HySE <3 10. basketball

Start from the beginning
                                    

"Jazztine naman eh." Napansin kong namula si Ate Cheska. Kumain na kaming apat.

"Ano?? Totoo naman eh." nakangiting ssabi ni TJ. Mas lalong namula si Ate Cheska. Tapos sumubo na si TJ.

"Kailan niya pa hiningi number mo te?" tanong ko naman sa kanya.

"Nung Sunday lang bago siya umalis." sagot nito at sumubo na ng pagkain.

"Ikaw ba ang kasama niya nung Sunday?" sabat naman ni PJ.

Tumango lang si Ate kay a tinukso na namin siya. Pati nga si TJ tinukso pa namin ni PJ na nagseselos pero ang sagot lang niya ay-

"Bakit naman ako magseselos? Eh, may Drey na ako eh."

Kitams.. Mukhang seryoso nga siya na liligawan niya ako. Kaya dahil sa sagot niya kami naman ang tinukso. Tapos sinabi rin ni PJ na nung Sunday lang sila naghiwalay ni Gelay, magkasama silang tatlo nina Barbie nung Sunday evening kaya hindi raw sila nakauwi dahil nagkainuman. Mukhang nasasanay na si Gelay na uminom!

After naming kumain ay inihatid na ako ni TJ papunta sa classroom ko. Si PJ kasi ay hindi sumabay dahil tinawagan siya ni Barbie na gusto raw siya makita ng parents nito, si Ate Cheska naman ay tinawagan rin ni Kuya Ry.

"Drey, pwede ka ba mamaya?" tanong sa akin ni TJ habang naglalakad kami. Tiningnan ko lang siya. "Yayayain sana kitang gumala sa park, mas maganda yung tanawin dun basta gabi."

"Next time na lang TJ, may usapan kasi kami nina Nel at DM, eh." napansin kong nalungkot si TJ. May naiisip ako. "Sumama ka na lang sa amin. Please TJ, sama ka."

Ngumiti na si TJ at tumango. For the first time magkakasama itong tatlo na gumala, ano kaya magiging resulta?? Kasi kung si Nel at DM ang magkasama ay nagkakagulo kasi kami palagi, paano pa kaya pagnadagdagan sila ng isa?? Excited na ako!!!

Hinatid na niya ako sa room ko at iniwan dun. Kinuha ko na muna ang aking notebook sa Math para makapag review, malapit na kasi ang exam.

*fast forward*

Nandito na ako ngayon sa City Library, at kasama ko ang tatlo kong manliligaw na kanina pa nagtatalo. Gusto kasi sana ni DM na mag bar na lang kami, si Nel naman gusto na mag videoke kami, at si TJ naman ay gusto na mag park kami, kaya ako na ang nagdesisyon na mag City Library na lang.

"Drey, labas na tayo dito. Nakakapagod na magbasa eh." pabulong na sabi ni TJ sa akin. Mukha ngang kanina pa sila nababagot dahil sobrang tahimik ng paligid dito, syembre LIBRARY eh.

"Principessa, kahit saan na lang tayo pumunta wag lang dito sa library." bulong rin sa akin ni Nel. Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

"Bambina, buong araw na tayong nag-aral sa paaralan tapos ngayon, mag-aaral na naman tayo?? Nakakapagod na." bulong rin ni DM. Nag-isip na lang ako kung saan kami mas magiging masaya. And parang tumunog ang light bulb sa utak ko sa naisip ko.

"Alam ko na, mag basketball na lang tayo." napatingin silang tatlo sa akin. Mahilig po kasi akong magbasketball. "Tara na!!!' at tumayo na ako.

Bago kami dumiretso sa basketball gym ay bumili na muna kami ng pagkain. Mahilig ako sa mga street foods kaya, sa isawan kami bumili. Si TJ ang bumili ng isaw, si DM naman sa juice, at si Nel sa mineral water.

Ng makarating kami sa basketball gym ng pamilya ni DM ay dumiretso na agad kami sa isa sa mga courts dito. Napag-usapan naming apat na magkakalaban kami. Pinalagyan ni DM ng dagdag na dalawang rings dito sa court.

"Ganito, kung sino ang mananalo sa ating apat ay pwede kong idate bukas." nagtinginan yung tatlo.

"Eh, pano kung ikaw ang manalo??" sabay-sabay nilang tugon pagkatapos ay nagtinginan.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Where stories live. Discover now