Claimed 5

15.3K 408 74
                                    

"Miss Victoria, Kayo na raw ho ang susunod." Tumango at napipilitang ngumiti nalang sya doon sa sinabi ng kanyang personal assistant. Kalahating oras na syang naghihintay dito sa loob ng make up room. Hinihintay nya lang matapos ang interview ni Liza Soberano dahil sya na ang susunod.



"Are you going to wear this po ba?" Muling tanong ni Kricia sa kanya, ang kanyang personal assistant. Mapait na tinitigan nya yong kwentas na matagal ng iniregalo sa kanya ni Chase dati. Palagi nyang suot ito pag may mga interviews at fan signing sya noon pero mukhang ayaw nya muna ngayon.



"Miss Victoria?" Rinig nilang tawag mula sa labas ng silid.



"Coming." Pagkatapos ay tumayo na sya mula sa kinauupuan nya.



"Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Kricia. Muli syang ngumiti ng pilit bago tumango.



"Pagod lang ako Kris. Wala masyadong tulog. Sige na, hintayin mo nalang ako dito." Pagkatapos ay niyakap nya ito. Oo nga pala, sya yong nagpapa aral kay Kricia. Nasa ikatatlong taon sa kolehiyo na ito. Nagkakilala sila noong panahong may fashion show sya sa Pangasinan at nakisingit ito sa mga gwardyang nakapalibot sa kanya noon para lang makakuha ng fansign. Avid fan kasi sya nito kahit noong hindi pa sya gaanong sikat. Napakadaldal kasi noon ni Kricia habang humihingi ng fansign kaya tumatak ito sa kanyang isipan. Hanggang sa ipinahanap nya ito at ayun nagustuhan nya ang personalidad nito. Dahil napapalapit na ang loob nya noon kay Kricia, inofferan nya ito kung gusto nya bang maging personal assistant nya. Pumayag naman ito dahil hindi naman daw sya nag-aaral dahil nahinto sya sa kolehiyo. Dahil sa pagiging mabuting kaibigan at pagiging personal assistant nito sa kanya, pinag-aral nya ito noong nakalipas na dalawang taon hanggang sa kasalukuyan.



"Goodluck po sa Interview ate." Tinanguan nya ito bago lumabas sa silid.



"This way po ma'am." Sumunod naman sya doon sa baklang lumapit sa kanya. Isa ito sa mga staff ng The Buzz. Oo nga pala, may interview sya ngayon sa naturang t.v show ng abs-cbn. At ang alam nya ay si Toni Gonzaga ang mag-iinterview sa kanya.



"Ang susunod nating makakasama ay isa sa mga sikat at napakagandang modelo ng ating bansa at maging sa Hollywood. Walang iba kundi ang nag-iisang Victoria Imperial." Nakangiting pumasok naman sya sa loob at masayang sinalubong ang mga taong nanonood sa loob.



"Good afternoon po." Sabay kaway nya sa kanilang lahat. Nagsitilian at naghiyawan naman ang mga fans nya.


"Hi Miss Toni." Sabay Beso nya rito.



"Ang ganda naman talaga nya, diba guys?" Muling naghiyawan ang mga tao sa loob. Umupo naman sya ng maayos sa silyang kaharap ni Toni Gonzaga na masayang nakatingin ito sa kanya.



"Thank you so much for accepting our invitation kahit alam naming napakabusy ng schedule mo." Napangiti naman sya sa sinabi nito.



"Ayos lang po yon. It's my pleasure to be here, to see all these people here." Sabay ngiti nya sa mga audience na panay na naman sa hiyawan.



"Pak Ganern. Ang ganda ng ngiti, Oo." Pareho naman silang natawa sa sinabi ni Toni.



"Thank you po."


"Okey, May iilang katanungang inihanda ang The Buzz sayo. But before that Matanong nga muna kita, Bat ba napakaganda mo? Saan mo namana ang natural na kagandahang iyan?" Natawa naman ang ibang audience sa tanong ni Toni pati sya ay medyo na overwhelm din sa sinabi nito.



"Nakakataba naman po ng puso iyan Miss Toni.."


"Ganern?" Muli naman silang natawa doon.


Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now