Chapter [60]

7K 214 16
                                    

Chapter [60] - Thank you

"Don't kill your self, Black. Prove it that you're not the killer."

Napadilat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang nag-salita at nanlalaki ang mata ko ng may nakatutok na baril sa akin.

"Put your gun down or else ako ang papatay sayo," seryosong wika ni Leader sa akin at napangiti naman ako ng mapakla. Ba't ko ba pinapakita na mahina ako?

Papatayin ko ang sarili ko o hahayaan ko nalang na patayin ako ng Leader ko? Pipiliin ko ang una dahil hindi ako papayag na sisihin ang sarili ni Leader kung bakit niya ako pinatay. Aish! Ano ba 'tong iniisip ko.

"Malinaw na nakita ko na siya ang kasama ni Kenneth, Kuya Kyle," rinig kong pag-bigkas ni Tanaria habang may nakatutok sa akin na baril.

"Put your gun down, Tanaria. Sigurado akong wala na 'yang bala," walang emosyon na sabi ni Bryan habang nakapasok ang kanyang kamay sa suot niyang jacket.

"At kayo." Sabay tingin niya sa SWG. "...umalis na kayo bago ko kayo isa-isahin na patayin," turo ni Killer sa SWG at kita ko na lumapit si Allen kay Alex at tinapik ang balikat nito senyas na aalis na sila pero tumango si Alex at may sinabi at sa huli ay nag-paiwan si Alex habang ang kasama niya ang umalis.

"Gusto mo talagang mamatay?" tanong ni Violet kay Alex at ngisi lang ang naisagot nito.

Lumingon ako kay Leader at nag-pakita ng ngiti na mapakla, "You can prove it that I'm not the killer," malamig kong wika na lalong kinahigpit ng hawak niya sa baril at kita ko kung paano niya dahan-dahang kinalabit ang gatilyo nito at ang buong akala ko ay sa akin tatama pero sa hawak ko palang baril ito tumama na agad kong nabitawan.

"Ikaw mismo ang mag-papatunay na hindi ikaw ang killer dahil isa sa amin wala kang maasahan ni isa kahit ako," sabi niya na ikinatigil ko at lahat kami ay napalingon kay Tanaria ng tumawa.

"Kitang-kita ko ang nangyari. Mula sa simula hanggang sa huli," matapang na wika ni Tanaria na ikinatawa ko.

"So nakita mo? Kung nakita mo e sana nakilala mo ang babaeng nakamaskarang pumatay kay Kenneth at hindi ako ngayon ang sisisihin mo na pumatay sa fiancé mo!?" galit na wika ko na ikinatigil ni Tanaria at nag-simula ng bumuhos ang kanyang mga luha.

"Huh! Nakamaskara? Babae?" tulalang tanong niya at umatras siya at napaupo sa lupa sabay sabunot ng kanyang sarili.

"Oo! Babaeng nakamaskara, siya ang sumaksak sa fiancé mo. Nakita ko, pero huli na," sabi ko at huminahon na ako sa dulo ng sinabi ko.

"Alexis," tawag pansin sa akin ni Alex kaya nilingon ko siya at nginitian ng mapait.

"Sorry pero ang Andria at Alexis na nerd na kilala mo ay iisa," parang nabunutan ako ng tinik ng sabihin ko iyon.

"Andria? Sh*t! Karma ko na ba ito?" tanong ni Alex at napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"Kung karma mo na nga ito dahil sa panloloko mo sa mga babae, Oo. Oo ang sagot ko diyan," sabi ko habang umiiling-iling dahil nakakaramdam naman ako ng pagkirot sa ulo ko at kinakain na ako ng kadiliman pero nilalabanan ko ito.

Pero sa isang iglap ay hinayaan ko nalang na kainin ako ng kadiliman.

Third Person Point Of View,

Mabilis pa sa segundo na nasalo ni Dark si Alexis na ipinagtaka niya kung bakit ngayon lang gumana ang pampatulog sa ibinigay niyang capsule kay Alexis na pampatulog.

"Alexander Monteverde, right?" tanong ni Violet kay Alex na ipinag-taka niya dahil siya lang ang naiiba ng kulay sa grupo at sandaling natigilan siya ng maalala niya 'yung araw na dinala niya si Alexis sa unit nito at nakasalubong niya ang mga nakaitim at kulay ube lang ang naiiba.

The Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now