"Paanoong??"

"Saan?"

"Kanino??"

"Diba break na kayo--"

"Heppp!" Itinapat ko kamay ko sa kanila. Sabi ko na eh. Dapat di ganun ang pagkakasabi ko. "Pwedeng kumalma??" tanong ko.

Sa wakas, tumahimik din yung dalawa.

"Ok. Let me rephrase it. Baka magpakasal na ako. Baka."

Hindi ko na hinayaang makapagtanong pa sila. 

"Paano? Its a fixed marriage. Yung lolo ko at yung bestfriend niya ay nagkasundo na ipakasal ang mga apo nila. Saan? Hindi ko alam, kasi pag-uusapan pa. Kanino? Hindi ko din alam. Hindi ko pa siya kilala. Magkikita kita kami this Saturday."

"So pumapayag ka na?" tanong ni Faye.


"Hindi. Ayoko nga eh. Imagine, ako, magpapakasal? No way. To think na hindi ko pa kilala kung sino yun. Pero si Papa.."

 "Malay mo, gwapo?" sabi ni Ara.

Umiral na naman ang kakirihan nitong si Ara.

"Eh pano kung masama ang ugali." sabi ko naman.

"Hmmm.. Sino kaya siya??" tanong ni Faye.

**

Pagkauwi ko, nakita ko sa kitchen sina Mama at Papa, mukhang malungkot sila. Anong nangyari?

"Ma, Pa, ano pong nangyari?" tanong ko.

"Pinagbantaan nila ang Papa mo, kapag hindi daw tayo nakabayad sa utang, pasensyahan na lang daw", si Mama ang sumagot.

Nila? Sino? Alam ko madaming utang si Papa, pero may trabaho naman siya, malaki na ba talaga ang utang niya? 

"Ma, sino? Sinong nila?" tanong ko.

"Ang nais ko lang naman ay maibigay sayo ang lahat ng gusto mo, sa inyo ng Mama mo, hindi ko akalain na aabot sa ganito", sabi ni Papa.

Hindi ko maintindihan si Papa, ano bang ibig niyang sabihin? Na umutang siya para lang masunod ang luho ko. Ok lang naman sa akin kahit simpleng buhay, bakit kailangang umabot sa ganito? Kaya ngayon, eto kami at namomroblema sa pambayad.

"Shane.. Im sorry", sabi ni Papa.

Sorry? Para saan? Oh God, ayoko ng ganitong sitwasyon. Baka maiyak ako.

"Pa.." ang tanging nasabi ko lang.

"Hindi ko na alam kung paano ba natin mababayaran ang utang natin." sabi ni Papa.

Niyakap ko si Papa. "Pa.."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Talk about drama.

I hope you like this Chapter. :)

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora