Chapter 24 - SketchPad

187 6 3
                                    

JUNGKOOK'S POV :

Sa kalagitnaan ng biyahe ko , Nakakita ako ng tindahan ng magagandang bulaklak . Magugustuhan ni Elsie 'yun .

"Manong , Sandali. Ihinto niyo muna ang sasakyan . May bibilhin lang ako" Sabi ko kaya naman huminto na ang taxi .

Agad na kong lumabas at pumunta sa tindahan ng mga bulaklak . Pinili ko 'yung red roses . Bumili ako ng isang bouquet ng red roses . Magugustuhan ni Elsie 'to 🌹 Kinuha ko ang phone ko at nagpicture nang hawak ang bulaklak . Memories din 'to noh .

Bumalik ako sa sasakyan at bumiyahe na ulit . Para hindi ma-bored , Tiningnan ko na lang ang pictures namin together ni Elsie sa phone ko .

"Mahal na mahal kita , Elsie" Sambit ko habang pinagmamasdan ang pictures namin .

Napangiti na lang ako at naghintay sa biyahe . Makalipas ang ilang oras , Huminto na ang taxi . Nandito na ko ~

Alam ko ang lugar ni Tita Miranda dahil nakapunta na ko doon . Masaya akong hinila ang mga gamit ko habang hawak naman sa kabilang kamay ang bouquet ng red roses .

Masaya akong bumati sa bawat taong makasalubong ko . Malapit na ko sa bukirin ni Tita Miranda . EXCITED NA KO ~

Nang marating ko ang bukirin kung saan naroon sila Tita Miranda , Napahinga ako nang malalim . Kailangang nakangiti ako sa oras na makita ako ni Elsie .

"Ahmm , Nandiyan po ba si Tita Miranda ? Yung may pamangkin na Elsie ang pangalan ?" Tanong ko sa isang magsasaka.

"Ah , Yung namamahala sa bukirin dito . Oo , Nandiyan siya" Sagot ng magsasaka.

"Salamat po" Sagot ko . Nagmadali na kong lumakad . Pumasok na ko sa loob ng bukirin at naglakad-lakad . Wow , Ayos din 'tong bukirin ni Tita Miranda ah .

May nakita akong nakatalikod na  babae na nakaupo . Hindi ako pwedeng magkamali . Si Elsie na 'to . Kilalang-kilala ko siya kahit na nakatalikod pa siya .

Sobra-sobra na ang ngiti ko dahil nakita ko na siya pero natigilan ako nang makita ang lalaking katabi niya . Sino naman kaya 'tong kasama niya ?

Lalapit na sana ko sa kanya kaso bigla siyang yumakap sa lalaking kasama niya . Natigilan ako nang makita kung sino ang lalaking kasama niya .

Hindi pwede 'to ! Parang bumalik ang nakaraan nang makita ko ang lalaking kasama niya . BAKIT SILA MAGKASAMA ? BAKIT SILA MAGKAYAKAP ? Hindi pwedeng mangyari 'to . SINABIHAN KO NA SIYANG LUMAYO .

Nakita ko ang ngiti nilang dalawa habang yakap ang isa't-isa .

"ELSIE ?!" Gulat kong sabi habang nakatayo sa likuran nila .

Agad rin naman silang napatingin sakin . Parang nanghina ako nang makumpirmang si Marco nga ang kasama niya . Ba--Bakit ?!

Nabitiwan ko ang bouquet na hawak ko dahil sa sobrang gulat .

"Jungkook ?" Gulat na sabi ni Elsie sakin .

"Bakit nandito ka ?!" Seryosong tanong ko kay Marco.

"Le--Let me explain" Sagot ni Marco sakin.

"How dare you ?! Sinabihan na kita noon !" Sagot ko sabay sugod sa kanya .

Nag-init nang sobra ang ulo ko nang makita ko palang siya . Siya ang taong magpapahamak kay Elsie ! Agad ko siyang sinuntok sa mukha kaya naman natumba siya .

"Ju--Jungkook !" Sigaw ni Elsie .

"Walanghiya ka ! Marco , Hindi ka na nagtanda !" Sigaw ko sabay patuloy sa pagsuntok kay Marco .

"Nagkakamali ka , Jungkook" Sabi ni Elsie.

"Lubayan mo na kami ni Elsie !" Sigaw ko kay Marco habang patuloy sa pagsuntok sa kanya .

"So--Sorry" Sagot ni Marco sakin.  Sinusubukan niya kong pigilan pero hindi ako papayag . Hindi ako papayag na muli niyang saktan si Elsie .

"Umalis ka na sa buhay namin !" Sigaw ko .

"Tumigil ka na , Jungkook . Hindi ko inaano si Elsie" Sabi ni Marco sakin .

"Hindi !" Sigaw ko .

Nagkagulo na kami . Ipapakita ko sa kanya na hindi na ko papayag na muli niya kaming sirain ni Elsie .

Maya-maya pa , Bigla nang sumulpot sila Tita Miranda .

"Anong nangyayari ?!" Tanong ni Tita Miranda.

"Umalis ka na dito !" Sigaw ko habang sinusuntok si Marco.

"Tama na 'yan , Jungkook" Awat ni Tita Miranda .

Sa sobrang inis ko kay Marco , Aksidente kong naitulak si Tita Miranda .

"Tumigil ka na ! Sinaktan mo si Nay Miranda !" Sigaw ni Marco sabay laban na sakin . Nagpatuloy lang ang gulo habang nagkakagulo na ang mga magsasaka .

"Awat na 'yan !" Sigawan ng mga magsasakang umaawat samin .

"Anak, Anong meron ?! Naku po !" Narinig kong tanong ng kung sino na pamilyar ang boses. Kaboses ng nanay ni Elsie .

"Jungkook ! Marco ! Tama na !" Sigaw ni Elsie samin.

"Anak ! Ang mom mo !" Sigaw naman ng lalaking kaboses ng Dad ni Elsie .

"MOM !" Rinig kong sigaw ni Elsie kaya naman napalingon ako sa kanila .

Napabitaw ako kay Marco nang makitang nakahilata na sa sahig ang Mom ni Elsie .

"Tulong !" Sigaw ni Tita Miranda sabay takbo sa Mom ni Elsie .

Napatingin ako kay Elsie na gulat na gulat na nakatingin sa Mom niya . Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya .

Bigla niyang nabitawan 'yung sketchpad na ibinigay ko sa kanya . Nahinto ang away namin ni Marco dahil sa nangyari sa Mom ni Elsie .

Anong nangyayari ? Nakita ko na lang na bigla nang nagtatakbo si Elsie sa Mom niya .

"Mom !" Sigaw ni Elsie . Humagulgol na siya bang todo sabay yakap sa Mom niyang mukhang nahihirapan nang huminga . Hi--Hindi pwede 'to .

"Tulong ! Dalhin na natin siya sa Hospital !" Sabi ng Dad ni Elsie .

Nandito na pala sila . Hindi ko alam . Agad nang dinala si Mrs. Montenegro sa Hospital . Nagmadali na silang lahat .

Napatingin ako sa nahulog na sketchpad sa lupa . Natapak-tapakan ito ng mga magsasakang tumutulong sa pagdala sa Mom ni Elsie sa hospital .

Nagmadali ako para kunin ang natapak-tapakang sketchpad namin ni Elsie . Anong nagawa ko ?

Agad na rin akong tumakbo para sumunod sa kanila sa hospital .

💔To be Continued💔

Abangan ang mga susunod na mangyayari .

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora