Chapter 6 - Jealous

755 26 5
                                    



SEOKJIN'S POV :


Nakakapanibago ang mga ikinikilos ni Janine nitong mga nakaraang araw . Para bang palagi siyang may iniisip na problema . I'm sure na may problema talaga siya kasi ramdam ko yung kalungkutan niya nang yakapin niya ko. Ano kaya ang problema niya ? Gusto ko sanang tumulong eh kaso di ko alam kung papaano. Naisip ko namang lapitan si Suga dahil baka may kinalaman siya. Nakita ko siyang nakasuot ng headseat habang nakatambay sa ilalim ng malaking puno.

''Ahhmm.....Suga , Pwede ba tayong mag-usap ???" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sakin nang paseryoso sabay tanggal ng headset niya.

''Ano 'yun ?" Seryosong tanong ko.

''May problema ba kayo ni Janine ?" Tanong ko.

''Bakit natanong mo ? Worried ka sa kanya ?'' Seryosong tanong niya.

''Ahhmm...Siyempre pati sayo , Magkakaibigan tayo kaya naman gusto ko na maging maayos ang lahat'' Sabi ko.

''Paano magiging maayos kung ikaw mismo ang gagawa ng gulo ?" Tanong niya.

''Huh ??? Anong sinabi mo ??? Ako ??? Gagawa ng gulo ???" Gulat kong tanong.

''Tama ! Akala mo ba hindi ko nakita yung yakapan moment niyo ni Janine kanina ?" Tanong niya sakin sabay tayo at lapit sakin.

''Ahhhmmm....Let me explain Suga'' Sabi ko.

''Ano pang i-eexplain mo ? Sasabihin mong aksidente yun ? Tsk !'' Tanong ni Suga sakin.

''Hayaan mo muna kong mag-explain . Kase ..... si Janine . May problema siya ngayon'' Sabi ko.

''Oh ? Talaga ?! Kung meron siyang problema dapat sakin niya unang sinasabi , hindi yung kung kani-kanino'' Sabi nya.

''Suga naman , Pakiusap naman . Wag kang magselos'' Sabi ko.

''Masisisi mo ba ko kung sobrang tinde ng ginawa niyo kanina! Siyempre masasaktan ako kahit na yakap lang'' Sabi niya.

''Pasensya na , Nadala lang naman ng emosyon si Janine eh. Maniwala ka , Wala kaming ginagawang masama . Suga , Nandito ko para ayusin ang problema ni Janine dahil baka madamay pa ang relasyon niyo . Napansin ko , hindi na kayo masyadong nagbabonding ngayon'' Sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumingin sakin nang paseryoso.

''Kung ano man yung napapansin mo , Hayaan mo na lang . Tama ka! Matagal ko na ring napapansin na may problema siya kaso hindi niya inaamin! Kilala ko siya , Hindi siya ganung klase ng tao na palaging tulala at malungkot! Ang ikinaiinis ko lang naman ay hindi man lang niya sinasabi sakin gayong ako ang boyfriend niya'' Sabi niya sakin.

''Intindihin mo na lang si Janine , Mukhang matinde ang pinagdaraanan niya. So....Ayos na tayo ?" Tanong ko.

''Sige , Pasensya na rin . Masyado kong nagselos . Hindi ako nagtiwala sayo'' Sabi niya sabay yuko.

''Ayos lang , Basta ipangako mong hindi kayo susuko ni Janine sa kung ano mang pinagdaraanan niyo'' Sabi ko sabay tapik ng balikat niya.

''Pangako , Tama ka . Dapat ngang kausapin ko na siya bago pa tuluyang masira ang relasyon namin'' Sabi niya sakin.

''Sige na , May aayusin pa ko'' Sabi ko sabay lakad paalis.Samantala , Nakita ko naman si Elsie na mag-isang nakatambay sa may Garden ng Dorm. Agad ko na siyang nilapitan dahil wala siyang kausap dun.

''Ahhhmm....Hello Elsie , Anong ginagawa mo ? Bakit mag-isa ka lang ? Si Jungkook ?" Sunod-sunod kong tanong.

''Oh Seokjin , Nagdodrawing ako sa Sketchpad namin ni Jungkook . Wala siya , Umalis kanina pa. May pupuntahan daw'' Sabi niya sakin habang nagdodrawing.

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Where stories live. Discover now