Chapter 53

4.9K 92 22
                                    

Jho POV

Napatayo agad ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang isang malakas na crash galing sa phone ni Bea. Nabasag ang isang baso na may lamang tubig dahil nahulog ito. Kinakabahan ako kung anong nangyari sa kanya. Halos pumuti na ang aking mga labi sa takot na baka naaksidente sya. I prayed silently that my thinking was wrong.

"Ma'am, are you okay?" tanong ng waiter na agad lumapit sa'kin.

Nanghihina ang tuhod ko at gusto na itong magcollapse, mabuti na lang at nasalo agad ako ng waiter.

"Y-yeah. T-hank you."

Kinuha nya ang aking cellphone na nalaglag din sa sahig.

"T-thanks." tipid na sabi ko sa kanya.

Umalis na ito at nagdial ulit ako sa number ni Bea pero hanggang ring lang ito at hindi sya sumasagot sa mga tawag ko. Nagpatuloy pa din ako sa pagtawag sa number niya nang may narinig akong siren ng ambulance na lumampas sa restaurant. Mas lalo akong kinabahan sa takot na baka. Baka, naaksidente sya.

I gathered all my strength at lumabas ng restaurant. Binilisan ko na ang aking paglalakad hanggang sa makakita ako ng mga taong humihinto sa isang lugar para tingnan kung anong meron doon.  Tumakbo na ako papalapit sa kanila at nakita kong nandoon ang ambulance. Isiniksik ko ang aking sarili para makita kung anong meron. Hindi ko na marinig ang boses ng mga tao dahil sa lakas ng kaba sa aking dibdib.

Nang nakita ko na, I fell to the ground on my knees. Nakita kong sasakyan iyon ni Bea na nagitnaan ng dalawang sasakyan. May taong tumulong sa'kin para itayo ako. Umiyak na ako  habang pilit kong nilalapitan ang medical staffs sa ambulance.

"Anong nangyari? The driver in that car, where is she?" pilit kong pinapakalma ang boses kong nagtatanong sa kanila habang nagpupunas ng luha.

"Nasa ambulance na po ma'am. Unconsious po....."

"I'll go with her. Sasakay ako sa ambulance nyo."

Hindi ko na sya pinatapos magsalita at nagsimula ng maglakad papunta sa ambulance.

"Ma'am hindi ka po pwede. Ang pwede lang sumama ay ang....."

Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"She's my fiancee. And I have all the right to ride on that damned car!" napasigaw na ako. Hindi ko na mapigilang umiyak sa harapan ng mga tao. They don't know how I feel.

Nagsorry naman sya and he leads me to the car.

Nakita ko si Bea nakahiga, duguan ang kanyang ulo. May oxygen ding nakakabit sa kanya. May doctor na nag-aattend sa kanya at kumukuha ng vital signs.

I covered my mouth, then pulled at my hair, then covered my mouth again. I didn't know what to do, what action, what words would make any of this feel better. This couldn't be happening. No fate was this cruel.

I held her hand so tight praying she would hold back. I can barely see her through my tears.

"I know your stronger than this, love. You have to wake up from dreaming and see me right here with you. I love you and always will."
____

"Bunso... Anong nangyari? Okay lang ba ang anak ko?" hysterical na tanong ni tita Det. Kagaya ko ay umiiyak na din ito.

Nasa labas kami ng operating room naghihintay.

Tito Elmer was with her. he hugged her tight and told her everything will be okay.

Dumating na din sila mama at papa. Wala si Jaja dahil busy sya sa pag-aaral at nagmemedicine din ito. Niyakap nila ako ng mahigpit. Mas lalo lang akong umiyak dahil 2 hours na ang lumipas at wala pa ring doctor ang lumabas.

So Into YouWhere stories live. Discover now