Claimed 8

12.2K 269 52
                                    


Kinabukasan ay maagang pumasok ng opisina si Chase dahil may mga bigating kliyente na dumating at gusto ng mga ito na makausap mismo ang CEO ng kompanya. Tinawagan naman nya ang kanyang secretary na alas nuebe ay pupwedi na syang kausapin ng mga ito.



Pagdating nya sa kompanya ay masayang binate agad sya ng kanyang mga empleyado. At kailan pa nga ba mawawala ang mga nagniningning na mga mata at matatamis na mga ngiti ng mga dalaga nyang empleyado sa kanya? Para sa isang Chase Alexander Fortalejo ay parte na yan ng kanyang araw araw na pakikisalamuha sa mga ito. Hindi nya naman masisisi ang mga ito dahil sadyang napakagandang lalaki naman nya talaga.


"Good morning po Sir." Nakangiting bati sa kanya ng kanyang sekretarya pagkalabas nya ng elevator. Mukhang papababa naman ito.


"Good morning. Kumusta?" Ganting ngiti nya rin dito. Ganito talaga sya sa mga empleyado nya. Itinatrato nya ang mga ito na parang mga kaibigan at pamilya kaya halos lahat ng sila ay mabuti ang pakikitungo sa kanya.


"Ayos lang po Sir. Gusto nyo pong coffee?" Tinanguan naman nya ito bago buksan ang pinto ng kanyang office.


"Creamy Latte." Dagdag pa nya bago tuluyang pumasok sa loob. Tinanggal naman nya ang kanyang coat at prenteng umupo muna sa sofa ng kanyang mini living room sa loob ng kanyang office. Inabot naman nya ang remote control at binuksan ang telebisyon. Parte na ito ng kanyang daily routine dito sa opisina. Ang panonood ng balita o di kaya ay basketball.


"One of the newest young celebrity---" Hindi na nya pinatapos iyon. Inilipat nya ito sa kabilang istasyon.


"Presidente Duterte, magdidiklara nga ba ng Martial Law sa Basilan?" Kagaya kanina ay inilipat nya ulit ito sa kabilang istasyon. Hindi naman kasi sya mahilig sa mga usaping ganyan. Kung tungkol sa mga sakuna ay pupwedi pa.


Napakunot naman ang kanyang noo nong malipat nya ito sa isang istasyon na kung saan ay maraming mga batang namatay dahil sa pambobomba.


"Just a few hours ago, maximum of 300 innocent children died because of massive bombing in Syria. And around 100 are injured. Their medical facilities couldn't accommodate all the injured children anymore." Napapailing nalang sya sa nakikita nya. Naaawa sya sa mga batang walang kamuwang muwang ngunit nadadamay sa ganitong sitwasyon. Pinatay nalang nya ang telebisyon bago tumayo at pumunta sa kanyang table. Nagtaka naman sya nong makitang may isang maliit na paper bag ang nakapatong doon. Kulay pink ito at singlaki ng normal size na notebook. Binasa naman nya ang maliit na card na nakauklip doon.



Good Morning Alexander, Have a great day! SA



Kay Savannah pala galing. Binuksan nya ito at napangiti nalang sa laman ng paper bag.



"Childish." Natatawa nyang sambit bago muli itong ipasok sa loob at inilapag sa mesa. Isang keychain na ipis. May phobia sya sa ipis kaya ganyan nalang ang panloloko nito sa kanya noon. Minsan pa nga ay niregaluhan sya nito ng unan na may desinyo na ipis kaya halos mag hysterical sya nong oras na buksan nya iyon at ang loka, i-vinideo pala sya nito at ipinakita sa mga kaklase nila noon.


"Sir?" Tinig ng kanyang sekretarya mula sa labas. May hidden speaker kasi dito sa loob na nakakonekta sa digital mic sa labas ng pintuan ng kanyang opisina kaya pwedi kang magsalita sa labas at maririnig dito sa loob and vice versa.


"Come in." Agad namang nagbukas ang pinto at pumasok ang kanyang sekretarya na may dalang kape.


"Dinagdagan ko narin po ng cupcake. Baka po kasi gusto nyong kumain." Tinanguan naman nya ito bago itinuro ang paper bag. Mukhang nagets naman nito ang ibig nyang sabihin.


Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now