Chapter 23 - TEARS

177 4 0
                                    

TITA MIRANDA'S POV :

Ito na nga ang panahong hinintay ko . Ang muling pagkikita ni Elsie at ng magulang niya .

Habang abala si Elsie at Marco sa pag-aayos ng makakain namin , Hindi ko na sinayang ang pagkakataon ko para makausap si Kuya Jessie at Ella .

"Kuya Jessie , Kumusta na ang kondisyon ni Ella ?" Tanong ko.

"May sakit parin siya" Sagot ni Kuya Jessie sabay yuko na lang.

"Tama , Malubha na ang sakit ko . Mamamatay na ko" Sagot ni Ella sakin .

"Hindi pwede , Masasaktan si Elsie" Sagot ko nang malungkot.

"Mukhang ito na talaga ang tadhana ko" Sagot ni Ella sakin.

"Ginawa na namin ang lahat pero malala na daw talaga ang sakit sa puso ng Mom ni Elsie" Sagot ni Kuya Jessie.

"Paano si Elsie ?" Tanong ko.

"Alagaan mong mabuti ang anak ko . Alam kong aalagaan mo siya . Sana kapag wala na ko , Wag kang umalis sa tabi niya" Sagot ni Ella sakin .

Hindi ko na napigilang maluha dahil alam kong hindi magugustuhan ni Elsie 'to . Masasaktan siya nang sobra .

"Kailan niyo balak sabihin sa kanya ?" Tanong ko.

"Humahanap lang kami ng tiyempo" Sagot ni Kuya Jessie.

"Nagdesisyon kaming bumalik na at magpakita sa kanya dahil wala na talaga . Malubha na talaga ang sakit ko. Nahihirapan na talaga akong huminga" Sabi ni Ella .

"Ang tagal na naghintay ni Elsie para makita ulit kayo . Palagi niya kayong hinahanap-hanap . Kailangan niyang magpakatatag" Sabi ko.

Maya-maya pa , Bumalik na si Elsie at Marco at inilapag na ang mga pagkain. Naupo na sila sa tabi namin .

"Kain na tayo , Mom and Dad . Special ang araw na 'to kaya naman dapat na magsaya tayo" Sabi ni Elsie nang nakangiti.

Agad kong pinunasan ang luha ko para hindi niya mahalata . Nasasaktan ako para sa pamangkin ko . Hindi dapat siya nahihirapan ng ganito .

"Kain na po tayo , Talagang pinaghirapan po ni Elsie ang mga pagkaing 'yan" Sabi ni Marco.

"Mabuti pa nga kumain na tayo" Sabi ko

Nagsimula na kaming kumain nang magkakasama . Kitang-kita ko sa mukha ni Elsie ang sobrang excitement ang saya .

"Anak , Ang sarap mo talagang magluto" Sabi ni Kuya Jessie kay Elsie.

"Siyempre naman , Para sa inyo 'to ni Mom eh" Sabi ni Elsie sa kanila.

"Salamat , Anak . Mahal na mahal ka namin" Sabi ni Ella sa kanya.

"Sorry , Ang tagal naming nawala kasi ----" Sabi ni Kuya Jessie. Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang magsalita si Elsie.

"Ayos lang po, Hindi na mahalaga 'yun . Ang mahalaga ay kasama ko na ulit kayo . Hindi na tayo maghihiwa-hiwalay . Magiging masaya tayo everyday" Sagot ni Elsie kaya naman hindi ko na napigilang maluha .

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt