Claimed 4

13.7K 335 76
                                    


"Miss Victoria pa fansign naman po."

"Pa-picture po ate!"

"Kyaaa. Ang ganda nya, super!"

"Bitch. Ang arte."

"Napakasnob kala mo naman sinong hollywood model."

"Mygod! I love you po Miss Vicky."


Napapailing na pumasok nalang sya sa kotse nya. Sanay na sanay na sya sa ganoong scenario. Minsan pa nga ay dinudumog sya at ang pinakaworst naman ay nong may nagtapon sa kanya ng niroll na papel nang minsang may public fan signing sya na sumapol talaga sa mukha nya. Minsan ay napupuno na sya sa mga bashers at fans nya but she has no choice ito ang klase ng trabahong pinasukan nya kaya magtiis sya.


"I'm on my way." Diretsahan nyang sabi kay Chase sa kabilang linya bago nya pinutol ang tawag. Nabebeastmode sya kaya ayaw nyang kausapin ng matagal ang nobyo sa telepono. Baka kasi ito ang mapagtapunan nya ng inis.


Papunta sya ngayong Villa Fortalejo kasi doon sya maglalunch kasama ang pamilya ni Chase. May konting salo salo raw kasi bago ang Flight ni Rafael papuntang Spain bukas. Hindi rin naman nya alam kung ano ang gagawin ni Rafael doon basta ang sinabi sa kanya ni Chase mambababae raw muna yon. Pero alam nyo naman yong magaling nyang boyfriend, di kapani paniwala ang mga pinagsasabi.


"Fuck!" Napahampas nalang sya sa manebela bago iritableng lumabas ng sasakyan para tignan kung may nangyari ba sa asong muntikan na nyang masagasaan.


"Bat ka naman ba kasi tumawid ng walang pakundangan? Tignan mo muntik ka ng matigok eh ang cute mo pa naman!" Sita nya sa puppy na akala mo naman ay naiintindihan sya nito. Nagdadalawang isip na kinuha nya ito at kinarga. Isang puting puppy na may makakapal na balahibo. Sa tingin nya ay may nagmamay ari nito dahil napakalinis at mukhang alagang alaga ito.


"Ghost!" Napakunot naman ang noong napalingon sya sa kanyang likuran. May humawak kasi sa kanyang balikat at tinawag syang Ghost.


"Anong Ghost yang pinag-----"


"Come on ghost, hinahanap kana nila." Pagkatapos ay hinablot nito sa kanyang kamay ang aso. Mas lalong nangunot ang noo nya sa ginawa nito.


"Hoy! Ang bastos mo naman ata." Nakita nyang nangunot din ang noo nito bago sya tinitigan sa mukha.


"This is my puppy. I have my rights to get it back." Napabuga nalang sya ng hangin sa sinabi nito.


"Ni Ho, Ni Ha sa akin hindi mo nga ginawa tapos basta basta mo nalang kukunin yan sa akin. Pasalamat ka nga hindi yan nabangga!" Iretable nyang singhal dito. Naiinis kasi sya sa tono ng pananalita nito. Napakahambog, kala mo naman kung sino.


"Ikaw ang magpasalamat dahil hindi kita kakasuhan sa muntikan mong pagbangga sa aso ko. Get a life miss." Pagkatapos ay tinalikuran na sya nito. Sa sobrang inis nya ay tinanggal nya ang kanang doll shoes nya at malakas na ibinato doon sa lalaki kaya sapol sa likuran nito.


"What the fuck?!" Di makapaniwala nitong sambit. Nginisihan naman nya ito ng matamis bago nag fuck you sign sa ere.


"Get a life too Gorilla." Pagkatapos ay mabilis na syang pumasok sa kanyang sasakyan at pinaandar ito. Huminga naman sya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Nabeastmode na nga sya kanina sa mga fans at bashers nya, dumagdag pa ang walang modong lalaking iyon. Bat ba ayaw ng araw nato sa akin?!


Makalipas ang Dalawang oras na byahe papuntang Villa Fortalejo ay huminto muna sya sa isang Gasoline station para wala na syang poproblemahin mamaya sa kanyang pag-uwi. Kung makakauwi nga sya.


"Isang libo ho." Sabi nya doon sa lalaking nakatoka. Tinanguan naman sya nito.

Nang matapos, ay binayaran nya ng isang libo yong lalaki at nagpaalam ng maayos bago muling pumasok sa sasakyan.


"Ingat ho sa byahe Ma'am Victoria." Nagulat naman sya doon dahil alam pala nito ang kanyang pangalan. Marahil ay nakita na sya nito sa TV kaya tinanguan nalang nya ito.


Makaraan ng ilang minuto ay lumiko sya sa kanang kalye dahil doon banda ang Villa. Excited na sya dahil medyo namimiss na nya ang kanyang nobyo. Ilang araw na kasi silang di nagkikita. Dalawang linggo na kasi magmula nong umalis sila sa Singapore at pagdating nila sa Pilipinas ay naging busy ulit silang pareho.


Papasok na sana sya nang Villa nang may biglang nahagilap ang kanyang mga mata sa bandang kaliwa na di gaanong kalayuan sa Villa. Alam nyang si Chase iyon na may kasamang babae na hindi naman nya kilala. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa subalit nagtataka sya kung bakit napakalapit nila sa isa't isa. Yong tipong may romantikong pinag-uusapan. Naiinis na pinanood muna nya ang dalawa. Naghihintay kung kailan matatapos ang mga ito.


Napataas naman ang kilay nya nong sabay na nagtawanan ang dalawa pagkatapos ng may ibinulong si Chase sa tenga ng babae.


"Ang saya nyo pa ha." Asar na bulong nya sa kanyang sarili.

Bababa na sana sya para puntahan ang dalawa subalit napahinto sya sa susunod nyang nakita. Hindi makapaniwalang napatitig sya sa ginagawa ng kanyang nobyo at ng babae. Hindi alintana ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata ay marahas syang bumaba mula sa sasakyan at mabilis nyang pinuntahan ang dalawa.


"Fuck you Fortalejo!" Nanggagalaiti nyang sambit kaya parehong nagulat ang dalawa at mabilis na humiwalay sa isa't isa.


"I hate you!" Hindi na nya napigilan ang kanyang sarili. Lumapit sya kay Chase at buong lakas na sinampal ito. Hindi ito ang unang beses na nag-away sila pero ito ang unang beses na nasaksihan nyang nakipaghalikan ito sa ibang babae.


"It's not what you think, V." Aakmang hahawakan sya nito subalit hinampas lang nya ang kamay nito.


"I don't need further explanation Chase. Sapat na ang nakita mismo ng aking mga mata." Pagkatapos ay marahas nyang pinunasan ang kanyang mga luha. Inis na ipinako naman nya ang kanyang atensyon doon sa babae na ngayon ay nakayuko sa harapan nya.


"Let me see your face, Honey." Sarcastic ngunit matigas na turan nya doon sa babae. Halatang kinakabahan na napaangat naman ito ng mukha.

"Look, V.. Wala naman----"


"Another word from you, Isusumbong na talaga kita kay papa. You know him Chase. Hindi lang suntok ang kaya nyang gawin sayo kung malalaman nya ito!" Banta nya rito bago muling binalikan ng tingin ang babae.


"Now tell me, bat kayo naghalikan nitong Boyfriend ko?" Tanong nya sa babae. Nagdadalawang isip na sumulyap muna ito kay Chase bago muling tumingin sa kanya.


"I like your---" Hindi na nya pinatapos ang sasabihin nito sapagkat ay mas lumapit sya rito at hinawakan nya ang ilalim ng baba nito gamit ang kanyang kanang kamay at inangat ito.


"Ayaw ko ng makita muli itong pagmumukha mo. Dahil baka sa susunod ay burado na pati ang hindi pantay mong mga kilay." Pagkatapos ay itinulak nya ito. Muli nya namang nilapitan si Chase at binulungan ito.


"Ayaw ko narin makita yang pagmumukha mo. Relationship Over, Fortalejo."



~Short UD lang. Bawi ako next chapter. Exam na kasi namin bukas. Salamat guys. LoveLots~

-RuRu


PS: Comments will be highly appreciated. 😃

Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now