Chapter [61]

7.5K 207 16
                                    

Chapter [61] - Hospital

No, Dark. Please don't die.

Hindi ko na mapigilan na umiyak habang nasa lap ko si Dark at kinagat ko ang labi ko ng gusto ko na 'wag umiyak at itinaas ko naman ang ulo ko at tinignan si Violet na umiiyak habang tinatakpan niya ang bibig niya para hindi makagawa ng ingay.

Mabilis na lumingon ako kay Alex na may kausap sa phone at nang maramdaman niya na may nakatingin sa kanya ay humarap siya sa amin at mabilis na ibinaba ang phone niya at tinago sa pocket ng pants niya.

Nagulat ako ng sinugod ng sapak ni Bryan si Alex na ikinahawak ni Alex sa panga niya.

"F*ck! Why did you call an ambulance?!" galit na sigaw ni X kay Alex na nag-tataka.

"Why? You asking me why I called an ambulance? Bulag ka ba o sadyang nag-bubulag bulagan? Nakikita mo bang may taong mamamatay na?!" Baliw na sigaw na tanong ni Alex kay X at mabilis naman na umawat si Killer na ipinagitna niya ang katana niyang hawak sa dalawa.

"'Wag niyong idaan ang away niyo sa salita idaan niyo ito sa totong laban. Kung sino ang makakakuha nitong katanang ito na ihahagis ko patayin mo ang hindi nakasalo," natatawang wika ni Killer at akmang ihahagis pataas ang hawak niyang katana ng makakuha ako ng lakas para makapag-salita.

"Stop it!!" Sigaw ko kaya hindi naituloy ni Killer ang balak niya kaya mabilis ang tatlo na lumingon sa akin.

Hindi rin nag-tagal ay nakarinig na kami ng ingay ng ambulansya at hinayaan ko nalang ang sarili ko na kainin ng dilim na kanina ko pa pinipigilan.

"Alexis!"

****

Third Person Point Of View,

Mabilis na ipinasok ang katawan ni Kyle (Dark) sa ambulance at ganoon rin ang katawan ni Tanaria na may tama ng bala ng baril sa ulo at mabilis na sinundan naman nina Killer, Blood, Blue, Sky, Bubble at Violet ang ambulansya at gamit nila ang sasakyan na ginamit nila para makapunta sa tagong field habang si Bryan (X) ay mabilis na binuhat si Alexis bago dumating ang mga tao sa ambulansya at nag hintay ng taxi at bumalik sa penthouse ni Alexis.

Mabuti nalang at kakaunti lang ang tao dahil kung makikita mo ang dalawa na nag lalakad sa hallway papunta sa penthouse ni Alexis ay mapagkakamalan mo itong may pinatay dahil may mga bahid na ng dugo ang suot nila kahit na nakaitim na suot nito.

Buhat-buhat ni Bryan (X) si Alexis ng ilapag niya ang katawan nito na mahimbing na natutulog sa malambot na kama kung saan ang kwarto ni Alexis at tinitigan muna niya ito ng matagal bago lumabas sa kwarto at sinagot ang tawag ni Blue sa kanya.

[Nasa ER na si Dark.]

"Kakausapin ko si Mr. Zackaman na iprivate ang about sa pasyente nila si Leader at si Tanaria," sabi ni Bryan (X) habang nag-papalit ng suot niya at kumuha ng bagong itim na jacket.

[Nga pala huhubarin na ba namin ang maskara?] Tumatawang tanong ni Blue sa telepono.

"Pwede. Kasi pwede na rin kitang kitilan ng buhay," seryosong sagot ni Bryan kaya nawala ang ngiti sa labi ni Blue.

[Oo na! Ibababa ko na 'to. Kausapin mo na ang dapat mong kausapin at nga pala mag-dala ka ng pera gutom na kasi kami este ako dito.]

"Sige."

Kumuha na ng pera si Bryan sa maliit na drawer malapit sa higaan ng kwarto niya at inilagay sa loob ng jacket niya at mabilis na lumabas sa kwarto at bumaba pero natigilan siya ng makita niya si Alexis na umiinom ng alak na hard at mabilis na tinungga ito ni Alexis.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon