Chapter 3 - Pangako

799 31 0
                                    

JUNGKOOK'S POV :

Sunday na ngayon , Imbes na sumaya ko mas nalungkot ako dahil magpipicnic ang mga kaibigan ko kasama si Elsie nang di ako kasama sa unang pagkakataon dahil may busy schedule ako . Nanghihinayang talaga ko na magpapakasaya sila nang sama-sama tapos ako heto mag-isa at wala pa sa mood na magpoPhotoshoot kasama ang sikat na K-Idol na si IU . 

Nang dumating ako sa Set ng Photoshoot namin ay agad ko nang natanawan si IU na nakaupo sa isang upuan habang inaayusan ng Make Up Artist niya . Medyo nahihiya pa ko kasi di naman talaga kami close . Saka , Yung sinasabi ni Suga na crush ko si IU ay di totoo . Wala naman sakin yun eh . Sadyang may mga nababasa lang kami sa Social Media na about sakin with IU. Ishiniship nila ko with IU kaya ganun si Suga kung makapang-asar.

Agad na rin akong lumapit kay IU upang bumati .

"Annyeonghasseyo !" Pagbati ko kay IU.

"Oh , Annyeong ! Musta na Jungkook ??" Nakangiti niyang tanong sakin.

"Ayos naman ako IU .Pasensya na sa pagmove ng photoshoot natin dati" Sabi ko sa kanya.

Sa totoo , magkakilala na naman kami ni IU noon pa man dahil nagmimeet na rin kami sa bawat Events na puntahan ng Group naming . Nagkakasalubong kami sa daanan at nagkakatabi sa mga upuan kapag may New Awards na ibibigay samin. Mabait naman siya kaya madali kaming naging friends . Sa totoo , may isa pang reason kung bakit ako tinutukso ni Suga kay IU . Sa isang Event , Nagkabungguan kami ni IU kaya pareho kaming natumba . Wala naming nakakita nun dahil may nagpeperform sa stage at maingay ang mga tao . Pareho kaming napatawa ni IU sa aksidenteng nangyari . Ang kaso nakita kami ng ibang members kaya tinukso na nila ko kay IU simula noon .

''IU , Paano ? Magpapalit na ko ng damit para masimulan na natin ang Photoshoot ?" Tanong ko kay IU. Tumango naman siya sakin kaya nagmadali na kong magbihis para masimulan na ang Photoshoot naming para sa Brand ng Damit na sikat ngayon .

''Ready ka na ?'' Nakangiting tanong sakin ni IU kaya naman tumango ako sa kanya . Nagsimula na ang Photoshoot naming , Sa simula ay medyo nakaka-awkward dahil first time kong magshushoot with her .

''Pasensya ka na , Medyo kabado ko eh'' Sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo ko.

''I understand you Jungkook , Wag kang mag-alala dahil ganyan din ako nung bago pa lang ako sa mga Photoshoot . Namamawis ang kamay ko at saka nangangatog ang binti ko lalo na kapag may itsura ang ka-partner ko sa Photoshoot'' Sambit niya sakin.

''Haha , Tama ka . Paano ba yan ? Hindi ka lang may itsura , Maganda ka talaga kaya siguro nangangatog ang binti ko noh'' Sabi ko sa kanya.

''Ikaw talaga , Basta Go lang nang Go . Fighting !'' Sabi niya sakin kaya naman nilakasan ko ang loob ko at ginawa ang best ko para matapos na agad ang Photoshoot . Habang tumatagal ay mas nagiging sanay ako sa pagpoPhotoshoot kasama siya . Mas nagiging komportable ako sa kanya kaya naman natapos namin ang Photoshoot nang maayos at masaya .

Napagod ako sa kaka-pose kaya naman pinagpawisan ako . Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sakin at punasan ang pawis ko sa noo . Natigilan ako sa ginawa niya at napatingin sa kanya . Natigilan din naman siya sabay pandalas ng layo sakin.

''Ayyyy , Pasensya na Jungkook . Nakalimutan ko , Married ka na nga pala haha . Baka kung ano pang isipin ng ibang tao noh . Mianhae ~'' Sabi niya sakin sabay layo.

''Naku , Wag kang mag-alala . Wala namang masama diba . Siguro mabait ka lang at sadyang maalaga sa mga katrabaho mo'' Sabi ko sa kanya sabay smile.

''Tama ka , Nasanay kasi ako na ganito eh . Nawala sa isip ko na di ka pa sanay na may ibang kasama sa Photoshoot bukod ang ka-members mo'' Sabi niya sakin.

''Tama ka , Sanay na sanay ako sa Photoshoot kung saan ang mga ka-group ko ang kasama ko . Paano na ? Tapos na ang Photoshoot . Great Job sating dalawa'' Sabi ko sa kanya sabay high-five.

Paalis na sana ko nang tawagin niya ko bigla kaya naman natigilan ako .

''Jungkook , Pwede ba tayong magcelebrate ???? If pwede lang'' Tanong niya sakin.

''Ahhmm , Sige ba ! No Problem , Tara ?" Yakag ko sa kanya kaya naman natuwa siya . Binitbit na niya ang bag niya .

''Wait , Akin na yang bag mo . Ako na ang magbibitbit para sayo . Ako ang lalaki eh haha'' Natatawa kong sabi sabay buhat sa bag niya.

''Sandali !'' Sabi niya sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.

''What ? May problema ba ?" Tanong ko.

''Hindi tayo sasakay sa kotse ko o kahit sa kotse mo , Sasakay tayo sa lumang kotse na ginagamit ko sa tuwing gigimik ako . Alam mo na , Haha ! Para iwas issue sa mga Reporters lalo na sa Dispatch na ang galling humuli ng mga nagdedate na Idols . Mahirap na baka mabiktima tayo'' Sabi niya sakin kaya naman inilabas na niya ang lumang kotse kung saan sumakay kami . Astig ah , Siya ang Driver . Hindi talaga mahahalatang Sikat na Artista ang nakasakay dito.


Hapon na ngayon , Dumeretsyo kami ni IU sa tabing dagat . Umupo siya sa buhanginan kaya naman tinabihan ko siya . Walang ibang tao kundi kami lang kaya naman kampante kami .

''Alam mo ba .... Palagi akong nandito sa tuwing may problema ko'' Sabi niya sakin.

''Talaga ? So may problema ka ngayon ?" Tanong ko sa kanya . Hindi na siya sumagot at kumain na lang ng pagkain na binili pa niya nang pasikreto .

''Don't mind me , Basta kumain ka na lang diyan . Baka gabihin ka pa dito eh , Hala ka lagot ka sa Wifey mo'' Sabi niya sakin. Wifey ???? Ayyy ! Naku po ! Oo nga pala , Nakalimutan ko ! Nangako nga pala ko kay Elsie na babawi ako sa kanya ngayong Hapon . Paano na 'to ?

''Ahh...IU , Pasensya ka na ah . Kailangan ko na palang umalis . Nakalimutan ko na may importante pala kong kailangang gawin'' Sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo.

''Talaga ? Pasensya na , Naabala ka tuloy . Hatid na kita'' Sabi niya sakin.

''Hindi na kailangan , Salamat na lang . Sige , Bye'' Sabi ko sa kanya sabay pandalas ng alis at sakay sa Taxi papunta sa Park na pagpipicnic-an nila Elsie . Nang dumating ako sa Park ay wala na sila . Ano nang gagawin ko ?

Agad kong tinawagan sa phone si Elsie kaso di niya sinasagot . Nakakainis naman ! Bwisit ka Jungkook ! Hindi ka tumupad sa pangako mo kay Elsie . Bumiyahe na ako pabalik sa pinagiwanan ko ng Kotse sabay uwi sa Dorm . Nang dumating ako , tahimik silang lahat at mukhang may problema . Hinanap ko agad si Elsie at nakita ko siyang kalarong magBadminton si Taehyung.

''E....Elsie'' Sabi ko sa kanya kaso bigla siyang nag-walk out at pumasok sa loob kaya agad ko siyang sinundan .

''Elsie , Let me explain'' Sabi ko sa kanya kaso di niya ko pinansin at pinaglock-an lang ng kwarto . Napakamot ako sa ulo ko dahil sa nangyari .

Napailing na lamang sakin sina Namjoon sabay alis . Ano nang gagawin ko ?! Bakit ba kasi kinalimutan ko ?!





SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Where stories live. Discover now