati nito sa kanya sabay abot ng isang bouquet ng asul na rosas.



“Saan mo to nakuha? Matagal na akong naghahanap ng ganito ah.” Tsaka nito inamoy ang mga rosas. Umupo naman ito sa kama katabi nya kasabay non ang pagyakap nito sa kanya ng mahigpit.



“Ipina-order ko. Do you like it?” Napasinghap naman sya nong halikan nito ang kanyang leeg.



“Of course! Ngayon lang kaya ako nakakita ng asul na rosas..” Muli na naman syang napasinghap noong kanang tenga na naman nya ang pinagkaka abalahan nitong laruin.



“Stop it C! Not now. May photoshoot pa ako mamaya.” Napansin nya namang sumimangot ito kaya natatawang hinila nya ang nguso nito.



“Maghunusdili ka Chase Alexander. Nakakalimang round ka sa akin kagabi. Walanghiya ka!” Kumurba naman ang mga labi nito at mabilis syang kinintalan ng halik sa labi.



“Ang wild mo kagabi, Syrup.” Namula naman sya sa sinabi nito kaya mahinang hinampas nya ito sa kamay.



“Eh kung ano ano kasi pinaggagagawa mo sa akin. Monggoloid!” Natawa naman ito sa huli nyang sinabi.



“Alright, maligo kana doon princess. Kanina ka pa nila hinihintay sa labas. Kanina pa nababagot ang mukhang kalabaw na Angelo na yon.” Ngayon ay sya naman ang natawa sa sinabi nito. Ni minsan talaga ay hindi nito nagustuhan si Angelo. Nayayabangan raw kasi sya dito, eh hindi naman daw kagwapuhan. Loko talaga!



“Anong oras na ba?”



“9 am na. 10:30 yong photoshoot nyo. Maligo kana doon or else gusto mong ako magpapaligo sayo.” Tinaasan naman nya ito ng kilay bago muling hinampas.



“Manyak ka talaga!” Nginisihan lang sya nito. Tumayo naman sya at mabilis na naglakad papunta sa comfort room.



“Nice booty babe.” She just raised her right hand at nag fuck finger sign sya sa ere.



“Silly.” rinig pa nyang sambit ni Chase bago nya isarado ang pinto ng cr.



Matapos ang kalahating oras na pagligo at pagbibihis ay natapos din sya sa wakas. Nauna na sa kanya si Chase kasi may pupuntahan pa raw ito. Mamaya nalang daw sila magkita after ng photoshoots. Marahil ay bukas makakauwi narin sila ng Pilipinas. Ngayon kasi ang huling araw ng team nila dito sa Singapore kaya natutuwa sya dahil pagkatapos nito ay maaari na syang pumunta kahit saan. Sa susunod na buwan pa naman kasi ang modelling at fashion show schedule nya. Although sa susunod na lingo ay may interview sya sa ABS-CBN.



“Finally!” Bulalas ni Angelo pagkarating nya sa cafè ng hotel. Inikutan nalang nya ito ng mata bago lumapit sa table nila Brooklyn.



“Morning Brooks, Steff.” Tumango lang ang mga ito bago sya abutan ng menu.



“Nandito pala si Chase? Bat di mo sinabi sa amin?” Nakakunot ang noong tanong ni Brooklyn bago nagsip ng coffee.



“Nagulat nga rin ako na nandito pala sya. Kanina pang madaling araw.” Ngumisi naman si Stefanie bago sya nito pinaulanan ng tingin mula ulo hanggang paa.



Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon