Chapter 26 - Her Tears

269 8 3
                                    

JUNGKOOK'S POV :

Nang makita kong mag-isa na si Elsie na umiiyak , Binalak kong lapitan siya pero lumayo siya sakin .

Siguro nga kasalanan ko talaga 'to . Kung di sana ko sumugod nang basta-basta , Eh di sana hindi nahirapan ang Mom ni Elsie .

Nang umalis si Elsie sa pwesto niya , Napaupo na lang ako dahil sa nararamdaman ko . Ayokong lumalayo siya sakin dahil nasasaktan ako .

Bakit kasi sumugod pa ko ?! Bakit kasi hindi muna ko nakinig sa explanations nila ?! Bakit kasi ang tanga ko ?! Bakit ang selfish ko ?!

Napayuko na lang ako sa isang tabi . Bigla namang may umupo sa tabi ko .

"Jungkook , Anong problema ?" Tanong ni Tita Miranda sakin .

"Kasalanan ko 'to eh" Sagot ko sa kanya.

"Bakit mo sinisisi ang sarili mo ? May sakit na talaga ang Mom ni Elsie . Hindi mo kasalanan na umatake ang sakit niya" Sagot niya sakin..

"Kasalanan ko parin dahil nagbasta-basta ako , Dahil sa ginawa kong gulo kanina nahirapan ang Mom niya . Alam ko na pong may sakit ang Mom niya dahil sinabi sakin ni Marco" Sagot ko.

"Nakakaawa si Elsie . Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya pero alam kong wala akong karapatang maunang magsabi sa kanya" Sagot niya sakin .

"Pasensya na po , Ngayon mukhang iniiwasan niya ko" Sagot ko sabay yuko na lang.

"Intindihin na lang muna natin si Elsie , Kailangan niyang mapag-isa" Sagot niya sakin.

"Sana nga po maging ayos na rin ang lahat" Sagot ko.

"About kay Marco , Hindi siya nanggugulo nang dumating ka . Talagang sa bukid rin siya nakatira dahil siya ang anak-anakan ko . Nang bumalik ako dito sa Pilipinas noon , Nagkita kami at kinupkop ko siya't inituring na tunay na anak . Ipinaramdam niya sakin ang pagmamahal ng isang anak sa isang ina . Hindi ko inaakala na siya pala ang Marco na kilala niyo" Sagot niya sakin .

"So , Talagang walang balak si Marco kay Elsie ?" Tanong ko.

"Tama , Nagkaayos na sila at naging magkaibigan na" Sagot niya sakin .

"Kasalanan ko talaga 'to !" Sabi ko sabay hawak sa ulo ko.

"Tama na 'yan , Jungkook . Magiging maayos din ang lahat" Sagot niya sakin .

"Ayokong nakikitang malungkot o umiiyak si Elsie . Ayokong nakikitang umiiyak siya dahil nasasaktan siya" Sagot ko.

"Ganyan talaga ang buhay , Jungkook . Darating ang mga pagsubok na dapat mong lagpasan" Sagot niya sakin.

Napayuko na lang ako sa kakaisip ng dapat kong gawin para maiparamdam kay Elsie na hindi siya nag-iisa .

Maya-maya pa , Bumalik na si Elsie na umiiyak padin . Napatingin siya sakin pero umiwas ulit ng tingin . Malamang masama ang loob niya sakin .

Pumunta ko sa Pilipinas para i-surprise siya pero hindi ko akalain na ganito pala kalala yung surprise na maibibigay ko sa kanya . Sana hindi na lang pala ko pumunta dito . Dahil sa'kin , Nasa panganib ang Mom niya . Dahil sa katangahan ko 💔

Bigla na lang nagkagulo yung mga nurse at doctor , May nangyayaring kung ano sa Mom ni Elsie .

"Mom ? Mom !" Paulit-ulit na sabi ni Elsie . Agad naman siyang pinigilan ni Tita Miranda.

"Elsie , Sila na ang bahala sa Mom mo" Sabi ni Tita Miranda sa kanya.

Kitang-kita ko na nahihirapan si Elsie . Nahihirapan din ako kapag nakikita siyang ganyan .

"Lalaban ang Mom mo , Elsie . Lalaban siya" Sambit ng Dad niya sa kanya.

Bumalik na rin si Marco at naupo sa isang tabi . Sana makaligtas ang Mom ni Elsie . Sana maging maayos na ang lahat .

😭To be Continued😭

KUNG WALA KA NANG MAINTINDIHAN , KUNG WALA KA NANG MAKAPITAN . KAPIT KA SA AKIN , KUMAPIT KA SA AKIN . HINDI KITA BIBITAWAN 🎶🎶🎶🎶🎶

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Where stories live. Discover now