Chapter 18 - Happy For You

154 6 0
                                    

MARCO'S POV :

Hindi ko akalain na muling magtatagpo ang mundo namin ni Elsie . Akala ko hindi ko na siya muling makikita pero heto siya ngayon kasama ko . Aksidente lang ba o talagang sinasadya ng tadhana na muli kaming magkita ?

Kasama ko siya ngayon , Hindi parin ako makapaniwala na nandito siya . Nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan samin ni Nay Miranda .

Hindi ko naman alam na related pala sila sa isa't-isa . Hindi ko parin alam kung anong gagawin ngayon .

"Sandali lang , May aayusin muna ko. Maiwan ko muna kayo ni Marco dito" Sabi ni Nay Miranda sabay alis na .

Nakatingin lang ako kay Elsie na masayang nakatingin mula sa malayo .

"E--Elsie , Totoo ba talagang nandito ka sa tabi ko ? Hindi ako nananaginip ?" Tanong ko.

Nagulat ako nang bigla niya kong kurutin sa pisnge .

"Aray !" Sabi ko sabay hawak sa pisnge ko.

"Ano ? Nananaginip ka ? Diba hindi ? Totoong nandito ko ! Hahaha" Sagot niya sakin sabay tawa.

"Sobrang di kasi ako makapaniwala eh" Sagot ko.

"Ako din naman eh . Hindi ako makapaniwalang makikita ulit kita" Sagot niya.

"Elsie , Siguro hindi tamang magkasama tayo" Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman ? Wala namang masama sa ginagawa natin eh . Magkaibigan tayo at pamilya ka na ng Tita Miranda ko" Sagot niya sakin.

"Dahil hindi magugustuhan ni Jungkook 'to" Sagot ko.

"Marco , Wag kang mag-alala . Kapag nalaman niya , Magpapaliwanag ako . Hindi kita pwedeng palayasin dahil lang sa nagkaroon tayo ng problema sa nakaraan . Anak na ang turing ni Tita Miranda sayo . Malulungkot siya kapag nawala ka" Sagot niya.

"Nangako kasi ako kay Jungkook na hindi ka na muling lalapitan pa" Sagot ko.

"Ano ka ba naman ? Kalimutan mo na 'yun dahil matagal na yung gulo na nangyari . Maiintindihan ni Jungkook 'to" Sagot niya.

"Sige.  Sabi mo eh . Basta , Pangako --- Hindi ako gagawa ng gulo" Sabi ko.

"Salamat Marco" Sagot niya.

Maya-maya , Bigla siyang napatayo .

"Hala ! Si Jungkook nga pala . Baka madami na yung text sakin" Sabi ni Elsie sabay lakad na .

Naiintindihan ko naman yung layunin ni Jungkook eh . Ayaw niyang mapahamak na naman si Elsie nang dahil sa mga katangahan ko . Tanggap ko naman kung hindi na ko pwedeng makipagkita kay Elsie . Malaman ko lang na masaya siya , Ayos na ko .

Maya-maya , Bumalik si Elsie dala ang phone niya .

"Walang signal dito" Sabi niya sakin.

"Tama ka , Wala ngang signal dito . Mahina ang signal dito eh" Sagot ko kaya naman napaupo na lang siya at nag-alala .

"Wag kang mag-alala , Siguro naman naiintindihan ni Jungkook kung bakit hindi ka naka-reply" Sabi ko sa kanya.

"Sana nga" Sagot niya sakin.

"By the way , Alam na ba ni Jungkook na kasama mo ko ?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa nasasabi sa kanya . Hindi ito ang tamang oras dahil baka kapag sinabi ko ngayon bigla siyang magpumilit na pumunta dito . May mga schedules pa naman siya" Sagot niya sakin.

Tumango na lang ako sa kanya .

Napangiti na lang ako dahil kahit papaano kasama ko siya ngayon kahit na alam kong never na siyang mapapasakin . Masaya ko para sa kanya . Susuportahan ko na lang siya sa kung anong makakapagpasaya sa kanya .

Si Nay Miranda , Masaya kong naging parte na siya ng buhok . Talagang nanay na ang turing ko sa kanya . Tinalikuran ko ang buhay kong malungkot at mas pinili kong mamuhay dito sa probinsya kasama si Nay Miranda . Kahit na mahirap ang buhay dito , Kinakaya ko para sa Nay Miranda ko .

Hindi parin ako maka-move on na nagkita ulit kami ni Elsie . Aksidenteng nagkrus muli ang mundo namin .

Basta , Kung saan siya masaya ayos na sakin 'yun . Alam ko namang hindi siya magtatagal dito . Alam kong hinihintay niya ang mga magulang niya na muling magpakita sa kanya . Sana magkita na ulit sila .

💟To be Continued💟

Sana po suportahan niyo 'tong story kahit na ang tagal kong di nag-ud . Ngayon ko pa lang ulit sinusubukang ayusin 'to . Sana magawa ko ng maayos . Pasensya na kayo kasi short update lang 'to at medyo lame . Sana po maintindihan niyo . Salamat at mahal ko kayo.

Salamat sa mga nagtiyagang maghintay sa ud nito . Alam kong super tagal kong nawala sa paguud nito pero nagpapasalamat ako sa hindi sumukong maghintay dito . Salamat sa mga nagsabing kakayanin ko . Salamat sa mga sumuporta sakin . Love you , Guys ~

Gagawin ko naman ang best ko para sa inyo . Promise ! Fighting. Sorry din kung mabilis matatapos 'to . Cheer Up .

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Where stories live. Discover now