Claimed 14

14.6K 329 53
                                    


4 Months later..



"My God! Bilisan mo nga C." Naiinis nyang sigaw dito mula sa baba. Alas onse na kasi ng umaga at hindi pa sila nakakaalis ng bahay. Supposedly, dapat kaninang alas nuebe ay nandon na sila pero ang magaling nyang fiancé natulog lang magdamag. Napagod daw kasi ito kahapon dahil saglit itong bumalik ng pinas dahil medyo may abirya sa isa sa mga kompanya nito.


"C! Isa kakalmutin ko tong tyan ko." Panloloko nya. Natatawa pa nga sya sa dulo nong sabihin nya yon. Natataranta kasi yang si Chase sa tuwing sisimulan na nyang kalmutin ang maumbok nyang tyan. Makati kasi ito minsan dahil sensitive ang pagbubuntis nya. Ewan nya ba dyan!


"Ito na nga ohh. Syrup naman." Napatawa sya nong makitang buhaghag pa ang buhok nito at wala pang suot na sapatos. Nilapitan nya ang nakabusangot nitong mukha at inayos ang buhok nito.


"I was just kidding. Ayaw ko ng kalmutin to ano. Baka magkarashes na naman." Nakita nyang ngumiti ito bago sya paulanan ng halik sa noo.


"Ang baho talaga nyang pabango mo." Nakakunot ang noo nyang sabi bago takpan ang kanyang ilong.


"Lahat na lang ata mabaho sa pang-amoy mo eh. Pasalamat ka mahal kita." Sabay kindat pa nito kaya hinampas nya ito sa balikat.


"Fix yourself na nga. Pagagalitan na tayo ng mama mo. Kanina pa yon tawag ng tawag."


"Oo na po. Hindi ka ba nagugutom?" Sabay ayos nito ng kanyang damit at suot ng sapatos.


"Nope. Tatlong plato naubos ko kanina eh. But buy me chicken barbeque later ok? Samahan mo na rin ng extra large burger at fries." Napapailing na napatango na lang ito sa kanya.



Oo nga pala, ngayon ay ang huling practice nila para sa nalalapit nilang kasal. 3 days from now ay ikakasal na sila. And yes, dito sila sa London ikakasal kasi hindi na pumayag ang parents ni Victoria na magtravel pa ito patungong pinas lalo na't maselan ang pagdadalang tao nito.


Nong mismong araw ding iyon, noong naging okey na silang dalawa ay ang araw din na nalaman ni Chase na nagdadalang tao si Victoria. It was really a priceless moment para sa kanilang dalawa..



F L A S H B A C K


Pagkatapos nilang mamasyal ay napagdesisyunan nilang umuwi na lang muna dahil medyo naduduwal na naman si Victoria. Tinawagan na lang nila si Freed na pauwi na sila at doon na lang dumiretso sa bahay.


Habang na sa byahe ay tahimik lang si Victoria. Nag-iisip kung alam na ba ng kanyang nobyo na buntis sya o hindi pa. Pero mukhang hindi pa dahil wala naman itong nababanggit sa kanya kanina..


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Napangiti na lang sya bago umiling.


"Iniisip ko lang kung saan tayo magpapakasal." Nakita nyang lumiwanag ang mukha nito at lumapad ang ngiti.


"Kahit saan ayos lang basta ikaw ang kasama ko." Nararamdaman nyang medyo umiinit ang kanyang mga pisngi. Kinikilig na naman sya, Lechugas!


"Gusto ko beach wedding.." Aniya.


"Sige syrup, magtwo-two piece ka lang na may animal print then iseseduce mo ako." Di makapaniwalang binato naman nya ito ng maliit na unan.


"Loko! Pero totoo nga, I prefer beach wedding para iwas hassle but gusto ko rin ng Garden wedding." Natatawang pinagmamasdan naman sya ni Chase.


Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now